~~~~~CHAPTER 41~~~~~
"SEMBREAK"
"(ACE'S PLAN)"Ace's POV
Maaga akong nagising dahil pupunta kami sa resort nila Jimboy. Medyo mahaba din ang biyahe papunta doon. Nakita kong masarap pa ang tulog nila Frank kaya hindi ko muna sila ginising. Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig.
Habang umiinom ako ay nag-iisip ako ng plano kung paano ko mahuhuli ang mga killer. At isa lang ang naisip kong paraan. At ang kapalit noon ay buhay ko. Ayokong saktan si Frank at Raisa kung mamamatay ako kaya gagawa ako ng paraan para hindi sila masaktan.
Alam ko na kung sino ang isa sa kanila. Pero kung sasabihin ko kung sino siya ay masisira ang plano ko.
"Hero!"
Nagulat ako kasi may tumawag sa akin. Si Raisa yon.
"Good morning."- nakangiting bati ko.
"Aga mo naman nagising."- nakangiting sabi niya.
"Munchkin kung mamamatay ako malulungkot ka ba?"- tanong ko.
"Ha?!"- gulat na tanong niya.
"Wala yon. Munchkin pangako mo sa akin na mabubuhay ka ha."- sabi ko.
"Ano ba sinabi mo?"- tanong niya.
"Gisingin mo na sila. Maghahanda na ako ng breakfast natin."- sabi ko tapos iniwan ko siya para puntahan si manang Cora.
Raisa's POV
Hindi ko alam kung bakit ganun ang sinabi ni Ace. Masyado akong naguluhan sa mga sinabi niya. Umakyat ako sa taas para gisingin sila.
"Guys gising na."- sabi ko.
"Ang aga pa ate."- sabi ni Regine.
"Sabi kasi ni Ace kailangang maaga tayong makapunta doon."- sagot ko.
Bumangon na sila at bumaba. Nakita kong pababa na din sila Elmerson. Pagbaba namin ay nakapaghain na sila aling Cora.
"Kaen na kayo."- sabi ni aling Cora.
Kumaen na kami. Pagkatapos ay naligo na. Walang gaanong nagsasalita dahil masyadong maaga pa. Siguro ay mga tulog pa ang diwa nila.
Pagkatapos namin maligo lahat ay bumaba na kami. Nandoon si mang Erning. May iniabot siya kay Ace na notebook. Hindi ko alam kung para saan iyon. Itatanong ko na lang mamaya.
"Ready na ba kayo?"- nakangiting tanong ni Ace.
Tumango lang kami bilang pagsang-ayon. Sumakay na kami sa van. Sa tabi ng driver's seat ako umupo dahil si Ace daw ang magdadrive.
Frank's POV
Papunta na kami sa resort nila Jimboy. Napaisip ako bigla. Paano kaya kung may gawin na naman ang killer? Paano kung may mamatay na naman sa amin?
Masyadong maraming tanong ang gumugulo sa isip ko. Hindi ko alam kung may matitira pa sa section namin. Binasag ni Ash ang katahimikan.
"Guys paano kung may mamatay na naman habang nasa resort tayo?"- tanong niya.
Walang kumikibo sa amin. Nagkatinginan lang kami.
"Kung mangyari man yon may bago ba?"- tanong ni kuya.
"Ano ba sinasabi mo Ace?!"- inis na tanong ni Marian.
"Hindi pa ba kayo sanay sa mga nangyayari? Ilang kaklase na ba natin ang namatay? Kung iisipin nyo ang mga mangyayari ay malamang isa na sa atin ang susunod. May mga suspek na ba kayo?"- tuloy-tuloy na tanong ni kuya.