Dumiretso si Alena sa karagatan na naging saksi ng pagmamahalan nila ni Casper.
Nag uunahan pa rin sa paghampas ang alon na animo'y nagdadalamhati.
Nilabas ni Alena ang brilyante ng tubig at hinayaang lumutang ito sa ibabaw ng karagatan,batid nyang sa pamamagitan nun ay mararamdaman ni Casper ang presensya nya.
At hindi nga siya nagkakamali at bumalik sa normal ang karagatan,binuka muli nya ang palad at muling bumalik ang brilyante sa kanya.
Natanaw nya si Casper na naglalakad palapit sa kinaroroonan nya,katulad ng madalas nitong ginawa noon,ginawa nitong yelo ang parte ng karagatang inaapakan nya.
Yumakap agad si Alena ng makalapit ito sa kanya.
"Poltre mahal kong sanggre,(hingi nito ng paumanhin habang patuloy na humihikbi sa balikat nya,
Hinahagod naman ni Alena ang likod ng Rehav,tanda ng kanyang suporta dito,kahit hindi naman talaga nya alam ang dahilan ng kanyang pagtangis.
Sinapo nito ng palad ang mukha nya.
"Ikaw ang nakatakdang maging reyna ng Sapiro.(malungkot nitong pahayag)
Nanlumo si Alena sa narinig,batid nyang hindi ito ang buhay na gusto ni Casper,at ayaw na rin naman nyang matali sa responsibilidad ng kaharian,simple lang naman kasi ang nais nya,yon ay ang mamuhay ng tahimik kasama ang nilalang na iniibig nya at ang mga supling na ipagkaloob sa kanila.
Sabay silang nagplano ni Casper nun para sa hinaharap nilang dalawa.
"Batid kong taliwas ito sa mga plano nating dalawa ngunit batid ko ring saang mundo man tayo naroon,sa mundo man ng mga mortal o dito sa mundo ng hiwaga batid kong magiging masaya tayo dahil kapiling nating ang isat isa.
"Sana ganon lamang yon kadali mahal kong sanggre,dahil saang mundo man ako naroon hanggat nandyan ka ay kuntento na ako,ngunit hindi ako ang itinakdang Rama,kailan man ay hindi maging rama ang tulad kong may dugong mortal na nanalaytay sa aking katawan.
Nag uunahang dumaloy ang luha sa pisngi ni Alena,bagamat walang binanggit si Casper tungkol sa magiging pasya nito sa kanilang dalawa,batid na nya ang sagot,hindi na kailangan isatinig ni Casper ang katagang paalam mahal ko pagkat ang mga luha nito ang syang buhay na katibayan ng desisyon nitong hwag ipaglaban ang kanilang wagas na pagmamahalan.
"Nauunawaan ko,(sambit ni Alena habang niyapos ng mahigpit ang mahal nya)kailan mo lilisan ang mundong ito?(tanong nya)
"Kung manatili pa ako dito baka hindi ko mapanindigan ang aking pasya,ayokong maranasan mo ang pinagdaanan ng aking ina o ni sanggre ursula dahil sa paglabag nila sa utos ng bathala,gusto kitang ilayo,ngunit maaring matakasan natin ang sinaunang Rama ngunit hindi ang bathala.
Nag evictus si Alena habang yakap si Casper.
At nagulat si Casper pagmulat nya ay nasa puno na sila ng Asnamon.
"Takot akong pag manatili ka pa maski ilang minuto man lang baka hindi kita kayang pakawalan,(saad ni Alena habang nakatitig sa mga mata ni Casper)
Humihikbi na si Alena sa pagkakataong ito.
"Maari ba kitang mahagkan sa huling pagkakataon.(hingi ng permiso ng Rehav na agad naman tinanguan ni Alena bilang pagsang ayon.)
Tumingala si Alena upang mapagmasdan ng mabuti ang imahe ni Casper,nais nyang iukit sa kanyang memorya ang kahit kaliit liitang detalye ng wangis nito.
"E correi diu Casper,maging hara man ako ng iba,ngunit hanggang dun lamang yon,ang responsibilidad ko lamang bilang hara ang magtatali sa akin sa sapiro,Pinapangako ko sayo na sa puso ko at maging ng katawan ko ay ikaw lamang ang kikilalanin kong kabiyak.
BINABASA MO ANG
Mahiwagang Puso
FanfictionThis is my own version of Enca, unexpectedly I became an Ybramihan,sa pagsisimula ng Engkantadia I admit na kinikilig talaga ako sa Alebarro ngunit sa paglipas ng mga araw at habang nagkakaeksena ang Ybramihan bigla nag iba ang aking gusto, mas nai...