Chapter 1 (luha ng pagmamahal)

680 17 1
                                    

Author's Note:Si Casper sa mundo ng mga tao,paano nya tatanggapin ang pagkawala ng ina nya.

Mahabang taon din ang nagdaan at sa pagbabalik ni Casper ay sabik syang makasama at makakwentuhan ang ina ngunit laking dismaya nya ng mapag alamang isang taon na pala itong namayapa....masama ang loob pa nya dahil yon pa daw ang bilin ng ina ang itago sa kanya ang lahat. ..ngunit sa pagkikita nila ni Manang Corazon ay napag alaman nyang hindi sakit ang ikinamatay nito kundi ay lason. .. nilason ng kabit ng papa nya....

"Hindi ko sinasabing paniniwalaan mo ako Casper,pero sana mag imbestiga ka at gawin mo to ng hindi nalalaman ng yong ama."

"Maraming salamat yaya,tunay ngang tinuring mo kaming kapamilya..

"Patawarin mo ako na wala akong nagawa para protektahan ang mama mo,

"Yaya si Manong Isko?(ang driver nila na matagal na ring naninilbihan)

"Pinatay sya ng Tita Armida mo,ang sinabi nila naglayas pero di yon totoo,noong panahon nakakulong sa basement ang mama mo,palihim naming dinalaw ni Manong Isko ang mama mo,noong natuklasan niya na nilagyan ng lason ang inumin ng mama mo,sinundan nya si Armida at pigilan sana na hwag mainum ng yong ina at yon ang dahilan ng kasawian nya...isang demonyo ang tita mo Casper...mabuti na nga lang at nakatakas ako ng araw na yon,pero wala akong ninakaw maniwala ka,ang tanging dinala ko ay mga lumang gamit ng mama mo,dahil binilin nya yon sa akin na ibigay sayo...

Niyakap ni Casper si Manang Corazon...

"Tama na ....mapapalabas din natin ang totoo,pero hindi ko alam saan ako magsisimula yaya...

"Bakit hindi mo ipapahukay yong puntod ng mama mo..

"Para saan...

"Engkantada ang mama mo,ibig sabihin pwedeng wala ang katawan nya dun

"Pero yaya  mahigit isang taon na at malamang buto na lang ang makikita natin...

"Nakalimutan mo na ba sabi ng mama mo,kinukuha ng mga paruparo ang katawan nila pag silay namatay...ibig sabihin kung may nahukay na buto,hindi mama mo ang nilibing nila dun...

"Kung hindi si Mama sino?

"May kutob akong si Manong Isko...

"Paano nangyari yon...

"Casper,sunog ang katawan ng mama mo noong nilibing,yon ang pinakita sa balita...

"Dahil hindi naman talaga pinakilala ni papa si mama sa publiko  dahil sa hitsura nya di ba.

"Tama pero,pwede naman nilang sabihing lola mo...pero bakit sinabi nila yong totoo,kailan ba nagdrive ang mama mo?bakit nasunog ang kotseng minamaneho nya...

Naisip ni Casper na tama ang yaya nya,kaya sinamantala nya ang pagiging busy ng papa nya,nagpaembestiga sya at ayon sa DNA test,hindi nya ina ang nakalibing sa puntod ng mama nya,tama ang yaya nya ang dati nilang driver ang nakalibing dun...hindi sya makapaniwala na magagawa ito ng sarili nyang ama...

Pag uwi nya sa bahay ay kinuha nya ang espadang bigay ng mama nya noon...

Nagulat ang papa nya ang itutok ito ni Casper sa leeg nya...

"Saan mo dinala ang katawan ni mama,magsabi ka ng totoo dahil tutuluyan talaga kita..

"Sinabi ko na kung saan sya nakalibing di ba...

"Hwag nyo akong gawing tanga dahil hindi si mama ang nandun kung di si Manong Isko...ngayon sabihin mo ang totoo...

"Bakit mo ba pinag aaksayahan ng panahon ang ina mong impakta...(SINGIT NI ARMIDA SA USAPAN)

"Hwag kang makialam dito dahil hindi ka kapamilya..

"Noon oo,pero ngayon kasal na kami ng papa mo,it means may karapatan ako sa lahat na meron sya,pati sayo...

"Mga walang hiya kayo,ngayon sabihin mo sa akin kung nasaan si mama?

Dahil kung hindi ....

Sasabihin ko na, sa may abandonadong beach sa batangas...

Inihagis ni Casper ang ama at nagmamadaling umalis....dinaanan muna nya si Manang Corazon ang yaya nya na tinuring na rin nyang pangalawang ina...

Pagdating sa tabing dagat...

Lumapit sya sa tubig at tinapat ang kamay kasabay ng pagsusumamo na ipakita sa kanya ang ina...

"Espiritu ng tubig tulungan mo akong mahanap si Mama...

Lumiwanag ang parteng sinalat nya at pinakita ng tubig ang kinaroroonan ng ina nya....

"AVISALA ESHMA"

At lumangoy si Casper sa kailaliman ng dagat hanggang sa matagpuan nya ang katawan ng ina ....

Ngunit natuklasan nyang naging katawang bato ang mama nya...

May narinig syang boses....

"Ako ang espiritu ng tubig na syang nagprotekta sa mama mo laban sa mga mababangis na pashneyang naninirahan dito sa kailaliman ng karagatan ...

"Ano ang kailangan kong gawin para maibalik sya sa dati at ng malaya syang makapaglakbay papunta ng Devas....

"Hanapin mo ang kasagutan sa yong puso Mahal na Rehav...

Humayo ka na bago pa magising ang mababangis na mga pashneya...

Umalis si Casper

At pag ahon sa dagat ay karga nya ang katawang bato ng ina....nilapag niya yon sa buhangin habang walang tigil ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata at bawat luhang pumatak sa katawang bato ng ina ay ang unti unti pagkatanggal ng sumpa ng bathala hanggang sa nararamdaman nyang lumalambot ang katawang yakap nya..

"Casper pagmasdan mo,ang yong ina bumalik ang dati nyang anyo,ganyan ang hitsura nya bago ka pa isinilang...(manghang turan ni manang corazon)

Maging si Casper ay hindi makapaniwala sa nasaksihan...

Isang napakagandang nilalang ang kanyang ina...

Mayamaya ay nagsidatingan ang mga paruparo...

Hinalikan nya ang ina sa noo..

"Maligayang paglalakbay ina.....

"AVISALA ESHMA BATHALANG EMRE,NAWAY TANGGAPIN MO SA YONG KAHARIAN ANG AKING INA SA KABILA NG KANYANG PAGKAKASALA.....

"Alam kong magiging maligaya ang ina mo Casper..

"Salamat yaya sa lahat lahat,sa malasakit at pagmamahal na binigay mo sa akin at sa aking ina...sa tingin ko kailangan ko ng bumalik sa daigdig ng hiwaga...sa mundo ng aking ina...

Ang ENCANTADIA....

Paano kung hindi ka na kilala ng mga naninirahan dun...

Paano kung yong nabanggit ng ina mo ay namayapa na pala...

Kailangan ko pa ring sumugal yaya...kailangan kong kilalanin ang pinagmulan ng ina ko dahil yon lang ang maging daan na lubusan kong makilala ang pagkatao ko...






Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon