~~~~~CHAPTER 23~~~~~
"SOPHIA"Elmerson's POV
Nagising ako. Tumingin ako sa paligid. Medyo madilim. Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa. Nakatali ako. Paglingon ko sa bandang kanan ay nakatali din si Jet at si inspector Sonny. Pinainom nga pala kami ng kape na may pampatulog. Tinawag ko si Jet.
"Jet."- sabi ko.
Hindi siya sumasagot.
"Pst! Jet."- tawag ko ulit.
"Oh pre nasaan tayo?"- tanong niya.
"Wag kayong maingay."- sabi ni inspector.
"Si Ace nasaan?"- tanong ko.
"Diba lumabas siya kanina."- sabi ni Jet.
"Alam na kaya niya ang nangyari?"- tanong ko.
"Hindi ko alam. Sana hindi siya nahuli."- sagot ni Jet.
May narinig kaming ingay sa taas. Siguro ay nasa silong kami. Nakakainis. Gusto ko ng umalis dito.
Ace's POV
Pumunta ako malapit sa bahay nila Sophia. Nandoon si aling Magda. Hindi ako makalapit dahil nakatayo siya sa labas. Si Sophia naman ay hindi ko makita. Nagulat ako dahil may kumalabit sa akin.
"Sino ka?"- sabi ko.
Pagharap ko ay si Sophia ang nakita ko. Nakangiti siya. Pero bakit?
"Nakita ko na mga kasama mo. Nasa silong sila. Pero nandoon si inay kaya mahihirapan ka makapasok."- sabi niya.
Napansin kong kakaiba na ang suot niya. May mga bakas ng dugo sa damit niya.
"Sophia tutulungan mo ba ako?"- tanong ko.
"Ace ang pangalan mo diba? Alam mo lahat ng nakakakita sa akin ay natatakot."- sabi niya habang nakangiti.
Sa totoo lang hindi ako takot sa kahit na ano. Ang kinatatakutan q lang ay mawala ang mga taong mahalaga sa akin. Tiningnan ko siya sa mga mata.
"Alam ko mabuti kang tao."- sabi ko tapos ay ngumiti ako sa kanya.
"Gusto ko dalawin mo ako pagkatapos nito. Dalahan mo ako ng bulaklak ha."- nakangiti niyang sabi.
"Oo ba."- sabi ko.
"Sige sumunod ka sa akin."- sabi niya.
Sinundan ko siya. Tapos ay nagpunta kami sa isang maliit na pintuan.
"Ayan pumasok ka na. Ako na bahala kay inay."- sabi ni Sophia.
"Salamat. Pangako babalik ako."- sabi ko.
Pumasok ako sa pinto. Masyadong masikip at puro sapot. Tapos ay madilim pa. Binuksan ko ang cp ko para may pang ilaw ako. Grabe masyadong maluwag pala ang bahay nila. Kung titingnan mo sa malayo ay parang simpleng kubo lang. May napansin akong taong nakatali sa upuan. Si Elmerson iyon. Lumapit ako agad at kinuha ang balisong ko.
"Sino yan?"- tanong ni Elmerson.
"Sshhh! Ako to."- mahinang sabi ko.
Tinanggal ko ang tali ni Elmerson.
"Pre ikw na bahala kay Jet. Ako na kay kuya Sonny."- sabi ko.
"Ok."- sabi niya.
"SOPHIA! NASAAN KA NA!!"- sigaw ni aling Magda.
Habang tinatanggal ko ang tali ni kuya Sonny ay nagring ang cp ko.
"Sino tao jan?!"- sigaw ni aling Magda.