~~~~CHAPTER 9~~~~
"THE TRIO"Benjie's POV
Hindi pumasok ang tres malignos na sila Jomar, Jamaal at Jose kahapon. Hanggang ngayon ay wala pa sila. Bakit kaya?
"Benjie!"- sigaw ni JM
"Oh problema mo el presidente kamote matabang malaki ulo na semi panotchi?"- sabi ko.
"Takte naman jek! Magpapatulong lang naman ako"- sabi nya.
"Ano yun?"- ako.
"Tulungan mo kong manligaw kay Raisa"- JM
"Sige ba."- sagot ko.
Pumasok kami sa room at nandoon si Ace at si Raisa. Kitang kita namin na hinalikan ni Ace si Raisa.
"Ace anong ginagawa mo sa kanya?!"- sigaw ni JM.
Halatang gulat si Raisa. Si Ace naman ay chill lang.
"A-ah mali ang i-iniisip mo."- nauutal na sabi ni Raisa.
"Kung ano nakita mo iyon na yon JM. Saka bakit ka nagagalit kayo ba?"- Ace
Walang nagawa si JM. Langya talaga tong Ace na ito. Gago talaga.
Jennifer's POV
Pagpasok ko sa room ay nandoon na sila lahat. Pati si ma'am Mylene.
"Sorry ma'am I'm late."- sabi ko.
"Take your sit."- sagot nya.
Yes hindi bad mood si ma'am. Pagtingin ko sa likod wala pa ang 3 itlog. Nakakamiss sila kasi makukutit ang mga yon.
"Harold pakikuha nga ang libro na blue sa locker."- sabi ni ma'am.
Tinitingnan ko si Harold habang binubuksan nya ang locker.
JM's POV
Pinakuha ni ma'am ang libro nya sa locker. Kainis na Ace yun. Inunahan ako kay Raisa. Lalapit sana ko kay Raisa ng biglang.
"AAAAAHHHHHHHHH!!!"- sigaw ni Marian at Cathy.
Paglingon ko sa kanila ay nakatingin sila sa locker na parang takot na takot. Paglingon ko sa locker ay nakita ko ang ulo nila Jomar, Jamaal at Jose.
Nabawasan na naman kami. Pinalabas kami ng teacher namin sa room. Nang dumating si detective Vergara ay tinanong nya ulit kami.
Jet's POV
Nagulat ako sa nakita ko. Ang ulo ng tatlong kaklase namin. Pugot ang mga ito. Natagpuan ang mga katawan nila sa katabing locker. Putol-putol ang mga bahagi ng katawan. Ang ipinagtataka ko ay bakit hindi ito umamoy. Siguro ganun kagaling ang killer at nagawa nya ito.
"Sino sa tingin nyo ang pumapatay?"- tanong ni detective Vergara.
Nagulat kami sa tanong nya. Sino? eh wala pa nga kaming clue kung sino.
Walang sumagot sa amin.
"Kailangan ko pa ba ulitin?"- tanong nya ulit.
"Hindi namin alam."- sagot ni Ace
"Ok, pero sinisiguro ko mahuhuli ko din sya."- sabi ni detective at umalis na ito.
Nawawalan na ako ng pag-asa dahil maging si Ace ay hindi alam kung sino.
Regine's POV
Walang nagsasalita sa amin simula nung nakita namin ang mga ulo nung trio naming kaklase. Tanging si kuya Ace lang ang sumagot kay detective Vergara.
"Hindi lang isa ang pumapatay. Kilala ko ang tatlong bugok na yon. Hindi sila kaya ng iisa lang."- sabi ni kuya Ace.
"Paano ka nakasisiguro?"- tanong ni Benjie.
"Alam ko ang ugali nila. May mga kalokohan sila pero wala silang inaargabyadong tao. At isa pa parang magkakapatid na sila kaya alam ko hindi sila kaya ng isa lang."- sagot ni kuya Ace.
Hindi na umimik si Benjie dahil alam nya na hindi sya mananalo kay kuya Ace.
Cathy's POV
Patay na ang tatlong itlog. Hindi ako ganoon kalungkot kasi ayaw ko sa kanila. Si Ace lang ang mahalaga sa akin. Kaya lang ako dumikit kay Marian ay upang mapansin ni Ace dahil lagi nagpapapansin si Marian kay Ace. Pero mali ako. Parang invisible ako sa kanya. Nakakausap nya lang ako kung magkagrupo kami sa isang project. Pagnatapos yun parang hangin na naman ako sa kanya. Buong school year ko dito sya lang ang pinangarap ko. Masaya na ako pag nakita ko syang ngumiti. Madami kasing humahanga sa kanya. Mabait, guwapo, matalino, pala kaibigan, malakas ang pangangatawan at higit sa lahat sya lang ang nag-iisang taong nakilala ko na kapag kailangan mo ng tulong ay tutulungan ka nya basta dito ka nag-aaral. Kahit na kaaway ka pa nya basta. Sinubukan ko syang kausapin ngayon kahit alam kong magagalit si Marian.
"Ace ok ka lang ba?"- tanong ko.
"Oo naman."- sagot nya sabay ngiti.
Ngumiti sya sa akin. Ngayon lang ulit nya ito ginawa simula nung nag-umpisa ang patayan sa section namin.
"Cathy mag-iingat kayo ha. Hindi natin alam kung sino ang kalaban. Kahit papaano ay may pinagsamahan na tayong lahat. Nakakalungkot lang na ang isa sa killer ay kaklase pa natin."- sabi nya sabay alis.
Natulala ako sa sinabi nya. May alam na kaya sya?.
Someone's POV
Nandito ako sa third floor. Kitang kita ko dito sila Ace na nasa field ngayon. Wala silang kaalam-alam. Si Ace Reaper. Sya lang ang matinong kalaban namin. Pero sabi ko sa kanila itira nila sila Ace at ang grupo nya para may thrill. Yung kambal ay kasama sa grupong sinabi ko. Biglang may tumawag sa akin.
"KING?"- sabi nya.
"QUEEN ikaw pala. Ano problema?"- ako
"Gusto kong paglaruan si Ace."- sabi nya.
"Walang problema."- sagot ko.
Sya ang nasa likod ng lahat ng mga planong ito. Ako lang ang inaakala nilang pinuno.
Humanda ka ngayon Ace. Pati na ikaw Frank. Hindi ko malilimutan ang ginawa nyo sa amin ng aking reyna.
~~~~~AUTHOR'S NOTE~~~~~
>>>>>Sorry maiksi lang ang chapter na ito. Madami kasing ginagawa eh. May hula na ba kayo kung ilan at kung sino ang killer? comment lang kung nahulaan nyo na.