~~~~CHAPTER 10~~~~
"THE FIRST MOVE"Ace's POV
Dalawang araw na lang at magtotour na kami. Sigurado ako may mawawala na naman. Gagawa na ako ng paraan. May plano na ako. Sa larong ito ako ang bishop. Ang king ay si Frank at ang queen ay ang kambal. Kung iisipin mabuti ay napakatalino ng mga killer. Walang ebidensiya kung di yung patches. At walang mga finger print sa mga bangkay.
Isa lang ang paraan na naisip ko na makakuha ako ng impormasyon. At ito ang una kong hakbang.
Nandito ako sa office ng bagong principal na si Mr. Joseph Esteban. Kasama ko sila John Freud Simon ang SC president at si Jenny Rossette Victoria ang secretary ni John.
Bakit ako nandito? Dahil ako ang vice-president ng SC.
"Malapit na ang tour kaya gusto ko kayo ang mamahala nito."- sabi ni Esteban.
"No problem sir. We will do our best."- sagot ni John.
"At Mr. Reaper paki ayos ang mga kaklase mo. Ayoko na may mangyaring hindi maganda sa tour."- sabi sa akin ni Esteban.
Tumango lang ako. Ayoko makipag-usap sa kanya. Nung lumabas ako sa room ni Esteban ay tinawag ako ni John.
"Ace sandali lang."- sabi nya.
"May problema ba? Nagmamadali ako kaya dretsuhin mo na."- sagot ko.
"Alam ko may nangyayaring kakaiba sa section nyo pero sana magawa mo ng ayos ang tungkulin mo. At pwede isang tabi mo muna kung ano man ang mga balak mo."- sabi nya.
Tulad kanina tumango lang ako. Ayoko sumunod sa kanila. Kailangang gawin ko na ito.
Lumabas ako ng school at nagpunta kay detective Vergara.
"Pwede ko makausap si detective Vergara? Ako si Ace Reaper. Estudyante ng Jose Pedro Dinahukay Academy."- sabi ko sa secretary ni detective Vergara.
"Ok, just wait for a second."- sabi nung sekretarya.
"Hello detective Vergara. Nandito po si Ace Reaper. Papapasukin ko po ba?"- tanong nya.
"Ah ok po. Sige pumasok ka na daw."- sabi ng sekretarya.
Pumasok ako sa office ni detective Vergara. May kasama syang pulis.
"Ok paki sabi sa kanya hindi ko matatanggap ang sorry nya. Sige na SPO1 pwede ka ng umalis."- sabi ni detective Vergara sa pulis at lumabas na ito.
"Ace ano maitutulong ko?"- tanong nya.
"Eto ang sulat ni Edward bago sya mamatay. Gusto kong ako na mismo ang gumawa ng paraan para mahuli sila. Ayokong makialam ka."- ako.
Pagkatapos ko ibigay ang sulat ay umalis na ako. Gagawin ko na ang una kong hakbang.
Mary's POV
Nandito kami sa room. Wala pa si kuya Ace dahil ipinatawag sya ng principal.
"Guys sa tingin nyo sino ang pumapatay?"- tanong sa amin ni JM.
"Baka si mang Lito. Alam nyo naman lagi galit sa section natin yon."- sabi ni Ash.
"Hindi siguro. Mabait naman yung matanda na iyon."- Benjie.
"Ano ba ang magagawa natin para matigil ito?"- tanong ni Jennifer.
"Eh di hanapin natin sya."- sagot ni Frank.
"Tama ka pare."- sabi ni Fredrick.
"Tahimik ang lahat."- sabi ni kuya Ace na kapapasok lang.
Tama. Siya ang paraan para makaligtas kami. Para maka alis na ako sa problema ko.