"Si Ara, Mika, Jeron at Thomas na lang ang walang partners, mamili na kayo guys" sabi ni kuya James, pinsan ko, kapatid ni Josh at syang emcee ngayon.
Ang awkward. Kanina pa kami ganito ni Mika, iwasan, nag-eenjoy sya pero ako hindi. Nah, pinapakita kong nag-eenjoy ako pero ang totoo hindi.
Hindi ko man lang sya malapitan, ni hindi ko man lang sya matabihan, dito lang, sa mga ganitong pagames lang kami nagkakaron ng pagkakataon na magtabi at paminsan minsan ay mag-usap pero hindi pa din yung usap na gusto ko. Yung usap na kelangan namen.
Hay.
Napapabuntong hininga na lang ako.
Umaasa akong ako ang pipiliin nyang partner sa game na to, pero alam kong hindi ako at si Jeron.
Ang awkward nameng apat. Si Thomas hindi naman dapat kasali pero dahil sya ang nakakaalam ng lahat, nadadamay na din sya.
"Kami na lang ni Thomas" napatingin ako kay Mika. Nagforward ito kay Thomas at ngumiti. "Galingan natin" bulong nya kay Thomas.
Napayuko na lang ako.
Atleast, hindi si Jeron ang pinili nya. Nakita ko ang panghihinayang sa mukha ni Jeron.
Hindi ba sila ok?
Ligawan palang pero cold na agad? Kanina ko pa napapansin na bukod sa akin, iniiwasan din ni Mika si Jeron sa hindi ko malamang dahilan.
Anyways, nandito kami sa party kaya kelangan nameng mag-enjoy.
"Ok! All set, so Riri-Jessey, Ara-Jeron, Thomas-Mika, Ren- Krissa and Patrick-Nami" pinapunta ni Kuya James kaming lahat sa mga designated places. Sinabi nito ang instruction ng laro. Paunahan lang.
Bubunot sa bowl ng tig-isang paper bawat partners, kung anong body parts dun iiipit yung lobo, for example ang nabunot ko siko si Jeron naman balakang. So iipitin namen sa pagitan ng siko at balakang yung lobo.
Bunot ng bunot hanggang sa makalima. Unang makalima syang panalo.
"Ready?" huminga ako ng malalim. "Get set..... Go!!!!!!"
Kami ang nauna ni Jeron.
Nakasunod sila Riri. Pangatlo sila Renren at nahuhuli naman sila Mika.
Sumulyap ako kanila Mika paglagay namen sa drum ng lobo ni Jeron. Tawa ito ng tawa habang pilit nilalagay sa likod nya at sa tuhod ni Jeron yung lobo, si Jeron kasi nakataas ang paa para lang maabot ang likod ni Mika, syempre babae alangan namang si Mika pa ang mag-adjust.
Nahahawa ako sa smile ni Mika, pero hindi ko mapigilang makaramdam ng inggit kay Thomas, atleast kahit paano, napapatawa nya ng ganyan si Mika.
Napansin kong nakatingin sa akin si Jeron, nakakunot ang noo nitong tumingin sa tinitignan ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin. "Tara" sabi ko dito saka kami tumakbo pabalik sa isa pangdrum. Bumunot kami ng isa pang pair ng papers at sinunod ang nakasulat doon.
Sa pang-apat na papel ay nahirapan kami ni Jeron kaya medj nakahabol sina Mika.
Napag-iwanan naman yung tatlong pairs na kasali, hindi kasi magkasundo na naman, as usual yung bagong official couple yung dalawa naman hindi malaman kung pano ang gagawin dun sa nabunot nila.
Ngayon, nauuna sina Mika at Thomas.
Sa panglimang bunot ay parehas kaming nahirapan.
Noo ko at Tyan ni Jeron ang nabunot namen
Mahirap kasi hindi ko makita ang daan.
Napansin ko naman na parang natatarantang nagmamadali si Jeron.
![](https://img.wattpad.com/cover/74941994-288-k611681.jpg)