~~~~~CHAPTER 38~~~~~
"THE TRICK"Ash's POV
Sinundan namin si Ace dahil lumabas siya. Pumasok siya sa isang room.
"Ace ano hinahanap mo?"- tanong ni Jet.
"May narinig kasi ako kaninang nagbukas nito."- sabi ni Ace tapos tumingin sa bintana.
"Ah. Tingnan natin sa mga baul."- sabi ni ko.
Tiningnan nga namin. Pero wala. Kahit saan sa kuwarto na ito ay walang palatandaan. Namatay na naman ang ilaw.
"Shit! Raisa ikaw ba yan?"- tanong ni Ace.
"Oo. Bakit?"- sagot ni Raisa.
"Sorry. Hindi ko kasi narinig na lumapit ka sa akin."- sagot ni Ace.
Pambihira si Ace. Magugulatin din pala. Matagal mawalan ng kuryente. Walang gumagalaw sa amin. May naririnig kaming ilang kaluskos. Mga 30 minutes bago nagkaroon.
"Ace si Pauline nawawala."- sabi ni Jimboy.
"Ano? Kaasar. Sino huli niyang kasama?"- tanong ni Ace.
"Si Cathy."- sabi ni Fredrick.
"Ganoon ba. Cathy may narinig ka ba?"- tanong ni Ace.
"May naramdaman kami ni teddy. Biglang bumitaw sa amin si Pauline. Wala akong narinig."- sagot ni Cathy.
"Bumalik na kayo sa room. May gagawin lang ako."- sabi ni Ace.
Bumalik nga kami sa room. Nagulat kami kasi may laptop na doon. At may sulat.
Ace's POV
Nung nagkailaw ay tiningnan ko ang paa ni Raisa. Wala siyang suot na sapatos o tsinelas. Kaya pala hindi ko naririnig ang yabag ng mga paa niya. Binalikan ko ang baul sa room na ito. Tama ako. Iyon ang ginamit na trick sa pagtatago kay Russell. Pero bakit kinuha na ang katawan niya? Si Pauline na kawawala pang siguradong wala na dito. Bumalik ako sa room kung nasaan ang mga daliri. May nagbago. Alam ko na kung saan tinago si Mia. Siguro wala na rin siya dito. Sunod kong pinuntahan ay kung saan nawala si Monica. Sa banyo ng room ako dumiretso. Napansin kong may nabago na naman sa salamin ng bintana. May mga bakas ng dugo doon. Dito tinago ang bangkay niya sigurado iyon. Nag palaisipan sa akin ay ang katawan ni Misha. Saan ito itinago?
Binalikan ko ang lugar kung saan may sumabog. May mga nagkalat na bubog. Tumingin ako sa baba ng basag na salamin. May mataas na puno malapit doon. Sa kabila ay may poste pero walang ilaw. Ibinalik ko ang tingin ko sa tapat na kuwarto. May napansin akong pisi. Ngayon ay alam ko na kung bakit may pinasabog na bintana. Bumalik na ako sa room namin.
Frank's POV
Bumalik na si kuya dito sa room at ibinigay ko sa kanya ang sulat.
"Ace ikaw na angmagbasa."- sabi ni Ash.
Inamoy ni kuya ang sobre. Tapos ay binuksan niya. Nag-umpisa na siyang magbasa.
("Mga kalaro sorry kung pinatay ko na sila ha. Walang lalabas at uupo. Buksan ninyo ang laptop at iopen ninyo ang skype at kakausapin ko kayo. Sa isang maling sagot ay may mamatay.")
Natapos sa pagbabasa si kuya. Lahat naman kami ay nandito maliban sa mga nawala naming kaklase.
"Ash buksan mo yung laptop."- sabi ni kuya.
Binuksan na ni Ash. Inopen na niya yung skype at may account na naka log in. May nagvideo call.
"Sagutin mo."- sabi ni kuya.