~~~~~CHAPTER 30~~~~~
"THE NEXT PLAN"Ace's POV
Masyado ng kumplikado ang nangyayari. Hindi ko na alam kung sino ang killer. Si Susan ay wala na. Hindi siya ang killer. Hindi ko na din kalkulado ang mga balak ng mga killer. Masyadong malabo ang lahat.
"Ace?"- tawag ni Ash.
"Bakit?"- tanong ko.
"Ano ang plano?"- tanong niya.
"Tara sa labas."- sabi ko.
Isinama ko siya dito sa likod ng dark room. Naglabas siya ng yosi.
"Yosi muna tayo."- sabi niya.
Kumuha ako ng yosi sa kahang iniabot niya at sinindihan ko ito. Napabuntong-hininga ako.
"Ash ang plano ko ay maging pain."- sabi ko.
"Ano ibig mong sabihin?"- tanong niya.
"Balak kong gawan ng patibong si Mary."- sagot ko.
"Pero paano?"- tanong na naman niya.
"Ako na bahala. Basta kung may mangyaring masama sa akin ipangako mo na babantayan mo si Raisa at Frank."- sagot ko.
"Ace hindi ka mahina. Kung may makakalutas nito ikaw iyon. Alam kong matalino ka. Handa akong gawin lahat malutas mo lang ito."- sabi niya.
"Ash ako ang gusto nila. Tapos na ang pakikipaglaro ko sa kanila. Malapit na ang halloween party. Kaya sigurado ako may nangyayari na naman. Isang buwan na lang at party na. Kaya Ash mag-iingat kayo."- sabi ko.
Hindi ma siya nagsalita pa. Sumunod siya sa akin pabalik sa room.
Regine's POV
Walang nagklase sa amin. Nakita ang bangkay ni Tyron sa old library. Tulad ng plano. Hindi nakialam si kuya Sonny. Para hindi makahalata ang killer na may tumutulong sa amin.
"Ate mag-uusap usap ba tayo ulit?"- tanong ko kay ate.
"Hindi muna daw sabi ni Ace. May mga pagbabago daw sa plano."- sagot ni ate.
Masyadong kumplikado na ang lahat. Hindi namin talaga alam kung sino ang killer.
Someone's POV
Masaya ako na hindi pa rin nila malaman ang lahat. Hindi pa din nila ako mahuli. Nakakatawa sila. Pinuntahan ko ang kaibigan ko.
"Kumusta kaibigan?"- tanong ko.
Tila nagulat siya nung nakita ako. Medyo nagbago kasi ang itsura ko dahil nagpabago ako ng mukha.
"I-ikaw ba talaga yan Athan?"- tanong niya.
"Oo naman. Nasaan ang ipinatago ko sa iyo?"- tanong ko.
"Nasa isa kong kasama."- sagot niya.
"Ah ganoon ba. Kung ganoon nagpanggap ka tulad ng nasa plano?"- tanong ko.
"Oo. Alam kong babalik ka para bawiin iyon. Pero mag-iingat ko. Mas tuso ang mga estudyante ngayon."- sagot niya.
Nginitian ko siya. Alam kong matalino sila lalo na si Ace. Gusto kong matira siya.
"Wag ninyo munang patayin si Ace ha. May plano ako sa kanila."- sabi ko.
"Masusunod."- sagot niya.
Umalis ako bago pa may makakitang estudyante sa akin.
Maika's POV
Nandito kami ni Benjie sa field. Siya lang naman madalas ang kasama ko.