~~~~~CHAPTER 54~~~~~
"PREPARATION"
Jet's POV
Naghanda na kami para sa plano ni Frank. Tama ang nasa planong nakuha ni Frank. May mga ilang lugar nga na maaaring pagtaguan. Habang naglalakad kami ay napansin ko si Harold. Namumutla siya.
"Harold anong problema?"- tanong ko.
"Ah-wala."- sagot niya.
"Tara na pre."- sabi ni Frank.
Hindi ko alam kung bakit parang iniiwasan niya si Harold. Nagpunta na kami sa labas para mag-usap.
Frank's POV
Nag-usap kami tungkol sa mga nalaman namin sa school. Totoo lahat nasa plano sa envelope. Hindi ko alam kung paano iyon natuklasan nung lalaki. Siguro ay nakapag-aral na siya sa school at may alam siya sa nangyayari sa amin ngayon. At yung dalawang pangalan na nasa papel na nilagay niya sa bulsa ko. Hindi ko akalain na magagawa nila iyon. Napakaimposible.
"Pre pasok na kami."- sabi ni Jet.
Tumango lang ako. Nagpaiwan ako dahil nakita ko si Harold. Nilapitan ko siya.
"Harold yosi tayo."- sabi ko.
"Hindi ako nagyoyosi."- sagot niya.
Nagtaka ako dahil nakita ko siya kagabi. Malamang ay itinatago niya sa akin ang pagkatao niya.
"Sige mauna na ako. Masama ang pakiramdam ko."- sabi niya.
Nagmadali siyang umalis. Naguguluhan na ako sa nangyayari.
Jennifer's POV
Hindi ko alam kung napapaano si Harold. Hindi naman siya ganoon nung isang araw. Masyado siyang maputla ngayon. Pumasok si Ms. Mylene para kausapin kami.
"Class alam kong kinakabahan na kayo sa nangyayari. Pero kasama ninyo ako hanggang sa huli."- sabi niya.
Walang kumikibo sa amin. Biglang pumasok si Frank at nagsalita.
"Naihanda mo na ba ang sarili mo ma'am?"- tanong ni Frank tapos ay naupo sa upuan niya.
"Oo Frank. At handa akong makipagtulungan. Kahit anong mangyari ay responsibilidad ko kayo. Dahil estudyante ko kayo."- sagot ni ma'am.
"Sana nga ay handa ka na talaga."- sabi ni Frank.
Hindi umalis si ma'am sa room maghapon. Pinapanood niya ang mga ginagawa namin.
Raisa's POV
Natapos na ang paghahanda namin. Isang araw na lang at matatapos na din ang lahat. Magkasama kami ni Regine sa kuwarto ko.
"Ate kung may mangyari sa akin ipangako mo makakaligtas ka ha."- sabi niya.
"Ano ka ba. Makakaligtas tayo pareho."- sabi ko.
Ngumiti lang siya sa akin. May napansin akong anino sa may puno sa tapat ng kuwarto ko. Kaya tumayo ako.
"Bakit ate?"- tanong ni Regine.
"Ah wala. Gusto ko lang magpahangin."- pagpapalusot ko.
Binuksan ko yung sliding door. May nakita akong lalaking nakahood. Iyon yung lalaki sa school. Naglakad isa papalayo.
"Ate punta tayo kila Frank."- sabi ni Regine.
Tumango ako. At nagpunta na kami kila Frank.
Ace's POV
Muntik na akong makita ni Raisa. Buti na lang at nakatalon ako. Medyo sumakit ang paa ko sa ginawa ko. Pinuntahan ko si Jasmin.
"Jasmin."- tawag ko sa kanya.
Nakatayo kasi siya sa labas.
"A-ace?"- gulat na tanong niya.
Napansin kong may kakaiba sa kanya.
"May problema ba?"- tanong ko.
"U-umalis ka na dito. B-baka makita ka nila."- sagot niya.
"Sino?"- tanong ko.
"Yung mga killer. Alam nilang buhay ka."- sagot niya.
Pero paano?
"Sumama ka sa akin."- sabi ko kay Jasmin.
Sumakay kami sa motor. Napansin kong may sumusunod sa amin kaya binilisan ko ang pagpapatakbo. Hanggang sa may nagpaputok ng baril.
Bang! Bang!
Napakapit si Jasmin ng mahigpit sa akin. Lalo kong binilisan ang pagpapatakbo. Nagpunta kami sa office ni kuya Sonny.
Nung ihinto ko ang motor ay nakita kong may tama sa likod si Jasmin.
"Jasmin wag kang bibitaw."- sabi ko.
Lumabas si kuya Sonny ng makita niya kami.
"Anong nangyari?"- tanong niya.
Hindi niya dapat malaman na buhay ako.
"May bumaril po sa amin. Pakidala siya sa malapit