~~~~~CHAPTER 32~~~~~
"IT'S YOUR TIME"
Jet's POV
Maaga akong pumasok ng school. Nakita ko si mang Lito. Nagwawalis siya.
"Mang Lito nakita ninyo po ba si mang Ronald?"- tanong ko.
"Hindi eh. Bakit?"- tanong naman niya.
"Kasi po nanghiram siya ng ballpen sa akin eh hindi pa niya sinosoli."- sagot ko.
"Ah ganoon ba. Baka maya-maya pa iyon. Kung gusto mo hintayin mo na lang."- sabi ni mang Lito.
"Ah hindi na po. Bibili na lang po ako."- sabi ko.
Nakakainis. Mahal pa naman yung ballpen na iyon. Kailangang magtipid ako ngayon. Nakita ko si Ace sa tindahan. Nagyoyosi.
"Ace may yosi ka pa?"- tanong ko.
"Meron. Oh eto."- sagot niya tapos inabot yung isang stick ng yosi sa akin.
"Salamat."- sabi ko.
Nagyoyosi kami ng dumating si Frank at Ash. Nagkasabay ata sila sa sasakyan. Ayaw kasi ni Frank magpahatid kay mang Kanor. Yung driver nila.
"Ash yosi?"- pag-aalok ni Ace kay Ash.
"Sige pre mayroon ako."- sagot ni Ash.
Napansin kong parang masaya si Ace ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Nakita ko si Marian at Elmerson. Magkasabay silang pumasok. Papasok na sana sila pero tinawag sila ni Frank.
"Bok! Marian!"- sigaw ni Frank.
Lumapit silang dalawa papunta sa amin.
Raisa's POV
Kanina lang ako umuwi sa bahay. Sa bahay ako ni Ace natulog. At dalawang beses may nangyari sa amin. Si Ace lang ang lalaking gumawa noon sa akin. Alam ko kasi na siya na ang makakasama ko sa pagtanda ko. Kasabay kong pumasok si Regine at yung pinsan namin na si Ashley.
"Raisa ano nga pala pangalan ng bf mo?"- tanong ni Ashley.
"Hero. Pero Ace talaga pangalan niya."- sagot ko.
"Ah. May kilala din akong Ace. Kaso masungit eh. Yung bf mo ba masungit?"- tanong niya.
"Hindi ah."- sabi ko.
"Oo Joy. Mabait si kuya Ace."- sabi ni Regine.
"Ah ok."- sabi ni Ashley.
Natanaw ko sila Ace sa tindahan. Nagtatawanan sila. Pero si Ace tila naiinis. Mukhang siya ang napagtripan nila Ash.
Marian's POV
Tinawag kami ni Frank. Papasok na sana kami ni Elmerson sa school. Pinuntahan namin sila.
"Woah! Bagong loveteam?"- tanong ni Ash.
"Sira."- sagot ko.
"Ayos yan bok. Galingan mo."- sabi naman ni Ace.
Nagtatawanan sila. Mga mokong na to. Napagtripan kami.
"Ace diba sa bahay mo natulog si Raisa nung sabado hanggang kahapon?"- tanong ni Elmerson.
"Ha?!"- gulat na sagot ni Ace.
Naubo pa nga siya dahil nagyoyosi siya.
"Kaya pala ayaw mo pumunta ako sa bahay mo. Ano may nangyari ba?"- tanong ni Elmerson.
"Gunggong manahimik ka."- inis na sagot ni Ace.
"Meron nga ata ah pre."- sabi ni Ash.
"Kuya di mo ata ikinuwento sa akin yan."- sabi naman ni Frank.