CHAPTER 53: FRANK'S PLAN

114 0 0
                                    

        ~~~~~CHAPTER 53~~~~~
                 "FRANK'S PLAN"


Ace's POV

Nalaman ko na lahat ng gusto kong malaman kay nurse Mea. Dinala na niya si Cathy sa ligtas na lugar. Malapit na din ang katapusan ng lahat. Kailangan ko na lang malaman kung ano ang plano ni Frank.

Nagpunta ako sa park. Hindi na nila ako gaanong makikilala dahil hindi na ako nag-ahit ng balbas at bigote. Tinawagan ko si Frank para makipag-usap. Pinakuha ko sa kanya ang isang cp na may headset. Tapos ay tinawagan ko siya.

"Kumusta?"- tanong ko.

"Ano ba ang gusto mo? At nasaan ka?"- tanong niya.

"Gusto kong malaman ang plano mo."- sagot ko.

"Bakit ko sasabihin?"- tanong niya.

"Dahil wala akong maitutulong kung hindi mo sasabihin."- sagot ko.

"Paano kita mapagkakatiwalaan eh hindi nga kita kilala."- sabi niya.

"May envelope sa malaking puno ng mangga. Kunin mo."- sabi ko.

At ginawa naman niya ang inutos ko. Napansin ko sila Jet, Elmerson at Ash na nasa paligid. Kaya naglakad ako papalayo.

"Ano ba ang laman nito?"- tanong ni Frank.

"Plano ng buong school n'yo. Nandiyan lahat ng detalye bawat sulok at bawat sikretong labasan na ginagamit ng mga killer."- sagot ko.

"Bakit mo ba kami tinutulungan?"- tanong niya.

"Dahil gusto ko lang. Kung hindi mo sasabihin ang plano mo hindi ako makakatulong."- sagot ko.

"Sige. Ganito ng plano. Oras na gumawa na sila ng hakbang ay hahanapin na namin sila. May mga ginawa na akong patibong para sa kanila. Hindi nila kami mahuhuli dahil may mga gamit kami para makalaban. At isa pa may sinabihan na akong mga pulis kung may mangyaring mali."- sabi ni Frank.

"Sa tingin mo ba gagana ang plano mo?"- tanong ko.

"Oo. Sigurado."- sagot niya.

Nilapitan ko si Frank tapos ay may papel akong isinuksok sa bulsa niya. Hindi niya ako napansin dahil sa dami ng tao.

"A-ano to?"- tanong niya.

"Pangalan ng huling killer. Wag mong sasabihin sa iba yan. Dapat ikaw at ako lang."- sagot ko.

"S-sige."- sabi niya.

"Tandaan mo hindi gagana ang plano mo. Pero nasa likod n'yo lang ako."- sagot ko tapos ay pinatay ko na ang cp.

Napansin kong sinusundan ako ni Elmerson at Jet. Kaya nagmadali akong sumakay ng bus. Buti na lang ay hindi nila ako naabutan.


Jet's POV

Sinundan namin yung kahinahinalang lalaki. Yung lalaking bumunggo kay Frank.

"Badtrip! Ang bilis niya maglakad."- inis na sabi ni Elmerson.

"Ano nakilala n'yo ba?"- tanong ni Ash na kararating lang dito sa sakayan ng bus.

"Hindi pre."- sagot ko.

"Puntahan na natin si Frank."- sabi ni Elmerson.

Pinuntahan na namin si Frank. At ipinakita niya sa amin ang envelope.

Raisa's POV

Nandito ako sa kuwarto. Nilock ko ang pinto para walang makapasok. Kinuha ko ang sulat na nakita ko nung isang gabi. Binasa ko iyon.

SUMPA NG NAWAWALANG ANITO [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon