Prologue (Sa mundo ng mga tao..)

751 15 3
                                    


           Namuhay naman ng tahimik ang dalawang engkantada kapiling ang kanilang kabiyak,unang nagdalang diwata si Ursula subalit sa mismong araw ng pagsilang nya ng sanggol ay kanyang natikman ang epekto ng sumpa ng sinasamba nyang bathala, nagiging wangis matanda ang magandang sanggre dahilan upang ipagtabuyan sya ng asawa.,kahit anong paliwanag ang ginawa nya subalit Di sya pinakinggan, bagkus tinatawag pa syang impakta at salot,     

Kasalukuyan nanood ng balita si Adora sa television,

"Kapapasok na balita ,isang matandang nakakatakot ang hitsura ang kinaladkad ngayon sa isang hospital na pag aari ng sikat na doctor na si Matteo  Buenavista,ipinagpipilitan diumano nito na sya ang asawa ng Doctor.,ipinagtaka naman ng lahat ang biglang pagkawala ng maganda nitong asawa na sinasabing kapapanganak lamang,hindi naman nagkomento si Dr.Buenavista hinggil sa nasabing usapin"..
  
Nanginginig si Adora sa balita...

"Hindi kaya ito na yong sumpa ng bathala"...

Lumabas si Corazon ang pinagkakatiwalaan nilang kasambahay...inabot sa kanya ang cordless phone...

"Maam nasa linya po si Maam Ursula....

Matapos nitong ipagbigay alam sa kanya ang kinaroroonan ay agad din syang umalis....

"Mahabaging Emre,ano't ganyan ang iyong wangis aking kaibigan..."

Napahagulhol si Ursula

"Pagkatapos Kong magsilang ay ito ang nangyari sa akin,sa aking palagay marahil ay ito ang kaparusahan ng bathala."

Nahintakutan si Adora

Ngunit sinabihan sya ni Ursula na kumbinsihin na lamang ang asawa na hindi sila pwedeng magkaanak..

"Subalit matagal ng pinangarap ni Ronaldo, na kami'y biyayaan ng supling, pero kung magkaganon man tinitiyak ko sayo na hindi maging pareho ang ating kapalaran. 

"Pero batid mong pareho nating sinuway ang ating bathala kaya naman nakatitiyak akong may sumpa ding dala ang Yong pagdadalang diwata"..

"Hindi.....dahil kagaya ng tubig wagas at dalisay ang pagmamahal ng aking asawa"...

"Yan din ang akala ko noon kay Matteo, pero anong nangyari. ...ang masaklap hindi ko na mahahawakan ang aking anak....sa tingin mo may maniniwala ba na ako si Ursula,sa hitsura Kong to,....tingnan mo ako  at sabihin mo sa akin na wagas at dalisay ang pag ibig na natagpuan ko."

Nahabag si Adora sa kalagayan ng kaibigan...

Mayron pang paraan, humingi tayo ng tulong sa asawa ko,magkaibigan sila ni Matteo,natitiyak kong pakikinggan nya ako....

"Wala ng paraan..maluwag kong tatanggapin ang kaparusahang 'to at gagawa ako ng paraan na mapatawad ako at tatanggapin muli ng ating bathala....

Nag evictus ang sanggre at hindi alam ni Adora kung saan ito tutungo....

Dama ni Adora ang takot, sinubukan nyang kumbinsihin ang asawa,Ngunit Wala syang nagawa,hindi ito naniniwala sa kanya,lalo pa at sinabi ni Matteo na naglayas ang asawa at sumama sa kanyang kerida matapos makapanganak...

"Ronaldo,hindi ganon ang kaibigan ko....

"Honey, stop it ok....hinangad kong magkapamilya at pamilya bang maituturing kong Wala tayong anak?.
.

"Nakalimutan mo na ba ang sinasabi ko sayo noon,Ronaldo Engkantada kami ni Ursula,at yong nangyari sa kanya tiyak sumpa yon ng aming bathala. ...

"Sabi ni Matteo,naglayas si Ursula,ok....kailangan mo na yatang mag pacheck up uli sa psychiatrist, hanggang ngayon Di mo pa rin ipinagtapat sa akin,kung anong pinagdaanan ninyong dalawang trauma....
 

"Ibig sabihin,sa lahat ng naikwento ko sayo, wala kang pinaniniwalaan?

"Naniniwala?maaring pinagbigyan kita ,at iniintindi ang kalagayan mo dahil mahal kita pero pwede ipahinga mo na ang sarili mo,kalimutan mo na si Ursula"..

