~~~~~CHAPTER 52~~~~~
"THE TIME COME'S"Frank's POV
Pagpasok namin sa boarding house ni kuya ay biglang may nagpaputok ng baril.
BANG! BANG! BANG! BANG!
Nagulat kami lahat at napadapa.
"Nagulat ba kaya? Wag kayong mag-alala sound effect lang yon at walang totoong baril. Buksan nyo na lang ang laptop na nasa lamesa."
Iyon ang marinig namin pagkatapos ng putok ng baril. Binuksan ko ang ilaw at binuksan naman ni Jet yung laptop. Ilang sandali lang ay may tumawag sa skype. Sinagot namin iyon. Isang lalaking nakamaskara ang nasa video.
"Kumusta?"- tanong niya.
"Ikaw si King hindi ba? Hayop ka ikaw siguro ang pumatay kay Mary!"- galit na sabi ni Ash.
"Kung ako nga si King dapat patay na kayo. Nga pala nandoon sa ilalim na kahon yung notebook."- sabi nung naka maskara.
Tiningnan ko ang sinasabi niya at nandoon nga ang notebook ni kuya.
"Raisa may regalo ako para sa iyo."- sabi nung naka maskara.
"Ha? Ano naman iyon?!"- gulat na tanong ni Raisa.
"Buksan mo yung drawer malapit sa malaking sofa."- sagot nung naka maskara.
Binuksan ni Raisa ang drawer. Inilabas niya ang isang key chain.
"I-ito ang key chain na ibinigay ni Ace."- sabi ni Raisa.
"Sino ka ba talaga?"- tanong ko sa naka maskara.
"Hindi n'yo na dapat pang malaman."- sagot niya.
"Kakampi ka ba namin?"- tanong ni Marian sa kanya.
"Sabihin na nating oo. Pero pwede din isa ako sa kanila hindi ba? Frank may itatanong ako sa inyo. Sa palagay n'yo ba makakaligtas kayo?"- tanong niya.
"Hindi ko alam. Pero kung magtutulungan kami makakaligtas kami."- sagot ko.
"Hindi nga ako nagkamali. Apat na pangalan ang nandiyan sa notebook. Ang isa ay hindi na nagawang isulat dahil sa kakulangan ni Ace sa oras. Ang mga killer ay sila John Fraud, mang Lito at yung isa ay pinunit ko. Yung isa ay si Mary. Hindi siya pumapatay. Gusto lang siya iligtas ni John Fraud."- sabi niya.
"Bakit gusto siyang iligtas ni John? At bakit mo pinunit yung isa?"- tanong ko.
"Kaya ko pinunit ay gusto kong malaman kung hanggang saan ang kaya ninyo. At ang dahilan kung bakit nakasama si Mary ay dahil kapatid niya si John Fraud."- sagot niya.
"Ibig sabihin kapatid din nila Frank si Mary?"- tanong ni Ash.
"Hindi. Magkapatid lang sila sa ina. At ang dahilan kung bakit kayo pinapatay ay dahil galit si John Fraud kila Frank at iniayon lang niya ito sa sumpa. Pero dahil na rin sa isa sa kanila si Jonathan ay pinatay na nila ang iba."- sagot niya.
"Ano ang dapat naming gawin?"- tanong ni Jet.
"Magplano kayo. Ito na ang oras na magdedesisyon kung mabubuhay ba talaga kayo. Pagkatapos ng christmas party ninyo ay pumunta kayong lahat sa school. Doon matatapos ang lahat."- sabi niya tapos ay pinutol na ang video call.
Sino kaya siya? Bakit ang dami niyang alam? May isang buwan pa kami para hanapin ang mga killer.
Ash's POV
Hindi ko alam kung sino ang taong iyon. Pero kung makakatulong siya kailangan mahanap ko siya. Ang ipinagtataka ko ay bakit pinunit niya ang notebook. Hindi kaya pangalan niya ang nandoon. Maaaring isa siya sa killer at pinaglalaruan n'ya lang kami.