~~~~~CHAPTER 34~~~~~
"LETTER OF CHALLENGE"Raisa's POV
Hindi ko alam kung bakit sa terrace pa dumaan si Ace. Sira ulo talaga. Binuksan ko yung sliding door sa terrace upang papasukin siya ng biglang kumatok si Regine.
"Ate buksan mo to. Nanjan ba si kuya Ace?"- tanong ni Regine.
"Ako na magbubukas."- bulong ni Ace.
Binuksan ni Ace ang pinto. Tinakpan niya yung bibig ni Regine tapos hinila papasok.
"Shh."- sabi ni Ace.
"Teka bakit ba?"- napalakas ang pagkakasabi ni Regine.
"Wag ka maingay baka marinig tayo ni Joy."- sabi ko.
"Ay sorry. Eh bakit hindi ka na lang sa gate dumaan kuya Ace?"- tanong ni Regine.
"Makikita ako nung pinsan ninyo. Alam mo naman na ipinagkasundo ako ni dad sa kanya. Pero ayaw ko. Kaya ayokong isipin niya na siya ang pinuntahan ko dito."- pagpapaliwanag ni Ace.
"Ah gets ko na. Sorry."- sabi ni Regine sabay peace sign.
"Ok. Nandito ka na rin lang gusto ko sanang maging maingat kayo sa halloween party. Gusto kong paniwalain ang mga killer na wala na akong tiwala sa inyo. Bago ang halloween party ay magkita-kita tayo sa bahay namin."- sabi ni Ace.
"Doon sa mansion ninyo ba kuya Ace?"- tanong ni Regine.
"Ano bang mansion? Walang kwenta ang bahay na yon ok."- sabi ni Ace.
"Ok. Baka mag-uusap pa kayo ni ate mauna na ako. Good night ate at kuya Ace."- nakangiting sabi ni Regine tapos ay lumabas na ng kuwarto.
"Hero iyon lang ba ang ipinunta mo dito?"- tanong ko.
"Oo. bakit?"- tanong niya.
"Wala."- sabi ko tapos nag pout ako.
"Joke lang munchkin. Di ka naman mabiro. Eto o para sayo."- sabi niya tapos ay iniabot sa akin ang isang bracelet.
"Para saan to?"- tanong ko.
"Ah wala lang. Naisip ko kasi matagal na nung huli akong nagregalo sa iyo. Yung keychain yung huling beses na ibinigay ko sa iyo diba."- sagot niya.
"Ganoon ba? Nag-abala ka pa. Payakap nga."- sabi ko tapos ay niyakap ko siya ng mahigpit.
"Sana lagi na lang ganito."- bulong niya.
"Sira. Umuwi ka na. Gabi na masyado. Mag-iingat ka ha."- sabi ko sa kanya tapos ay hinalikan ko siya sa pisngi.
"Good night munchkin. Sweet dreams. I love you."- nakangiti niyang sabi bago lumabas.
"Good night din Hero."- sagot ko.
Tinanaw ko siya habang naglalakad palayo. Nahiga na ako at natulog.
JM's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. Dalawang araw na lang ay halloween party na. Pagkatapos ay sembreak na. Dapat wala kaming noon dahil high school lang kami. Pero sabi ng principal ay ok na daw iyon para makapagpahinga kami. Bukas ay magiging busy na kami sa pag-aayos. Nakita ko si Ace na nagyoyosi sa labas. Nilapitan ko siya.
"Ace may kapalit ka na ba? Bakit ayaw mong magcostume ng zombie?"- tanong ko.
"Ayoko eh. Saka mukha ba akong zombie?"- nakangiti niyang sabi.
"Sira. Syempre maglalagay ka na cosmetics."- sabi ko.
"Ayoko nga el presidente."- sabi niya.
Nakita namin sila Raisa. Kasama niya yung kakambal niya pati yung pinsan niya.