CHAPTER 15: STAY ALIVE

190 1 0
                                    

      ~~~~~CHAPTER 15~~~~~
                  "STAY ALIVE"

Marian's POV

Kadarating ko lang dito sa burol ni detective Vergara. Nandito na pala silang lahat. Yun ang akala ko. Wala kasi si Ace. At hindi ko rin nakita ang malanding si Raisa.

"Ano Frank sumagot na ba si Ace?"- tanong ni Elmerson.

"Hindi pa eh."- sagot ni Frank.

Ano kaya ang nangyari kay Ace.

"Marian buti nakapunta ka."- sabi ni Cathy.

"Tumakas lang ako eh."- sagot ko.

"Ok."- sabi ni Cathy.

Nakakainis talaga. Si Ace lang naman ang pinunta ko dito wala pa.

"Regine si Raisa nagtext na ba?"- tanong ni JM.

"Oo, papunta na daw."- sagot ni Regine.

Malaman ko lang na magkasama sila patay sakin ang Raisa na yan.

"Jimboy diba may sasabihin ka kay Marian."- sabi ni Fredrick.

"Kung ano man ang sasabihin mo wag mo na ituloy baka samain ka pa sakin."- inis na sabi ko sa kanilang dalawa.

Nakakainis talaga. Alas tres na wala pa si Ace.

Raisa's POV

Nandito kami ni Ace sa tapat ng bahay ni detective Vergara. Dapat ay kanina pa kami nandito. Si Ace kasi nag-aya pang kumaen.

"Ano di pa ba tayo papasok?"- tanong niya.

"Ah mauna ka na. Ayoko pa kasi may makaalam ng tungkol sa atin. Saka baka awayin lang ako ni Marian."- sagot ko.

"Akong bahala."- sabi niya sabay hila sa akin.

Pumasok kami sa loob at hawak niya ang kamay ko.

"Sorry guys nalate kami."- sabi ni Ace sa mga kaklase namin.

Nakatingin sila sa amin. Si Marian masama na naman ang tingin sakin.

"Kuya kanina pa ako tumatawag sayo ah."- sabi ni Frank.

"Naiwan ko cp ko eh. Pasensya na."- sagot ni Ace.

"Kanina pa ba kayo magkasama?"- tanong ni JM.

"Ah hindi. Nakita ko lang siya sa labas."- pagpapalusot ko.

"May problema ba kung kanina pa tayo magkasama?"- tanong ni Ace sakin.

"Ano ka ba. Wag ka nga maingay. Sumakay ka na lang."- bulong ko sa kanya.

"Hoy ano na naman yang pinag-bubulungan niyo diyan!"- galit na sabi ni JM.

Bakit kaya nagagalit tong taong to?

"Sige na Raisa maupo ka na sa tabi ni Regine. Pupuntahan ko lang ang mga magulang ni detective."- sabi ni Ace tapos ay nagpunta sa labas.

Naupo ako sa tabi ni Regine.

"Ate kanina pa kayo magkasama no?"- tanong ni Regine.

"Hindi no. Ano ka ba. Nagpunta lang ako sa park para magpahangin."- sagot ko.

"Weh di nga?"- sabi naman ni Jennifer.

"Totoo. Pwera biro."- pagsisinungaling ko.

Hindi na nila ako kinulit. Pakiramdam ko tuloy ngayon lahat ng mata nila nakatingin sa akin. Sira ulo talaga yung Ace na iyon.

Ace's POV

Pinaupo ko na si Raisa sa tabi ni Regine. Kailangang kausapin ko ang mga magulang ni detective.

"Nakikiramay po."- sabi ko sa tatay ni detective Vergara. Alam kong siya ang ama ni detective dahil pareho sila ng mata.

"Salamat."- sabi nito at ngumiti ng bahagya.

"Ako po si Ace Reaper. Gusto ko pong humingi ng tawad dahil hindi ko siya nagawang iligtas."- sabi ko.

"Kung ganon ikaw si Ace. Madalas ka niyang ikuwento nitong mga nakaraang araw. Halika may ipapakita ako sa iyo."- sabi ng ama ni mr. Vergara.

Umakyat kami sa ikalawang palapag ng bahay nila. Hindi ko alam kung bakit sa likod kami dumaan.

"Ito ang kwarto ni Michelle. At sabi niya pag-nagpunta ka daw ay ibigay ka sa iyo ang susi na ito. Susi yan ng opisina niya."- sabi ni mr. Vergara.

"Salamat po. Wag po kayong mag-alala. Gagawin ko ang lahat para makamit ang katarungan para sa kanya."- sabi ko.

"Alam kong gagawin mo iyan. Kaya sige na. Baka makahalata pa sila."- sabi ni mr. Vergara.

Bumaba ma ako. Naabutan kong umiiyak si Raisa.

"Teka anong nangyari?"- tanong ko.

"Si Marian kasi. Sinabihan ng hindi maganda si ate."- sagot ni Regine.

"Marian bakit mo ginawa iyon?"- tanong ko. Pinipilit kong maging mahinahon dahil nakakahiya sa pamilya ni detective.

"Ace simula nung dumating siya hindi mo na ako pinapansin. Alam mo malandi ang babaeng yan!"- sigaw ni Marian.

"Pwede ba wag kang sumigaw. Nakakahiya ka. At ano naman kung ibigay ko sa kanya ang atensyon ko. Bakit tayo ba? Ay isa pa tigilan mo na siya simula ngayon. Dahil ako makakalaban mo kapag inulit mo ito."- sabi ko tapos ay hinila ko si Raisa palabas.

Ayoko ng makipagtalo pa. Baka hindi ako makapagpigil at kung ano pa masabi ko sa kanya.

"Wag ka nga umiyak d'yan. Eto panyo. May pupuntahan tayo."- sabi ko sa kanya.

Pinunasan ni Raisa ang luha niya. Pumunta kami sa Office ni detective Vergara. Ginamit ko ang susing ibinigay sa akin.

"Ano gagawin natin dito Ace?"- tanong ni Raisa.

"May pinapakuha sa akin si detective bago siya mamatay."- sagot ko.

Hinanap ko ang drawer na sinasabi niya. Binuksan ko iyon at may nakita akong sulat.

"Basahin mo Ace. Gusto ko malaman ang nakasulat."- sabi ni Raisa.

"Ace patawad kung hindi kita natulungan. Kung mababasa mo ito malamang ay wala na ako. Madalas may sumunod sa akin. Kaya sinubukan kong alamin kung sino. At natuklasan ko na isa siya sa mga kaklase mo. Si Marian ang sumunod sa akin. Pero hindi ako sigurado na siya ang killer. Dahil malapit pala ang bahay nila dito. Kaya Ace sana hanapin mo kung sino siya. Please stay alive for your classmate. Your the only one i can trust."

Iyon ang laman ng sulat.

"Ace mangako ka sa akin na mananatili kang buhay."- sabi ni Raisa.

Nagulat ako sa sinabi niya. Paano ko gagawin iyon kung nasa paligid lang ang killer.

"Pangako."- sagot ko sabay ngiti.

Niyakap ako ni Raisa. Hindi ko siya hahayaang masaktan. Gagawin ko ang lahat maprotektahan ko lang siya. Kahit buhay ko pa ang kapalit.


~~~~~AUTHOR'S NOTE~~~~~

>>>>>>>>Sorry kung hindi maganda ang istorya. Wala lang talaga ako magawa kaya ko naisulat ito. Pero salamat sa mga sumusubaybay.:-D

SUMPA NG NAWAWALANG ANITO [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon