CHAPTER 7: THE CROW AND THE LION

215 0 0
                                    

          ~~~~CHAPTER 7~~~~~
       "THE CROW AND THE LION"

Detective Vergara's POV

Sinundan ko si Ace upang tanungin tungkol sa mga nalalaman nya. Alam ko may alam sya. Nakita ko sya sa likod ng canteen at naninigarilyo.

"Pwede makisindi?"- tanong ko.

Hindi sya nagsalita. Kinuha nya ang lighter nya sa bulsa at pinasindi nya ako. May nakalagay sa lighter na Edward.

"Sino yung Edward?"- tanong ko sa kanya.

"Isang kaibigan."- tipid na sagot nya.

"Ganon ba. Nasaan na sya?"- tanong ko ulit.

"Wala na."- sagot nya.

Tama. Wala na iyon. Sya yung patay na nakita sa music room.

"Alam kong may alam ka. Sabihin mo na ng matulungan kita."- sabi ko. Alam kong magugulat sya sa tanong ko pero mali ako. Ngumiti sya sa akin.

"Oo meron nga at hindi ko sasabihin yon. Ang tanging maitutulong mo ay manahimik at wag makialam kung ayaw mo pa mamatay."- sabi nya sabay alis.

Naguguluhan talaga ako. Ano ibig n'yang sabihin? Pero hindi ako mananahimik hangga't hindi ko nalalaman ang sagot.

Susan's POV

Umalis na yung detective. Kasama ko si Elmerson ngayon kaya napagdesisyunan namin na lumabas ng room. Lahat kami ay lumabas para kumain.

Hindi ako makakain dahil naaalala ko si Honey. Bakit kasi nangyayari ito.

"Babe may problema?"- tanong ni Elmerson.

"Ah wala. Naalala ko lang si Honey."- sagot ko.

Hindi na sya umimik. Nakita ko si Ace na naglalakad papunta sa gilid ng canteen. Aano kaya sya?

"Ace may makuha ka na bang clue?"- tanong ni JM

"Wala pa."- tipid na sagot nito.

Nang matapos kumaen ang lahat ay nagsibalik na kami sa room.

Nagulat kami sa nakita namin.

Raisa's POV

Nakita kong malalim ang iniisip ni Ace kaya hindi ko muna sya ginugulo. Alam ko masyadong maraming gumugulo sa isip nya ngayon. Pagbalik namin sa room ay nagulat kaming lahat. Nawawala na naman ang anito.

"What the hell?!"- sigaw ni Marian.

Lumapit si Ace sa lalagyan ng anito. Nakita namin na ngumiti ito.

"Bakit ka nakangiti jan Ace?"- tanong ni Benjie.

"Dahil mamamatay na tayo."- nakangiting sagot ni Ace.

Nagulat kami sa sinabi nya. Nasisiraan na ba sya? Magsasalita sana ko pero may boses kaming narinig galing sa loob ng room.

(Kumusta mahal kong IV-SANCTUARY? Lalo na sayo Ace. The CROW of this school. Remember this thing I'm the Lion and I'm the king. Find me if you can. Stay alive as you can. Cause I'll gonna kill all of you. HAHAHAHAHAHA!")

Agad na pumunta si Ace sa locker. Pagbukas nya may nakita kaming cp. Malamang iyon ang ginamit.

"May message."- sabi ni Ace.

"Basahin mo. Gusto namin malaman kung ano nakalagay."- sabi ni Jet.

"Ngayon pa lang kami mag-uumpisa. Ngayon nyo pa lang mararamdaman ang sumpa."- sabi ni Ace tapos ipinakita nya sa amin ang text message.

Ano ibig sabihin nito? Paano na kami? Nakasalalay lahat ang buhay namin kay Ace.

Ace's POV

Dahil sa narinig kong sinabi nung killer at sa nabasa ko lalo akong natakot para kay Frank at kay Raisa. Alam ko sa akin sila umaasa. Bago ko mamatay kailangang may gawin ako. Kailangang malutas na ito agad.

"Guy's. Kailangang kausapin ko si Rocky at Mario. Ibibigay ko na sa kanila ang pagiging hari ng school."- sabi ko sa kanila.

"Natatakot ka ba mamatay? May kinatatakutan ka din pala Ace."- sabi ni Benjie sabay ngiti.

"Hindi ako duwag kagaya mo. Hanggang ako ang hari dito hindi sila titigil sa paghamon sa akin. Mawawalan ako ng oras para hanapin ang killer. Kailangangmaging maingat at matalino sa bawat hakbang na gagawin. Hindi ko kayang may mawala pa."- sagot ko sa kanya sabay tingin kay Frank.

Sa tingin ko naintindihan naman nila. Umalis na ako. Alam kong may mangyayari na namang hindi maganda ngayong malapit na ang tour.

Rocky's POV

Hinamon ko ng suntukan si Mario. Nandito kami ngayon sa field. Maraming tao na nakapalibot sa amin ng biglang dumating si Ace.

"May problema ba Ace?"- tanong ko.

"Wala naman. Gusto ko lang sabihin sa inyong lahat na kung sino ang mananalo dito ay sya na ang magiging hari na JOSE PEDRO DIMAHUKAY ACADEMY. Binibitawan ko na ang pagiging hari."- sabi ni Ace.

"Hindi pwede yan. Kailangang matalo ka ng isa sa amin."- sabi ni Mario.

Tama sya. Walang saysay ang pagiging hari kung hindi mo matatalo ang hari ngayon.

"Alam nyo naman siguro ang nangyayari sa section ko hindi ba? Kung buhay pa ako bago matapos ang sumpa sa amin saka ako babalik para bawiin ito."- sagot ni Ace sabay alis.

Hindi ko sya masisi dahil masyadong malala ang nangyayari sa kanila.

Ace's POV

Masyado akong naguguluhan sa sinabi ng killer. Sya daw ang leon at ako ang uwak. Tama dahil ang hari ng mga hayop ay ang leon. Pero papatunayan ko sa kanya na kahit sya ang pinakamalakas at ang hari, ang uwak pa din ang isa pinakamatalinong hayop sa lahat.

~~~~AUTHOR'S NOTE~~~~

Sorry maikli lang tong chapter na ito. Medyo magulo kasi utak ko.
Salamat sa sumusubaybay. Kung meron kayong nabasa na katulad nito ay hindi ko po ginaya iyon. Sariling imahinasyon ko ang lahat ng ito. Oo may nabasa akong istorya na may patayan. Yun ay ang special section . Pero malayo po ang istorya nito doon. Salamat po ulit.

SUMPA NG NAWAWALANG ANITO [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon