~~~~~CHAPTER 50~~~~~
"SACRIFICE"
Raisa's POV
May isang lalakeng nakahood at may panyo sa mukha ang pumasok sa kuwarto kung saan ako nakakulong. Tinanggal niya ang tali sa kamay at paa ko ng biglang may pumasok.
"Raisa? S-sino ka?"- tanong ni Mary.
Si Mary yung pumasok sa kuwarto kung saan ako ikinulong.
"Mary tinulungan niya ako. Nandito ka ba para patayin ako?"- tanong ko.
"Hindi. Tatakas tayo. Tara na baka magising pa yungmatanda."- sabi niya.
Nagmadali kaming lumabas. Nakahiga yung matanda sa baba ng hagdan.
Akma na akong tatakbo ng biglang hinawakan nung matanda ang paa ko.
"Saan kayo pupu-"- hindi na siya nakatapos magsalita dahil sinipa siya nung lalaking nakahood.
"Tara na."- sabi ni Mary.
Tumakbo kami. Medyo malayo na rin kami sa bahay nung tumigil kami sa pagtakbo.
"Aahh! Buwisit. Bakit ngayon pa."- sabi nung lalaki habang nakahawak sa ulo niya.
"Ok ka lang?"- tanong ko.
"Oo. Ta-"- hindi na siya nakatapos dahil biglang may pumutok na baril.
BANG!!!
Napadapa yung lalaki. Nagulat ako. May tumulong dugo sa balikat niya.
Elmerson's POV
Nagpunta kami sa lugar ma sinabi ko kay Frank.
"Marian bantayan mo si Regine. Tumawag ka lang kung may masamang mangyayari."- sabi ni Frank.
Tumango lang si Marian bilang pagtugon. Kumuha kami ni Frank ng pamalo para kung may mangyari man ay may panlaban kami.
Pumasok na kami sa loob. Medyo madilim.
"Pre wala yatang tao."- sabi ko.
"Mali ata tayo."- sabi ni Frank.
May napansin akong panyo malapit sa isang bangkuan. Kinuha ko iyon.
"Pare ano yan?"- tanong ni Frank.
"Panyo."- sagot ko.
"Kay Raisa yan hindi ba?"- tanong niya ulit.
"Oo. Amoy ng pabango niya ito."- sagot ko.
"Malas. Malamang ay wala na sila dito."- sabi ni Frank.
"Tara na."- sabi ko.
Bumalik na kami sa kotse at nagpatuloy sa paghahanap.
Jet's POV
Hindi pa din namin makita si Raisa. Dumagdag pa yung problemang patay na daw sila JM at Benjie. Kinabahan tuloy ako para kay Raisa.
"Ash ano sabi nila Frank?"- tanong ko.
Tinext niya kasi sila Frank upang malaman kung ano na ang balita. At para ipaalam ang nangyari.
"Wala pa din daw eh."- sagot ni Ash.
"Saan tayo maghahanap kuya Sonny?"- tanong ko.
"Sa kabilang bayan. May bahay doon si John Fraud."- sagot ni kuya Sonny.
Nagmadali siyang nagpunta doon. Pero wala kaming inabutan.Bukas ang pinto at may ilang sasakyan.
"Hindi kaya nakaalis na sila?"- tanong ko.