~~~~CHAPTER 4.2~~~~
"SAYONARA"Ace's POV
Naguguluhan pa rin ako sa mga sinabi ni Edward. May alam kaya sya? Matanong nga sya bukas.
Naglakad ako mag isa pauwi sa boarding house ko. Hindi kami magkasama ni Frank sa bahay. Mga tatlong kanto ang layo ng bahay nila sa boarding house ko.
Galit kasi ako kay dad simula nung sinabihan nya akong makisama sa bago nyang asawa. Nakakainis sya.
Nakita ko si Harold na pasakay sa kotse. Pupuntahan ko sana sya para kamustahin pero umalis sya agad. Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.
Nang makarating na ko ay pumasok agad ako sa boarding house ko. Nahiga na ko at balak ko ng matulog ng magring ang cp ko.
"OPEN YOUR MIND BEFORE YOUR MOUTH"
Ringtone ko.
Sino kaya yun. Pag abot ko ng cp ko.
"Raisa is calling"
Bakit kaya?
"Hello"- sabi ko.
"Ahmm, Ace kita tayo ngayon."- sabi nya.
"Sige sunduin kita."- sabi ko.
Nagbihis na ako at umalis.
Raisa's POV
Tinawagan ko si Ace dahil gusto ko sabihin sa kanya ang tungkol sa nabasa ko sa librong binigay nya. At ibibigay ko na din ang notebook na pinabibigay ni Edward.
Paglabas ko ng bahay ay nakita kong nakikipaglaro si Regine kay potchie, ang aso namin.
"Ate san ka pupunta?"- tanong nya.
"Ah magtatanong lang ako kay Ace tungkol sa mga assignment sa music."- pagsisinungaling ko.
"Sama na ko ate."- sabi nya.
"Ah, eh tatanungin ko muna sya."- sagot q.
"Asus! mag-dedate kayo no."- sabi nya na natatawa p.
"Hindi no!"- sagot ko ng biglang may nag-door bell.
"Oh ate ayan na yung kadate mo."- sabi ni Regine na hindi pa din tumigil kakatawa.
Binuksan ko yung gate namin. Si Ace nga, kasama nya si Frank.
Someone's POV
Hawak namin sa aming kamay ang walang hiyang nakasaksi sa pagpatay namin kay Luis. Tinali sya ng kasama ko ng patiwarik. Binuhusan ko sya ng malamig na tubig.
Nagising na sya.
"Nasaan ako?"- tanong nya.
"Nandito ka sa lugar ng iyong kamatayan."- sabi ng kasama ko.
Nagulat sya pagtingin nya samin.
"Mga hayop kayo. Ano bang ginawa ko sa inyo?!"- sabi nya.
"Wala naman. Masyado ka kasing epal pare."- sabi ko sabay sipa sa mukha nya.
Sinuntok ko sya ng sinuntok. Pagkatapos ay sinaksak ko sya sa hita ng tatlong ulit.
"Putakteng baboy ka! Hayop ka. Patayin mo na lang ako!- sabi nya.
Nakita ko sa mukha nya na nasasaktan na sya. Pinagpapalo sya ng kasama ko.
"Aaaahhhhhhh! Patayin nyo na ko!!!!"- sigaw nya.
"Grabe para kang babae. Ang ingay mo."- sabi ko at tinanggal ang pagkakatali nya.
Nabagsak sya una ulo. Tapos ay sinako ko sya.