CHAPTER 57: THE CROW IS BACK

122 1 0
                                    

Ace's POV

Hindi ko alam kung paano ko tutulungan sila Raisa. Kaya gumawa na lang ako ng sulat at ibinato ko iyon sa ulo niya. Nagmadali akong umalis at pumunta sa lugar kung nasaan sila John. Nakita ko silang lahat doon. Si Jennifer ang una nilang pinatay. Gusto ko silang barilin pero alam ko may isa pa silang kasama. Hindi ako pwedeng kumilos.

"Walang hiya ka!"- sigaw ni Ash.

"Talaga!"- sabi ni John.

Pinagbabaril niya si Cathy hanggang sa mawalan ito ng buhay. Hindi na ako makapagtimpi. Gusto ko na siyang suntukin.

Marian's POV

May bumato ng papel ni sa ulo ni Raisa. Kinuha ko yung papel at may nakasulat.

"Sa office ng principal. Sa sikretong kuwarto"

Iyon ang nakasulat. Nagmadali kami ni Raisa. Naramdaman kong may sumusunod. Naka amoy ako ng pamilyar na pabango.

"Raisa mauna ka na."- sabi ko.

"Bakit?"- tanong niya.

"Ako na ang bahala sa kanya."- sabi ko.

"Sino?"- tanong ni Raisa.

"Ako."- sagot ni Maika.

Tama ako. Siya nga iyon. Alam ko ang pabango niya. Masakit sa ilong.

"Sige na Raisa."- sabi ko.

"Mag-iingat ka."- sabi ni Raisa at umalis na siya.

"Katapusan mo na Marian!"- sigaw niya.

Sinugod niya ako at natamaan ako ng kutsilyong hawak niya sa braso ko. Nahawakan ko yung map at ipinalo ko sa kanya pero hindi tumama. Ipinalo ko ulit ng buo kong lakas pero nakailag na naman siya. Tumama sa pader ang map dahilan upang mabali ito.

"Katapusan mo na!"- sigaw niya.

Pumikit ako. Nakarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Minulat ko ang mga mata ko at sinaksak ko siya gamit ang kahoy na hawak ko. Nakaramdam ako ng maininit na likido sa hita ko.

Frank's POV

Pinatay niya sila Jennifer, Ash at Cathy. May nakita akong anino sa gilid. Biglang pumasok si Raisa. May ibinato yung tao sa gilid at napunta ang binato niya sa tabi ko. Isang balisong at susi ng posas. Kilala ko kung kanino ang balisong na iyon. Kinuha ko tiningnan ko si John. Nakatingin siya kay Raisa. Nagmadali akong alisin ang pagkakaposas ko.

Raisa's POV

Nagpunta na ako at nakarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Nakita kong wala ng buhay si Cathy, Jennifer, at Ash. Si Frank at Elmerson ay may tama sa hita.

"Tama na!"- sigaw ko.

"Kumusta Raisa. Ikaw naman ang isusunod ko!"- sigaw niya tapos ay nagpaputok siya ng baril.

BANG!

Natumba ako. Pero hindi dahil sa tama ng bala. May tumulak sa akin. Tiningnan ko kung sino iyon. Hindi ko siya makilala dahil nakamaskara siya.

"Sino ka?"- tanong ni John.

"Nakakatawa ka naman. Hindi mo ako kilala."- sabi nung nakamaskara.

"Ah ganoon ba."- sabi ni John tapos ay binaril niya ulit yung nakamaskara sa dibdib.

Lumapit si John at tinanggal ang maskara niya. Napatayo si John. Maging kami ay nagulat sa natuklasan namin.

"Tang ina! Paano ka nabuhay Ace? Paano ka nakaligtas?!"- gulat na tanong niya.

"Hahaha. Nakakatawa ka. Pasensya na John pero THE GAME FOR YOU IS OVER."- sabi ni Ace.

"Tanga ka ba ika-"- hindi na nakatapos magsalita si John.

"Checkmate ka na King."- sabi ni Frank tapos ay pinagsasaksak niya si John.

Nilapitan ko si Ace. Sa dibdib ang tama niya. Nakita kong nahihirapan na siyang huminga.

"F-Frank t-tanggalin mo na a-ang posas nila."- sabi ni Ace.

Sinunod ni Frank ang sinabi niya.

"H-Hero wag kang bibitaw ha. M-makakaligtas ka."- naiiyak kong sabi.

Hinawakan niya ang mukha ko.

"H-hin-di k-ko na k-kaya M-munchkin. P-patawad."- sabi niya.

"Hindi Hero. Kaya mo!"- sigaw ko.

Pumikit ang mga mata niya at Bumagsak ang kamay niya.

"Hindi Hero! Wag mo akong iwan!"- sigaw ko.

Niyakap ko siya. Iyak ako ng iyak. Naramdaman kong nanginginig ang katawan niya.

"Hahahahahaha! Nakakatawa ka Munchkin!"- sabi niya.

Tawa siya ng tawa. Nakita kong nakangiti yung iba.

"Gago ka talaga! Pinag-alala mo ako."- sabi ko.

"Hindi pa ba tayo aalis?"- tanong ni Marian na kararating lang.

"Tara na."- sabi ni Ace.

Tumayo siya at pinagpag ang damit niya.

"May bulletproof ka ba bok?"- tanong ni Elmerson.

"Wala. Swerte lang itong pendant ni Mommy."- sabi ni Ace tapos ay inilabas yung pendant ng kuwintas niya.

Bumaon doon ang bala ng baril ni John kaya hindi na ito bumaon sa katawan ni Ace.

Regine's POV

Habang naglalakad kami pababa ay biglang may sumabog. Nasunog ang building. Nagmadali kami. Nasa 1st floor na kami ng may humila kay ate.

"Aaaahhhh!"- sigaw ni ate.

"Ate!!"- sigaw ko.

"Frank lumabas na kayo. Ako na bahala kay Raisa. Tumawag kayo agad kay kuya Sonny."- sabi ni kuya Ace tapos ay iniabot niya ang cp niya.

Tumango si Frank Pero habang naglalakad kami palabas ay bumalik si kuya Ace.

"Bakit?"- tanong ni Frank.

"Sa akin nga pala ito."- sabi ni kuya Ace tapos ay kinuha niya ang balisong niya sa bulsa ni Frank.

"Mag-iingat ka kuya Ace. Iligtas mo si ate."- sabi ko.

Tumango siya at umalis na.

SUMPA NG NAWAWALANG ANITO [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon