CHAPTER 45: THE PLAN FAILED

121 1 0
                                    

       ~~~~~CHAPTER 45~~~~~
             "THE PLAN FAILED"

King's POV

Nagawa na nila Queen ang plano namin. Wala na si Ace. Wala na kaming problema. Madali na ngayon silang isa-isahin.

Naglakad-lakad ako para magpahangin. Nakita ko si Mary sa duyan malapit sa park.

"Anong ginagawa mo dito Mary?"- tanong ko.

"Bakit sinunog nyo pa ang katawan ni kuya Ace?"- tanong niya.

"Para iligtas ka. Alam kong palabas lang ang ginawa ninyo. Ginawa ko iyon upang protektahan ka."- sagot ko.

"Napakasama mo! Ayoko ng sumama sa inyo! Mas gusto ko pang mamatay kaysa pumatay ng tao!"- galit na sabi ni Mary.

Pagkasabi niya noon ay umalis na siya. Hindi ko mapigilan ang mainis dahil mas gusto nya pang mamatay kaysa ang mabuhay.

Frank's POV

Hindi ko matanggap na wala na ang bangkay ni kuya Ace. Kailangan ko ng kumilos. Punong-puno na ako sa mga ginawa nila. Hindi pa sila nakuntento na patayin si kuya Ace. Sinunog pa nila ang katawan nito.

Hindi matanggap ni dad ang nangyari kay kuya. Inatake siya at nasa ospital ngayon. Isang linggo na rin akong hindi pumapasok. Wala akong ginawa kung hindi mag imbestiga. Pinuntahan ko na din ang ibang mga kakilala ni kuya upang tumulong sa akin.

Raisa's POV

Mahigit isang linggo na rin ang nakalipas ng mamatay si Ace. At isang linggo ng hindi pumapasok si Frank. Hindi din namin siya macontact dahil laging patay ang cp niya. Si Mary naman ay palaging umiiwas. Kahit ano ang itanong namin sa kanya ay palaging iyak ang isinasagot niya.

Nagpunta ako kay kuya Sonny para kausapin siya. Pagdating q s opisina niya ay naabutan ko siyang umiinom.

"Raisa ikaw pala."- malungkot niyang sabi.

"Kuya Sonny akala ko ba nag-iimbestiga ka sa nangyari kay Ace?"- tanong ko.

"Hindi naging matagumpay ang plano ni Ace. Ang sabi niya ay mapagkakatiwalaan ang kaibigan niya. At ang sabi niya hindi daw ito ang pumapatay. Pero nagkamali siya. Mali siya ng pinagkatiwalaan."- sagot ni kuya Sonny.

"A-anong ibig m-mong sabihin?"- tanong ko.

"Planado ang pagkamatay ni Ace. Gusto niyang isipin ng mga killer na patay na siya. Hindi ko inakala na mamamatay siya ng walang laban. Ang dapat ay magpapanggap lang siya na patay."- sagot ni kuya Sonny.

Kung ganoon iyon ang plano ni Ace. Pero sino ang sinasabi ni kuya Sonny? Hindi kaya si Mary iyon?

Dapat kong kausapin si Mary. Nagmadali akong umalis para hanapin si Mary.

Marian's POV

Nasa kuwarto ako ngayon. Iniisip ko kung paano namin mahuhuli sa akto ang mga killer. Alam na namin kung sino ang mga killer. Pero parang ang hirap isipin na isa sa kanila si Mary.

Bababa na sana ako para puntahan sila Ash ng may magtext sa akin. Tiningnan ko ang cp ko. Si Raisa.

"Marian magkita tayo sa dating bahay ni Ace"

Pagkabasa ko ay umalis na ako para pumunta sa dating tirahan ni Ace. Pagkadating ko ay nasa labas sila. Pero si Frank ay wala pa.

"Bakit wala si Frank?"- tanong ko.

"Hindi pa rin namin siya makontak eh."- sagot ni Elmerson.

"Ok lang kaya siya?"- tanong ni Regine.

Halata sa mukha niya na malaki ang pag-aalala niya kay Frank.

"Tara na. Binigay na sa akin ni manang Fe ang susi."- sabi ni Raisa.

"Teka nga Raisa aano ba tayo dito?"- tanong ni Ash.

"Sa loob na tayo mag-usap."- sagot ni Raisa.

Pagkapasok namin ay umupo si Raisa sa sofa. Ewan ko kung bakit naluluha siya. Naupo siya sa sahig na madalas inuupuan ni Ace kapag may project at kapag may pinag-uusapan kami.

"Ate ano ba ang ginagawa mo? Wag mo naman gayahin si kuya Ace."- sabi ni Regine.

"Si Mary ang pumatay kay Ace. Nagtiwala si Ace sa kanya. Ang plano ni Ace ay magpanggap na patay pero sinabi ni Mary ang plano sa mga kasama niya upang hindi magtagumpay ang mga plano ni Ace."- sabi ni Raisa.

"Paano mo nasabi iyan? May katibayan ka ba?"- tanong ni Ash.

"Sinabi sa akin lahat yon ni kuya Sonny."- sagot ni Raisa.

Napatigil kami lahat sa sinabi niya. Walang makapagsalita dahil kay kuya Sonny na galing ang impormasyon na iyon.

"Hintayin natin kung ano ang plano ni Frank. At doon tayo kikilos."- sabi ni Raisa.

"Ash handa ka na ba makipaglaro kay Mary?"- tanong ko.

"Oo. Para kay Crow."- nakangiting sagot ni Ash.

"Tama para kay Ace."- sabi ni Elmerson at Jet.

"Tatapusin natin to para kay kuya Ace."- sabi naman ni Regine.

"Walang iwanan guys."- sabi ko.

"Ngayon pa lang mag-uumpisa ang tunay na laban para sa atin. At para kay Hero."- dagdag ni Raisa.

Dahil nandito kami sa dating bahay ni Ace ay parang kasama na rin namin siya. Pakiramdam ko ay may nasa tabi lang namin siya.

Someone's POV

Pumunta ako sa boarding house para tingnan kung may makukuha pa ako doon na magagamit laban sa mga killer. Pero pagtingin ko ay may tao doon. Hindi na ako tumuloy. Hindi nila ako pwedeng makita. Maghihinala sila sa akin.

Queen's POV

Naglalaro ako ng online chess sa laptop ko. May humamon sa akin. Mga kalahating oras na kaming naglalaro. Mahirap kalaban ang isang ito. Matindi pa siya kay King. Habang naglalaro kami ay nagchat siya sa akin.

"Sa tingin mo magtatagumpay kayo sa plano ninyo ni King?"-tanong niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko.

"Your turn. What will be your move now Queen?"- tanong niya.

Hindi kaya isa lang siya sa mga kasama ko na gustong mangtrip sa akin.

"Wag mo nga akong pagtripan. Hindi kita kilala at hindi ko alam ang sinasabi mo."- sabi ko sa kanya.

"Hindi ba't ikaw ang pumatay kay Rocky? Ikaw din ang pumatay kay Edward. Sa tingin ko mali ang galaw mo. Checkmate ka na Queen. Malapit ko na kayong mahuli."- sabi niya.

Tiningnan ko ang nilalaro ko. Nagulat ako dahil na checkmate na ako. Nawala kasi sa isip ko ang galaw ko dahil sa mga sinabi niya. Gusto ko pa sana siyang ichat pero nag lag out na ata siya.

Kailangan malaman ito ni King. Kailangan baguhin namin ang plano.

    ~~~~~AUTHOR'S NOTE~~~~~

Salamat po at sinusubaybayan nyo pa rin po ang istorya ko. Sorry po kung medyo maiksi lang yung update ko ngayon. Busy po kasi talaga eh. Happy hot summer sa lahat:-)

SUMPA NG NAWAWALANG ANITO [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon