CHAPTER 19.2: ROCK EN ROLL

233 2 0
                                    

     ~~~~~CHAPTER 19.2~~~~~
               "ROCK EN ROLL"

Elmerson's POV

Nagpunta kami kahapon sa ospital. Sabi ni Frank lumabas na daw si Ace. Mag-uumpisa na kami sa plano. Kasama ko si Jet, Marian at Ash dito sa stage. Hindi na kami nakasali sa battle of the band dahil wala si Ace.

"Marian kanina ka pa walang imik ah."- sabi ni Jet.

"Malamang ay hindi niya matanggap na bf na ni Raisa si Ace."- sabi ni Ash.

Tiningnan siya ng masama ni Marian. Napatahimik si Ash.

"Guys may kakaiba doon sa likod ng stage."- sabi ko. May napansin kasi akong kakaiba.

Pinuntahan namin ang likod ng stage. Nakita namin ang isang parte ng anito.

"Iyan ba ang kamay ng anito?"- tanong ni Jet.

"Kukunin ba natin?"- tanong naman ni Ash.

"Syempre kukunin natin. Alam ninyo wala akong tiwala sa iba nating kaklase."- sabi ni Marian.

Napaisip ako. Sino ba ang dapat pagkatiwalaan?

"Basta ako may tiwala ako sa inyo. Kila Benjie, JM, Jennifer at Maika lang ako walang tiwala."- sabi ni Ash.

"Ako din."- sagot ni Jet.

"Ikaw Marian kanino ka walang tiwala?"- tanong ko.

"Dun sa kambal. Pero hindi nila kayang gawin ang pagpatay. Kila Mary, Jennifer, at Benjie wala akong tiwala."- sagot ni Marian.

"Wala din akong tiwala kay Benjie at Jennifer."- sagot ko.

Kung tutuusin nagkasundo kaming apat kay Benjie at Kay Jennifer na sila ang killer. Masyadong kakaiba ang mga ikinikilos nila. Dapat ko silang bantayan.

Ace's POV

Nandito kami ng grupo ko sa lumang library. Si Raisa, Regine at Frank ang kasama ko. Sila Elmerson, Jet, Ash at Marian naman sa stage. Sa kanila lang ako may tiwala. Ang hula ko ay si Benjie ang killer sa room namin. Alam kong may tumutulong sa kanya. Kung hindi si guard sa palagay ko yung principal. Dapat masiguro ko ang bawat detalye.

"Guys rock and roll na to."- sabi ni Frank.

"Wag ka nga maingay."- sabi ni Regine.

"Ano ba pakialam mo?"- tanong ni Frank kay Regine.

"Baka mahuli tayo dito."- sabi ni Regine.

"Ako bahala."- sabi ni Frank ng pa growl. .

"Wag nga kayong magtalo."- mahinang sabi ni Raisa.

Naisip ko na malamang ay wala na ang ibang libro dito dahil hindi na dumadaan si mang Lito dito. Dati ay palagi siyang dumadaan dito.

"Kuya wala namang pakinabang ang mga libro dito. Puro year book na lang."- sabi ni Frank.

Year book? Tama baka may clue sa mga year book na nandito.

"Frank hanapin mo ang year book noong nakaraang sampung taon. Regine hanapin mo naman yung year book last 20 years. Munchkin may mga papel pa na hindi naka ayos sa baba. Kunin mo lahat. Ako naman ay may hahanapin banda rito."- sabi ko sa kanila.

Pinuntahan ko ang shelve malapit sa pinto. Sakto. Nakita ko ang hinahanap ko. Ang libro kung saan nagmula ang anito.

"Hero nakuha ko na."- sabi ni Raisa.

"Kuya Ace ako din."- sabi ni Regine.

"Frank ikaw?"- tanong ko.

"Kuya wala yung year book ten years ago."- sagot ni Frank.

SUMPA NG NAWAWALANG ANITO [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon