CHAPTER 36: MARY'S SECRET

174 1 0
                                    

        ~~~~~CHAPTER 36~~~~~
               "MARY'S SECRET"

Harold's POV

Dumating ako sa school ng six. Nakita ko sila Ash at Ace na nagyoyosi kaya nilapitan ko sila.

"Harold yosi."- alok ni Ace.

Inabutan niya ako ng yosi at sumindi ako ng isa.

"Kailan ka pa natuto magyosi Harold?"- tanong ni Ace.

Nagulat ako sa tanong niya. Oo nga pala hindi ko.ito ginagawa dati.

"Ah nito lang. Sinubukan kong tikman."- sagot ko.

"Baka atakihin ka sa puso niyan."- sabi ni Ash sabay tawa.

"Tara na Ash at Harold. Nasa loob na daw silang lahat."- sabi ni Ace.

Sabay-sabay kaming pumasok. Syempre hindi bawal magyosi sa loob dahil may program.

"Oh guys ready na ba kayo?"- nakangiting tanong ni Benjie.

"Parang makikipaglaro ka ah."- sagot ni JM.

"Pre maaari tayong malagay sa panganib."- sabi ni Gregorio.

"Alam ko. Kaya nga nagpapakasaya na ako eh."- sabi ni Benjie.

"Ace bakit may bag ka pa?"- tanong ni Jet.

"Nandito lahat ng gamit para sa plano."- sagot ni Ace.

"Ah ok."- sabi ni Jet.

"Sige igrugrupo ko na kayo. Si Frank, Regine at Raisa ang magkakasama. Tapos si Elmerson, Marian at Jennifer. Si Jet, Ashley at Cathy. Si Ash, Mary at Mia. Si Benjie, Maika, At JM. Si Jimboy, Fredrick at Misha, Si Harold, Pauline at Gregorio. Si Rina, Monica at Russell naman ang huling grupo."- sabi ni Ace.

"Paano ka?"- tanong ni Jennifer.

"Ako ang bantay."- sabi ni Ace.

"Ok."- sagot namin.

"Responsibilidad ninyo ang kagrupo ninyo. Kaya kayo ang dapat magtulungan."- sabi ni Ace.

"Tara mag-ayos na tayo para sa program. Baka may manalo pa sa atin ng best costume."- sabi ni Pauline.

Ganoon nga ang ginawa namin. Nag make-up na yung iba. Yung iba naman ay nagsuot na ng costume.

Ace's POV

Abala sila sa pag-aayos. Ako naman ay naglibot ng konti sa school. Kung ako ang killer. Saan ko itatago ang kikidnapin ko? May ilang lugar na hindi talaga nilagyan ng ilaw para mas mukhang nakakatakot. Masyadong mahirap maghanap dito. Yung ibang room ay naka-lock. Tulad ng office ng principal, yung guidance office, room ng mga teacher, storage room at yung library. Pati mga room ng first year ay naka-lock lahat. Simple lang para sa killer ang makakilos. Lalo na kapag ganito kadilim. Kung magsusuot ka ng katulad ng suot ko ay mahirap makita sa dilim. Naka all black kasi ako na amerikana. Wala kasi akong maisip na isuot. Nagmaskara na lang ako para hindi ako gaanong makilala. Narinig kong mag-uumpisa na ang program. May nakita akong katulad ng suot at maskara ko. Pero hindi ko siya makilala. Lalapitan ko na sana siya kaya lang nakita ko si Mary. Kasama niya si sir Herman. Lihim ko silang sinundan sa isang room.

"Mary bilisan mo. Maghubad ka na. Tigang na tigang na ako sa iyo."- sabi ni sir Herman.

"Sir wag muna ngayon paki-usap."- sabi ni Mary.

"Ah ayaw mo? Papatayin ko mama mo."- sabi ni sir Herman tapos sinampal si Mary.

"Hindi ka pa ba masayahan na palagi mo akong ginagamit ha? Nahihirapan na ako!"- sabi ni Mary at napaiyak na ito.

SUMPA NG NAWAWALANG ANITO [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon