~~~~~CHAPTER19.3~~~~~
"ROCK EN ROLL"
(THE MUSIC OF HELL)Frank's POV
Nandito na kami sa field. May ginawang stage dito para sa battle of the band. Kasali sana kami pero sabi ni kuya wag na daw dahil mas importante ang buhay ng bawat isa sa amin.
"Mag-uumpisa na ang battle of the band. Ang unang grupo ay galing sa III-Sagittarius"- sabi nung mc
"Rock en roll!"- sigaw ni vocalist nung banda.
Not the american Average yung kinanta nila. Pambihira walang kwenta magscream yung vocalist. Masyadong mababa.
"Bakit ba tayo manunuod nito eh puro sigawan lang naman."- narinig kong sabi ni Joey.
"Makinig ka na lang."- sagot ni Ash.
Sa lahat ng school kasi dito eh ang school namin ang mahilig sa metal bands. Kung hindi mo kilala kahit ang slapshock eh wala kang makakatropang lalaki dito. Maging yung ibang babae eh rakista at metal din.
"Palakpakan naman natin ang III-Sagittarius."- sabi nang mc.
Konti lang ang pumalakpak. Mga mapupurol kasi.
"Next is the band from II-Mercury."- sabi nung mc.
Babae ang vocalist nila pati yung bassist. Flight on broken Frames ang kinanta nila. Magaling naman lahat. Problema naman yung drummer. Bugok. Hindi makuha yung tamang beat. Sumunod na nagperform ay yung mga 1st year. Tapos isa pang 3rd year. Ang huli ay ang banda galing sa section nila John. King antichrist ng dark funeral yung kinanta. Nung kalahatian ng kanta ay biglang namatay ang ilaw. Yumakap si Regine sakin.
"Frank wag kang aalis."- bulong niya.
"Guys ok lang kayo!?"- sigaw ni Ash.
"Ok lang"- sagot namin.
Pagkatapos ng limang minuto ay bumukas na ang ilaw. Nagulat ako sa nakita ko.
Susan's POV
Katabi ko si Elmerson, Jet, Pauline, Marian, Cathy, Benjie at Joey nung namatay ang ilaw.
"Guys ok lang kayo!?"- siguro si Ash yung sumigaw.
"Ok lang"- sagot namin.
Hindi ko narinig sumagot si Joey. May naramdaman akong dumaan sa gilid ko at may naramdaman din akong mainit na likidong tumulo sa braso ko. Nung bumukas yung ilaw ay napasigaw kami.
"AAAAHHHHHH!!"- sigaw namin.
Nakita namin si Joey na wala ng buhay. May saksak sa likod at leeg. Siksikan din kasi kanina at madilim pa kaya hindi siya napansin. May mga nagsisigawan din kaya hindi.siya narinig.
"Susan may dugo ka sa braso mo."- sabi ni Elmerson.
Meron ngang dugo nung tiningnan ko.
"Ikaw ba ang gumawa?"- tanong ni Russell.
"Hindi ko magagawa yan. Nakayakap.sa akin si Elmerson."- pagpapaliwanag ko.
"Sino naman ang gumawa nito?"- tanong ni Cathy.
"Yung killer na naman."- sabi ni Ash.
"Eh sino nga ang killer!?"- galit na sabi ni Tyron.
"Chill lang pare."- sabi ni Russell.
"Gago ka pala! Mamamatay na tayo tapos chill lang!?"- galit na sigaw ni Tyron.
"Eto ang gusto ng killer. Ang magsisihan tayo."- sagot ni Ace.