CHAPTER 10

1.8K 37 0
                                    

"Text kaya natin si Mika?" sabi ni Riri na syang naging alarm para matauhan ako sa kanina pang pagkatulala. 


Itext si Mika? 


"Bat mo itetext?" mabilis at may pagkamataray na tanong ni Jessey. 


Oo nga. Bakit nya itetext?


Kahapon lang since last kaming nagkita, and to be honest buong gabi kaming halos magkatext. Nang maghiwalay kasi  kami ay nagtext pala sya sa akin, kaya nang makauwi na lang ako galing sa trabaho ako nakapagreply. Hindi ko naman inexpect na gising pa sya ng mga oras na yun at kausap daw nya ang boyfriend nya, si Brix hahahaha. 


"At bakit ko hindi itetext?" 


Napatingin ako kay Riri, saglit bakit nga kasi itetext nya pa? I mean wait baka naman nagOOA lang ako, iniisip ko kasing any moment ilalaglag ako ni Riri, tho walang pag-amin na nangyari sa akin kahapon tungkol sa kung anong estado ng nararamdaman ko kay Mika, ayoko pa ding magkwento sya dito ng tungkol sa naging pag-uusap namen. Kagabi, hindi nya ko tinantanan ng kakaasar at ng pananakot na kung talagang gusto ko si Mika ay papayag akong tawagan nya ito at papuntahin sa Bar. Si Jessey na lang ang nagpalibang sa kanya sa ibang bagay para makalimutan nya akong asarin. 


Tapos ito na naman sya. 


"Subukan mong itext" pagbabanta ni Jessey. 


Pauwi na kami, maaga ang tapos ng shift namen dahil sabado ngayon. Nag-aayos na kami para makauwi, at katulad ng lagi nameng bonding tuwing sabado, dahil nga maaga kaming uuwi ngayon naisip nameng magfoodtrip sa Bulaluhan ni Ka Mameng. Masarap kasi ang bulalo nya ng ganitong oras  hahahaha. 


"Teka bakit nga kasi ayaw mong ipatext ko?" tanong ni Riri na may halong ngiting pang-asar. "Nagseselos ka ba?" 


"Wow! Bat naman ako magseselos?" mataray pa din ito. 


"Kasi close kami!" confident na sagot ni Riri. 


"Wow. Lakas mo" irap ni Jessey dito saka tumayo at nagtungo sa CR.


"Eh  bakit nga?" nadisappoint na tanong ni Riri saka inabot ng tingin si Jessey mula sa cr. 


"Kasi lalapit na naman sya kay Ara" sabi nito.


Alam kong nagsisinungaling si Jessey. 


Nakita naman ang pagkadismaya sa mukha ni Riri. Ito kasing si Jessey minsan may pagkainsensitive eh, mamaya ako pa ang sisihin nitong si Riri dahil sa mga paeffect nya. Hahaha


Maya maya pa ay lumapit sa akin si Riri. 


"Sayo pa din sya may crush, bat sabi mo parang may gusto na din saken si Jessey" malungkot na tanong nito. 


Can't Help Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon