~~~~~CHAPTER 19.1~~~~~
"ROCK EN ROLL"Ace's POV
Naglalakad ako kasama si Raisa.
"Hero bakit mo ako iniwan?"- tanong niya.
"Hindi naman kita iniwan ah."- sagot ko.
"Bakit ka nawala? Naghintay ako ng matagal sa park. Araw-araw hinihintay kita hanggang sa umalis kami ay hindi ka na bumalik!"- galit na sabi niya.
"Hindi ko ginawa iyon Munchkin. Maniwala ka."- sabi ko.
Umalis siya. Hinabol ko siya pero hindi ko naabutan. Umuwi ako at nakita ko si mommy na nakahiga at may sakit.
"Mom gumising ka. Si Raisa iniwan niya ako. Mom wag mo ako iiwan."- naluluha kong wika.
"Hero. Magpapahinga na si mommy ha. Algaan mo mabuti sarili mo. Si Frank alagaan mo siya."- sabi ni mommy.
Bigla siyang nalagutan ng hininga.
Nagising ako. Panaginip lang pala. Bakit puro puti ang nakikita ko. Inilibot ko ang paningin ko. Nakita kong nakaupo si Raisa. Tinawag ko siya.
"Munchkin."- sabi ko.
Niyakap niya ako.
"Tama nga ako. Ikaw si Hero. Salamat at ok ka lang. Alam mo nag-alala ako sayo."- naluluha niyang sabi.
"Nandito na ako. Poprotektahan kita tulad ng ipinangako ko."- sabi ko sabay ngiti.
"Anong nangyari simula nung naaksidente ka?"- tanong niya.
"Ang sabi ni mom halos dalawang taon daw akong natutulog. Kaya hindi na ako nakabalik sa park. Sorry."- malungkot kong sabi sa kanya.
"Ok lang iyon. Ang mahalaga maayos ka ngayon. Mahal kita Hero."- sabi niya at hinalikan niya ako.
Hindi ako makapaniwala na makakasama ko siya ulit. Ngayon hindi ko na siya iiwan.
Frank's POV
Nandito kami sa tapat ng school nila Banjo. Nakita namin sila. Sinigawan ko sila.
"Banjo! Umpisahan na natin!"- sigaw ko.
Sinugod namin sila. Suntok dito. Suntok doon. Sipa dito. Sipa doon. Lahat ng estudyante ay nakikipagsuntukan. Tumakbo papasok ng school sila Banjo.
"Frank pumunta na kayo sa loob. Kami na bahala dito. Rocky samahan mo si Frank. Kailangang makaabot siya kay Banjo."- sabi ni Mario.
Iniwan namin sila. Kasama niya ang mga 2nd year. Pumasok kami sa school. Bugbugan pa din ang nangyari.
"Frank abutin ninyo ang rooftop kung kaya ninyo."- sabi ni Banjo.
Pinilit namin makapasok. Maraming estudyante ang school na ito kaysa sa school namin.
"Frank dumiretso na kayo. Kami na dito."- sabi ni Manny. Ang leader ng 3rd year.
Pumasok.kami sa.pinakamataas na building ng school na ito. Nasa 2nd Floor na kami ng harangin kami ni Renzo.
"Frank sa akin na ito."- sabi ni Jet.
"Mag-iingat ka bards."- sabi ko sabay tapik sa balikat niya.
Nagpatuloy kmi sa pag-akyat. Naiwan si Jet, Jimboy, Fredrick at yung ibang kaklase ni Rocky sa 2nd Floor. Pag akyat namin sa 3rd floor ay hinarang kami ni Luie.
"Ako na dito."- sabi ni Elmerson.
"Back-up mo kami."- sabi nila Ash at Gregorio.
Iniwan na namin sila. Kaming dalawa na lang ni Rocky.