CHAPTER 33: ROCKY AND REGGIE

183 1 0
                                    

       ~~~~~CHAPTER 33~~~~~
          "ROCKY AND REGGIE"

Someone's POV

Nagpunta ako sa bahay ni Queen. Nandito kami sa garahe sa likod ng bahay ni Queen. Nandoon si Rocky. Pero bakit?

"Queen ano na naman ang ginawa mo?!"- tila inis na tanong ni King.

"Wala lang."- sagot ni Queen.

"Muntik ka nang makilala. Nakita ka ni Rocky na pinatay mo si Reggie."- sabi ni Jonathan.

"Buti na lang naitago ko ang bangkay."- sabi nung kasama namin.

"Hmp! Eh ano naman. Nahuli naman si Rocky diba."- sabi ni Queen.

"Nasaan na ang bangkay ni Reggie?"- tanong ko.

"Nilagay ko sa sako at dinala ko sa storage room. Tapos kinuha ko kanina."- sagot ni Jonathan.

"Mabuti na lang at may nakaalam. At nakaisip agad kami ng paraan para maitago ang bangkay."- sabi ni King.

"Bakit ano ba ang ginawa ninyo?"- tanong ko.

"Isang drama. Magaling naman ang pag-ganap hindi ba?"- sagot ni King.

"Kung ganoon arte lang iyon?"- tanong ko sa isa kong kasama.

"Oo. Si King ang nakaisip noon."- sagot niya.

"Ano gagawin natin kay Rocky?"- tanong ni Queen.

"Patayin na natin ng hindi na makapagsalita pa."- sabi ko.

Sumang-ayon sila. Kinuha ko ang kutsilyo at lubid sa bag ko. Tinali ko muna si Rocky. Sasaksakin ko na sana ng pigilan ako ni King.

"Sandali lang. Pagpira-pirasuhin natin ang katawan niya."- sabi ni King.

Kumuha siya ng palakol. Tapos ay pinutol niya ang mga braso ni Rocky. Isinunod niya ang mga binti nito. Tapos yung ulo.

"Tanda dalahin mo na dito ang katawan ni Regine."- sabi ni King.

Nagulat ako sa ginawa niya. Tinahi niya sa ibat-ibang parte ng katawan ni Reggie ang pinagputol-putol na katawan ni Rocky.

"Saan natin ilalagay iyan?"- tanong ko.

"Sa room ninyo."- sagot ni King.

Dinala namin sa room namin ang mga bangkay na tinahi ni King.

Ash POV

Wala si Reggie kanina. Malamang ay siya na ang isinunod ng mga killer. Mahirap hulaan kung sino. Masyadong nakakalito. Hindi ko mapigilan na antukin. Kaya nahiga na ako. Matutulog na sana ako ng tumawag si Ace.

"Hello."- sabi ko.

"Pre may bago akong ipapagawa sa iyo."- sabi niya.

"Ano yon?"- tanong ko.

"Gusto ko kayo ni Jet ang pumalit sa akin bilang zombie sa halloween party. May kailangan lang akong asikasuhin."- sagot niya.

"Sige. Kung makakatulong yan sa paghahanap ng killer papayag ako."- sabi ko.

"Ok. Sige bukas na lang. Salamat."- sabi ni Ace tapos ay ibinaba na ang telepono.

Hindi na kaya ng mga mata ko. Kaya nakatulog na ako.

Harold's POV

May dinalaw ako sa ospital bago ako pumasok. Nung nasa school na ako ay nakita ko si JM, Jennifer, Mia, Ashley, Benjie, Maika at yung kambal.

"Oh bakit hindi pa kayo pumapasok?"- tanong ko.

"Wala lang. Sobra lang nakakatamad s room kaya mamaya na lang."- sagot ni Jennifer.

SUMPA NG NAWAWALANG ANITO [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon