Author's Note: Happy New year mga apwe..thanks for reading this story...
Huli na ang pagdating ni Merethea pagkat ang naabutan nya ay ang pag guho ng kaharian ng Sapiro...
Narinig nya ang huling sigaw ni Nathan...kasabay noon ang pag guho ng kaharian ....at ang paglutang sa hangin ng brilyante ng diwa...kasunod nito ang plawta ni Nathan...
Nanatili sa ibabaw ng wasak ng kaharian ang brilyante at mayamaya ay lumiwanag ito sa banda kung saan natabunan ang katawan ng sanggre...agad itong pinuntahan ni Merethea at kinuha ang katawan ng kapatid....
Ng magtagumpay syang dalhin ito sa ligtas na lugar ay hindi nya mapigilan ang lumuha...
Naramdaman nya ang paglakas ng ihip ng hangin at nakita ng mga mata nya na tinangay ng hangin ang brilyante at ang plawta ni Nathan...kung saan ito dadalhin..yon ay hindi nya batid kayat agad nyang dinala sa kuta ni Cassiopea ang katawan ni Nathan...
"Matapos mailapag yon...ay agad nyang nilisan ang lugar...nagtago siya sa di kalayuan at nakita nya si Cassiopea na tumatangis ng makita ang katawan ng apo...
Di nagtagal ay dumating ang mga retre at sa isang iglap ay nawala ang katawan ni Nathan...
"Paalam mahal kong kapatid..(bulong ni Merethea)
Puno ng galit ay pinuntahan nya ang Ama...ipaghiganti nya ang kapatid kahit pa maging sanhi ito ng pangalawa nyang kamatayan...
"Mabuti ika'y nagbalik...alibugha kong anak...kung kailan ka naging hadezzar saka mo pa ako naisipang pagtaksilan"
"Labis kong pinagsisihan Ama kung bakit ngayon ko lang ito ginawa...ang talikuran ka,naranasan ko sana ang maging masaya man lang kahit panandalian...tama ka napaslang mo ang kapatid ko...ngunit baon ni Nathan ang wagas na pagmamahal ng isang diwata...bagay na pinangarap kong maranasan...ang magmahal at mamahalin...
"At kailan man ay hindi mo mararanasan pagkat papatayin na lang kita kung hindi ka rin lang maging kakampi ko....
At ginamit ni Gustavo ang kapangyarihan upang tuluyang wakasan ang buhay ng sariling anak...at siniguro ni Gustavo na tuluyang maglalaho si Merethea..at hindi na ito makakapasok sa balaak...o maging sa Devas....
"Isang sumpa ang makilalang ama ang isang katulad mo....(huling nasambit ni Merethea)
Samantalang sa kuta ni Cassiopea ay yakap pa rin nya ang damit ni Nathan..
"Kung sino man ang nagdala kay Nathan sa kuta ay labis akong nagpapasalamat...
Tinanong ni Cassiopea sa kanyang mahiwagang balintataw kung anong nangyari kay Nathan at kung sino ang nagdala nito sa labas ng kanyang kuta..at hindi sya binigo ng kanyang mahiwagang balintataw...pinakita nito ang lahat..mula sa paglagay ni Nathan ng enkantasyon sa kanyang plawta..at ang huling utos nya sa brilyante...pati na rin ang kamatayan ng dalawa nyang apo...
"Sayang hindi kita nakilala Merethea...sana man lang naging Ila mo ako...
Matapos mabatid ang lahat ng yon ay nagtungo agad sya sa pinagtataguan ng mga diwata at pinaalam nya kay Lira ang kanyang nalalaman..
"Cassiopea....anong ibig sabihin ng paglutang ng brilyante sa katawan ng kapatid kong hara...
"Danaya wala na si Nathan,ang paglutang ng brilyante sa katawan ng hara ay nangangahulugang sinusubukan nyang pigilan ang ivtre ni Amihan upang hindi ito tuluyang makapasok ng Devas...
"Mabubuhay bang muli ang mahal kong hara...(wika ni Ybrahim)
"Syang tunay Ybrahim...ngunit ito ay nakadepende kay Lira...at sa desisyon ni Amihan...
BINABASA MO ANG
Mahiwagang Puso
FanfictionThis is my own version of Enca, unexpectedly I became an Ybramihan,sa pagsisimula ng Engkantadia I admit na kinikilig talaga ako sa Alebarro ngunit sa paglipas ng mga araw at habang nagkakaeksena ang Ybramihan bigla nag iba ang aking gusto, mas nai...