~~~~~CHAPTER 24~~~~~
"THE TRAGEDY"Jet's POV
Nagulat talaga ako sa sinabi ni Ace. Paano niyang nakausap yung patay?
"Hindi kaya minumulto ka Ace?"- tanong ni Elmerson.
"Hindi ko alam. Kaya pala nung pangalawang beses ko siya nakita ay may mga mantsa na ng dugo ang damit niya. Katulad niyan."- sagot ko.
"Malamang ay naging biktima rin siya."- sabi ni Elmerson.
"Kuya Sonny umalis na tayo dito. Si aling Magda hayaan na natin dito."- sabi ko.
"Sige. May nakuha na ba kayong makakatulong sa pag-iimbestiga natin?"- tanong ni kuya Sonny.
"Meron na."- sagot namin.
Nagpunta na kami sa bahay nila Marian. Walang gaanong nakakilala kay kuya Sonny dahil hindi naman siya dito nagtrabaho. Sa ibang bansa siya nakadestino sa pagiging inspector.
Raisa's POV
Dumating na sila Ace. Natuwa ako dahil walang nangyaring masama sa kanila. Nakita kong kasama nila yung lalaking tumulong sa akin na dalahin si Ace sa ospital.
"Kayo po pala. Kumusta po?"- bati ko dun sa lalaki.
"Ok naman."- sagot niya.
"Teka paano kayo nagkakilala ni kuya Sonny?"- tanong ni Ace.
"Ako ang nagdala sa iyo sa ospital. Kung alam mo lang kung gaano nag-alala sa iyo yang gf mo malamang ay hindi ka nakatulog."- sabi nung Sonny.
"Pambihira nagbiro ka pa. Guys sya si kuya Sonny. Dati siyang inspector."- sabi ni Ace.
"Nice to meet you kuya Sonny."- sagot naming lahat.
"Oh Frank ang laki mo na ah."- sabi ni kuya Sonny.
"Opo kuya Sonny. Umpisahan na natin para malaman na natin agad."- sabi ni Frank.
Inilabas nila Marian ang librong nakuha nila.
"Eto yung nakuha namin."- sabi ni Marian.
"Sige basahin mo na."- sabi ni Jet.
"(Year 1994. May isang klase na isa-isang namatay. Ito ay dahil sa sumpa. Ang sumpa ng anito. Sinasabi na nanggaling ang sumpa sa dating estudyante ng Jose Pedro Dimahukay Academy. Ang estudyante na iyon ay si Jonathan Samaniego. Isang isang estudyante ang sinapian ng espiritu. At ito ang pumapatay. Siya ay si Dina Estacio. Sinapian siya ng espiritu. Pinatay niya ang mga kaklase niya. May mga nakasaksi sa huling ginawa niya bago siya mamatay. Nagpakamatay siya. Tumalon siya sa ika apat na palapag ng gusali sa school. Sinasabi na ang huli niyang nakita ay si Jonathan Samaniego. Dahil bago siya mahulog ay sinabi niyang "Layuan mo ako Jonathan Samaniego." Pero ang sabi ng mga espesyalista ay nag halucinate lang ito. Sa sobrang depression ay nabaliw daw si Dina. Dahil lagi siyang binu-bully sa eskuwelahan. Sa di malamang dahilan ay nakita ang anito sa taas ng gusali kung saan sinasabing tumalon si Dina. Maraming misteryo ang nangyayari sa eskuwelahan pero hindi ito ipinapaalam sa mga tao. Dahil alam nila na masisira ang imahe ng eskuwelahan. Sa susunod na sampung taon at sa susunod pa ay mauulit ang trahedyang ito. Dahil ito ay isang sumpa. Ang sabi kada sampung taon ay may inaalay si Jonathan sa anito. At ito ay ang section ng IV-Sanctuary. Lahat ng estudyante sa section na iyon sa darating na sampung taon ay iaalay sa anito. Ang librong ito ay ginawa upang maging babala sa mga estudyante.)"
Natapos sa pagbabasa si Marian.
"Wala na ba?"- tanong ni Ace.
"Ito lang ang nakalagay tungkol sa anito eh. Yung iba mga program at litrato lang."- sabi ni Marian.