Umuwi ako ng bahay.
As long as kaya ko, pinakita kong kaya ko, ok ako, malakas ako. Umuwi ako at dumiretso sa likod bahay. Walang tao.
May nakita akong tambak na hugasin sa lababo kaya naisip kong maghugas muna ng pinggin. Gusto kong may gawin para hindi ko maisip lahat ng sinabi ni Mika kanina. Nasaktan ako pero hindi ko sya masisisi kung yun ang naparamdam ko sa kanya.
Pinilit kong kalimutan lahat ng iniisip ko habang naghuhugas ako ng pinggan.
Habang naghuhugas ako ay lumapit sa akin si Mama at nagbaba pa ng ibang huhugasan.
"Oh buti naman bumalik ka na" sabi nito. Hindi ako makatingin sa kanya sa halip ay nagfocus na lamang sa hinuhugasan ko, wala pa din ako sa sarili.
"Sabi ng kuya mo sinundan mo daw si Mika sa labas" dagdag nito.
Pinipilit kong hindi makinig sa sinasabi ni Mama, sa ngayon kasi masyadong masakit eh. Sobrang sakit. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak pero parang ngayon, oo napipigilan ko pero any moment later tutulo na lang ito ng kusa. Nang hindi ko namamalayan.
"Ano na naman bang hinahabol mo dun Ara? Akala ko ba si Jeron na ang nanliligaw dun?"
Hindi ako kumikibo.
Pigilin ko mang tanggapin ng isip at tenga ko lahatt ng sinasabi nya hindi ko magawa eh. Ngayon lang nagsalita si Mama ng tungkol dito, bukod dun sa noon nung pinagsabihan nya ako tungkol kay Denden, ngayon na lang ulit.
Hindi ko itinitigil ang paghuhugas ng pinggan para hindi ako gaanong mafocus sa nararamdaman ko, gusto kong kahit papaano ay malibang, para naman makapagpigil kahit sandali.
"Kung gusto mo si Mika, sinasabi ko sayo tantanan mo na" kalmadong sabi nito. "Masasaktan ka lang dyan"
Huminga ako ng malalim sa sinabi nya.
"Imbis na magfocus ka sa lovelife lovelife na yan, mabuti pa mag-ipon ka, para satin, para sa pamilya, tuparin mo na muna yung pangarap mo para sa amin bago yung pangsarili lang. Wag kang maging makasarili"
Natigilan ako sa sinabi niya.
Makasarili? Sa lagay ba eh makasarili pa ako? Wow.
"Kung noon wala kang pwedeng gawin kay Denden, ngayon pa kaya? Isipin mo na lang yung utang na loob mo sa tita mo para taluhin mo pa yung anak nila, Ara.Isipin mo yung utang na loob mo sa pamilya ni Jeron, pinag-aral ka nila, pinagtapos, kung naiisip mo yung nararamdaan mo kay Mika, tigilan mo na. Marami pa dyang iba, ibigay mo na lang si Mika kay Jeron, wag mo ng taluhin yung pinsan mo. Isipin mo na lang kapag nalaman ni Jeron na gusto mo din si Mika? Pag-aawayan nyo lang yan. Baka yan pa ang maging sanhi para magkasira kayong magpinsan eh" nadinig kong tumawa ng mahina si Mama "Wag mo ng ulitin yung ginawa mo noon, baka mapahamak na naman si Jeron"
Tinapos ko lamang yung huling batch ng hinuhugasan ko at saka ako naghugas ng kamay. Nagsasalita pa si Mama pero hindi na pumapasok pa sa utak ko yung mga sinasabi nya.
Hindi ko na din napigilang mapaluha.
Isipin mo na lang yung utang na loob mo sa tita mo para taluhin mo pa yung anak nila.
Pinag aral ka nila, pinagtapos.. kung naiiisip mo yung nararamdaman mo kay Mika, tigilan mo na.
Marami pa dyang iba.
Ibigay mo na lang si Mika kay Jeron
WAg mo ng taluhn yung pinsan mo
Wag mo ng ulitin yung ginawa mo noon