Author's Note: Ang kabanatang ito ay rated SPG kaya patnubay ng magulang ay kailangan,naway magagamot nito ang mga sugatan nating puso,buong akala ko tuluyang magbabalik si Amihan sa Enca,yon pala pansamantala lamang dahil kailangan nyang bumalik ng devas bago mawala ang liwanag sa kanyang kamay kundi ay hihilahin ang kaluluwa nya papuntang balaak...😂😂😂😂😂
Bakit ganito bathalang Emre akala ko ba si Amihan ang gagawa ng sarili nyang kapalaran...😂😂😂
😂😂😂😂😂😂😂😂
CHAPTER 4
Kanina pa nakaalis si Lira,ngunit di pa rin maalis ang ngiti ng Rehav,masaya sya na nasabi nya sa Reyna ang laman ng kanyang puso,sapat na sa kanya ang mga ngiti ni Amihan bilang tugon sa kanyang inihahayag na damdamin....
Marami pa silang haharapin,at alam nyang darating ang panahon na bababa ang Reyna sa trono at ipasa sa kanyang tagapagmana at naiisip na nya ang kinabukasan nilang dalawa, sya bilang hari at si Amihan ang kanyang magiging hara,ngunit sa ngayon kailangan muna nilang ipaglaban ang kapayapaan ng Encantadia,
Samantalang sa Lireo,hindi dalawin ng antok si Amihan,maraming bagay ang naglalaro sa kanyang isipan,
Hindi nya maalis ang mga ngiti ng pinakamamahal nyang Rehav...
Tama si Danaya,naisip nya...masaya na si Alena...at panahon na upang isipin nya ang sariling kaligayahan kahit pa sa kabila ng digmaan...nakita nya ang kislap sa mga mata ng anak ng makita silang dalawa ni Ybrahim na magkayakap ....
Ang kanyang kaisa isang anak na walang ibang pinangarap kundi sila ay magiging buo,ni minsan ay di nito hinangad ang korona kundi ay isang kumpletong pamilya....
Gamit ang kapangyarihan ng Evictus ay nagpunta sya ng Sapiro kung saan naabutan nya si Ybrahim sa bulwagan ng kaharian...nakaupo ito habang tinitingnan ang trono ng namayapang ama...
Niyakap nya ito sa likod...
Nanaginip ba ako...(sa isip ng Rehav)
Ngunit kanyang hinawakan ang mga kamay ng Reyna at napatunayan nyang hindi panaginip ang lahat...
Paglingon nya ay nakangiting mukha ni Amihan ang kanyang nasilayan...
"Bakit ka naparito,may nangyayari ba sa Lireo..(sunod sunod nyang tanong)
Ngunit imbes na sumagot ay hinawakan ni Amihan ang kamay ng Rehav at sabay silang Naglaho...
Sa sekretong lugar na waring paraiso para kay Amihan..malayo ito sa mga kaharian ng Encantadia....dito sya nagpupunta sa tuwing nabibigatan sya sa kanyang mga suliranin bilang Reyna....
"Kay gandang lugar mahal kong Reyna...
"Syang tunay Ybrahim....mula dito ay tanaw natin ang mga kaharian,minsan naisip ko, sana walang digmaan,ano kaya ang magiging buhay natin...magtatagpo kaya tayong dalawa...magkaroon kaya tayo ng isang Lira...
Pinahid ni Ybrahim ang mga luha ni Amihan...
"Mahal ko,natitiyak kong anuman ang sitwasyon,pagtatagpuin pa rin tayo ng tadhana...ramdam ko yon,ikaw ay para sa akin,at ako ay para sayo...
"Natatakot pa rin ako Ybrahim,paano kapag nagape tayo nina hagorn...anong kinabukasan ang naghihintay ng mga nilalang ng Encantadia...
"Na alam kong hindi mangyayari,sabay tayong lumaban para sa kapayaan ng ating mundo,hindi lamang para sa ating nasasakupan,kundi para sa ating anak at para sa ating dalawa...
BINABASA MO ANG
Mahiwagang Puso
FanfictionThis is my own version of Enca, unexpectedly I became an Ybramihan,sa pagsisimula ng Engkantadia I admit na kinikilig talaga ako sa Alebarro ngunit sa paglipas ng mga araw at habang nagkakaeksena ang Ybramihan bigla nag iba ang aking gusto, mas nai...