~~~~~CHAPTER 37~~~~~
"PLAY THE GAME"Cathy's POV
Kailangang hanapin ko si teddy. Kinakausap ako ni Marian. Nag-aalala ako para kay teddy. kailangang hanapin ko siya.
"Sige hahanapin natin siya mamaya."- sabi ni Marian
"Hindi. Hahanapin ko siya."- sabi ko.
Tinulak ko si Marian kaya napaupo siya sa sahig. Tumakbo ako palabas. Nalatid ko ang mga sinulid. Hinampas ko ng bangko si Ace dahilan upang matumba ito. Tapos ay lumabas ako.
"Cathy!"
Narinig kong sumigaw si Marian. Pero hindi ko siya pinansin. Tumakbo lang ako sa labas. Nagpunta ako sa chapel ng biglang namatay ang mga ilaw.
"Cathy!"
"Cathy nasaan ka?!"
Narinig ko ang mga sigawan ng kaklase ko. Naglakad ako ng may nabunggo akong tao.
"Ito ba ang hinahanap mo?"- tanong niya.
Kinabahan ako. Lalo na ng nakita kong hawak niya si teddy.
"S-sino k-ka?"- takot na tanong ko.
"Ako ito Cathy."- sagot niya.
Si John Fraud iyon. Niyakap ko siya. Ibinigay niya sa akin si teddy. Pagkakuha ko kay teddy ay bigla akong nahilo at nawalan ng malay.
Elmerson's POV
Tumakbo si Marian palabas para sundan si Cathy. Ganoon din ang ginawa ni Raisa.
"Bok sundan natin sila."- sabi ni Ace.
"Guys wag kayong aalis ha."- sabi ko.
Lumabas kami ni Ace para hanapin sila. Nakita namin si Marian.
"Marian!"- sigaw ko.
"Si Cathy. Hanapin natin siya."- naluluhang sabi ni Marian.
Tumango ako ng mamatay ang ilaw.
"Shit!"- bulaslas ni Ace.
"Tara. Delikado si Cathy."- sabi ni Marian.
Tumakbo kami pero hindi gumalaw si Ace.
"Bok tara na."- sabi ko.
"Si Raisa nasaan?"- tanong niya.
Tama wala si Raisa. Ang alam namin ay sinundan niya si Marian.
"Hindi ko alam."- sagot ni Marian.
"Anak ng baog na ipis! Sige na mauna na kayo. Hahanapin ko si Raisa."- sabi ni Ace.
"Sandali lang Ace."- sabi ko.
Nakarinig kasi ako ng mga yabag. Papalapit ito sa amin. Biglang sumindi ang ilaw. Nakita namin si John Fraud. Buhat niya si Cathy.
"Anong nangyari sa kanya John?"- tanong ni Marian.
"Takot na takot siya. Nakita ko itong teddy bear niya. Hinimatay siya kaya naisipan kong buhatin siya."- sagot ni John.
"Bok kayo na bahala jan."- sabi ni Ace tapos ay umalis.
"Salamat John. Ako na bahala sa kanya."- sabi ko tapos ako na ang bumuhat kay Cathy.
Bumalik kami sa room. Binilang ko ang mga kaklase ko. May kulang sa kanila. Si Mia nawawala.
Raisa's POV
Hinabol ko si Marian pero hindi ko siya naabutan. May naramdaman akong sumusunod sa akin kaya nagtago ako. Nakita ko si John Fraud. Patungo siya sa chapel. Biglang namatay ang ilaw. Sa takot ko ay tumakbo ako pabalik sa room. Wala akong makita. Nung bumukas ang ilaw ay nasa tapat na pala ako ng dark room. Natakot ako dahil sa mga bungong nakasabit. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naupo ako sa ilalim ng isang puno. Takot na takot ako. Sana dumating si Hero. Sana makita niya ako. Biglang may humawak sa balikat ko. Nagulat ako kaya napatayo ako.