~~~~~CHAPTER 42~~~~~
"SEMBREAK"
"(LAST SMILE WITH YOU)"Raisa's POV
Napasigaw ako ng makita kong puro dugo sa pool. Nakalutang ang bangkay ni Ashley. Pero sino?
Sino ang pumatay sa kanya?
"Bok tingnan mo kung sino ang wala dito. Tingnan mo din kung sino ang kahinahinala sa kanila! Ash at Frank tulungan nyo si Elmerson!"- pakasabi ni Ace ay tumalon agad siya sa swimming pool.
"A-ate n-natatakot ako."- nanginginig na wika ni Regine.
Niyakap ko siya. Napansin kong napaluha na din si Marian.
"Pre bakit may dugo ka sa t-shirt mo?!"- gulat na tanong ni Elmerson kay Jet.
"H-hindi ko alam!"- sagot ni Jet.
"Ikaw siguro ang pumatay sa kanya!"- galit na sabi ni Jimboy.
"Siguro nga ikaw yon."- sabi naman ni Harold.
"Hindi ako!"- sabi ni Jet.
"Tama na yan pwede ba!"- galit na sigaw ni Marian.
"Kuya buhay pa ba sya?"- tanong ni Frank kay Ace.
Natahimik kami lahat ng iahon ni Ace ang duguang bangkay ni Ashley.
"Hindi na siya humihinga."- sabi ni Ace.
"Tang ina kasalanan mo to hayop ka! Ikaw pala ang killer!"- galit na sabi ni Jimboy tapos ay sinugod niya si Jet.
"Tama na! May mangyayari ba kung papatayin mo si Jet?! Maibabalik ba nito lahat ang nawala?! Hindi naman diba?! Magiging isa ka ring killer kung gagawin mo yan! At isa pa sinong tanga ang maglalagay ng mantsa ng dugo sa damit niya kung siya nga ang killer?! Nakalimutan mo na ba na matalino ang killer?!"- galit na sabi ni Ace.
Walang umimik sa sinabi niya. Tama lahat ng sinabi ni Ace. Walang Mangyayari kung magsisisihan kami.
"Putang ina kung sino man ang gumagawa nito mahuhuli ko rin kayo!"- sigaw ni Ace sabay suntok sa lamesang malapit sa kanya.
"Mabuti pa magpahinga na tayong lahat."- sabi ni Jimboy.
Tumawag kami kay kuya Sonny. Siya na ang nag-ayos ng lahat. Wala silang nakitang ebidensiya maliban sa dugo sa damit ni Jet. Pero sinabi niya na humawak lang si Ashley sa kanya bago ito nahulog sa tubig. Naniwala naman ang mga pulis dahil walang nakuhang murder weapon sa resort. Namatay si Ashley dahil sa saksak sa dibdib ay likod.
Frank's POV
Kinabukasan ay umuwi na kami. Walang kumikibo sa nangyari. Napagalitan kami ng mga magulang ni Ashley sa nangyari. Pero hindi sila nagsampa ng kaso sa amin. Kinausap kasi sila ni Joseph. Yung gunggong na principal namin. Mabilis na lumipas ang araw.
Ito na ang huling araw ng sembreak. Nakakabagot. Wala kasing nag-aaya simula nung nangyari sa resort. Si Ash at Elmerson madalang magtext. Si Jet naman hindi sumasagot sa mga tawag ko. Si Regine lang palagi ko kausap sa telepono. Si kuya kasi nagkukulong sa kuwarto. Panay sulat sa notebook niya.
"Frank"- tawag ni kuya.
Ngayon lang ulit siya nakipag-usap sa akin. Bakit kaya?
"Bakit kuya?"- tanong ko.
"Ang killer ay si Maica at ang SC president ay si King."- nakangiting sabi ni kuya.
"Ha?! Si-sigurado ka?!"- gulat na tanong ko.