~~~~~CHAPTER 51~~~~~
"SHE'S BACK"Frank's POV
Nagmadali kaming pumunta sa sinabi ni Raisa. Ilang minuto lang ay nandoon na kami. Nakita namin siyang nakaupo sa isang shed.
"Ate!"- sigaw ni Regine.
Agad siyang bumaba at niyakap si Raisa. Napansin kong may mga mantsa ng dugo si Raisa sa damit.
"Raisa bakit may dugo ko sa damit?"- tanong ko.
"Ha?! Oo nga ate may sugat ka ba?"- tanong ni Regine.
"Ah wala. May lalaki kasing tumulong sa akin. At kamukha niya si Ace."- sagot ni Raisa.
"Ano?!"- sabay-sabay naming tanong.
"Kamukha niya talaga si Ace. Tony ang pangalan niya. Bumalik siya para puntahan si Mary."- sagot ni Raisa.
Kamukha ni kuya? Tony? Sa kanya kaya galing yung notebook? Hindi kaya siya talaga si kuya?
Bang! Bang! Bang! Bang! Bang!
Nagulat kami kasi may sunod-sunod na putok ng baril kaming narinig.
"Tara na. Tumawag na tayo kay kuya Sonny."- sabi ni Elmerson.
"Pero si Tony? Paano siya?"- tanong ni Raisa.
"Sila kuya Sonny na ang bahala sa kanya."- sagot ko.
Umuwi na kami at tumawag ako kay kuya Sonny.
Jet's POV
Tumawag si Frank at sinabi na nakita na si Raisa. Hinanap namin yung Tony na sinasabi ni Raisa. Gusto namin malaman ni Ash kung siya nga talaga si Ace.
"Sir may bangkay po dito!"- sigaw nung isang pulis.
Pumunta kami agad doon. Nagulat kami sa nakita namin.
"Kilala n'yo ba sila?"- tanong ni kuya Sonny.
"Opo. Si mang Lito yan."- sagot ni Ash.
Dinala nila ang bangkay ni mang Lito. Isa lang ang sigurado namin ni Ash. Hindi si Jonathan Samaniego ang may pakana ng lahat. Ang sumpa ay isang malaking kalokohan.
Jasmin's POV
Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto. Sa sala na pala ako nakatulog. Binuksan ko agad ang pinto. Si Tony ang kumakatok kaya niyakap ko siya agad.
"Saan ka ba nagpunta Tony? Nag-alala ako sa iyo."- naiiyak kong sabi.
"Jasmin salamat sa lahat ha."- sabi niya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Nakita kong may dugo siya.
"Napano iyan?"- tanong ko.
"Galos lang ito. Nakita mo ba ang bag ko?"- tanong niya.
"A-anong bag?"- tanong ko.
"Ah wala. Sige kailangan ko ng umalis. Jasmin maraming salamat talaga sa lahat. Kailangan ko ng gawin ang dapat kong gawin."- sagot niya.
"N-natatandaan m-mo na a-ang lahat?"- tanong ko.
"Oo Jasmin. Ako si Ace Reaper. Isang estudyante ng Jose Pedro Dimahukay Academy. Kaya kung pwede wag mong sabihin kahit kanino."- sabi niya.
"Ok. Kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako."- sabi ko.
"Salamat."- sabi niya.
Alam kong darating ang araw na ito. Pero hindi ko alam na ganoon kabilis. Halos dalawang linggo lang noong makita ko siya sa ilog.