At umalis na ang asawa,naiwan syang balisa at nag alala. .. 

"Manang Corazon, (tawag nya sa katulong)

"Sabihin mo sa akin,pinaniniwalaan mo ako Di ba?Engkantada kami ni Ursula...

"Ma'am kumalma po kayo,naniniwala po ako sa inyo, alam kong totoo ang hiwagang daigdig na pinanggalingan ninyo. ... 

Biglang nagliwanag ang palad nya,at lumitaw ang hugis bulaklak na kulay berde,

Napaupo na  lang sya sa sahig sa nakita....

Yakap naman sya ni Manang Corazon. ..

"Maam ano po bang ibig sabihin ng nakita ko"?

"Tanda to ng pagdadalang diwata,hindi ako magiging ligtas sa sumpa"...

Lalo syang napahagulhol sa balikat ni Manang Corazon...

Nahabag ang matanda ngunit wala syang magawa,kundi ang bigyan ito ng lakas ng loob...

"Maam tama na po,ipagdasal nyo na lang po at hwag po kayong mag alala, kahit Di ko po kilala ang bathala ninyo ay tutulungan ko po kayong magdasal...

"Maraming Salamat Manang....

Dinala na ni Manang Corazon si Adora sa kanyang Silid. .

Tuwang tuwa si Ronaldo ng itoy malaman ngunit.......si Adora dama pa rin ang takot habang papalapit ng papalapit ang araw ng kanyang panganganak...

Hanggang sa dumating na nga  ang  araw na pinakahihintay ng lahat....

Dadalhin dapat ng hospital ni Ronaldo  ang kabiyak na mahigpit na tinutulan ni Manang Corazon. .

"Alam kong wala akong karapatan manghimasok  Ronaldo, pero isipin mo na lang na ginagawa ko to,dahil pamilya ang Turing ko  sa inyo.,magpipiyestahan kayo ng mga tao sa sandaling  magbago ang anyo ni Ma'am.  

"Pagbibigyan kita Manang dahil mataas ang respito ko sayo ngunit kung sakaling malagay sa panganib ang mag ina ko,mananagot ka sa akin.

Dumating na ang oras na hinihintay nila,nagsilang nga si Adora ng isang malusog at gwapong sanggol. ..

Nang una nya itong mahawakan. .

Wari bang tinatanggal nito ang takot ng kanyang nararamdaman.

"Isa kang tunay na tagapagmana ng kahariang aking tinalikuran,naway sa pamamagitan mo anak ay makakamit ko ang kapatawaran ng ating bathala. ..

Makalipas ang ilang minuto,matapos kunin ni Ronaldo sa mga bisig nya ang anak nila....ay naganap ang matagal ng kinatatakutan ni Adora, ang pagbabagong anyo nya.....

Nasaksihan ito ni Manang Corazon at ni Ronaldo....

Napaatras si Ronaldo sa nasaksihan at lumabas ng kwarto. ...upang ilayo ang anak nila sa kanya. ..wala syang magawa kundi ang lumuha at pagsisihan ang kanyang nagawa.

Naalala nya si Ursula....

Ang huli nyang sinabi ,ay hindi sila pareho ng magiging kapalaran at ito ay nagkatotoo....

Si Ursula ay pinagtabuyan,bagamat sya ay hindi naman ngunit sya ay iniiwasan naman.

Ang pinagpasalamat na lang nya ay hindi nito tuluyang inilalayo ang kanilang anak. ....

Sa harap ng ibang tao,lola ang tawag nito sa kanya...mabuti na lamang at hinayaan sya nitong maging ina lalo pat sa paglipas ng mga araw ay madalang na itong umuwi,palagi nitong katwiran ay ang pagiging abala sa trabaho ngunit batid nyang pinandirihan sya ng lalaking minsan ay sumasamba sa kanyang kagandahan.....

Habang  lumalaki si Casper. ..ay marami na itong katanungan lalo na sa hitsura nya....nakikinig naman to sa paliwanag nya....dagdag pa ay tinulungan din sya ni Manang Corazon....ramdam nyang interesado ang anak sa pinanggalingan nya kaya ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas. ..

Hanggang sa paghiwalayin sila ni Ronaldo, ipinasya nitong pag aralin sa Korea ang anak, bagamat kanyang tinutulan ay wala pa rin syang nagawa. ...sa pagkawalay sa anak  ay kanyang naranasan ang kalupitan na nauwi sa kanyang kamatayan...

AUTHOR'S NOTE:Hello mga apwe,thank you pala sa mga nagbabasa..
.

Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon