Chapter 20(ang pagkilala sa unang lalaking sanggre)

392 7 1
                                    

Nakabalik na sa Lireo ang mga diwata ngunit batid nilang hindi pa rin ganap ang kanilang katahimikan...

Naibalik na rin sa ayos ang mga nawasak na parte ng kaharian noong nakaraang digmaan.

Nagpatawag si Amihan ng pagpupulong dahil kailangan nilang maghanda pagkat batid nyang anumang oras ay muling maghahasik ng kaguluhan si Bathalumang Ether lalo pa at buhay pa si Hagorn...

Samantalang sa kuta ni Cassiopea ay kinumbinse ng huli ang kanyang apo upang dumalo...

"Bakit hindi ka pupunta Nathan..(pahayag ni Cassiopea)

"Sa tingin nyo po ba Ila makakabuti na akoy pumaroon.."(may pag aalinlangang sagot ni Nathan.)

"Oo naman,isa kang sanggre..at wala kang kinalaman sa parusa ng bathala sa akin dahil sa paghati ko sa inang brilyante..."

"Ngunit Ila,maari mo ng buuin muli ang brilyante pagkat nasa akin ang dalawang piraso nito.

"Mapanganib,tiyak kong marami pang balak si bathalumang Ether at kakailangan pa ng mga sanggre ang kanilang brilyante...at isa pa ay hindi buo ang brilyante ng diwa na syang hawak mo ngayon,sa tingin ko ay hinayaan ni Casper ma manahanan sa karagatan ang kapiraso ng brilyante ng tubig upang higit pa itong mas makapangyarihan sa muli nitong pag anib sa brilyanteng kanyang pinanggalingan."

"Kung ganon ay kailangan ko itong maibalik sa hara ng Lireo..

"Tama apo,matalino si Amihan kayat tiyak kong ipagkaloob nya yan sa karapat dapat na tagapangalaga.."

Mabanaag ang pag alala sa mukha ni Nathan..

Kaya nilapitan ito ni Cassiopea at niyakap...

"Huwag kang mag alala,batid kong magugustuhan ka rin ni Ybrahim para kay Lira,kailangan mo lamang patunayan sa kanya na wagas at dalisay ang yong nararamdaman sa anak nya...

"Avisala Eshma Ila,umaasa ako sa tinuran nyo..."

At nag evictus si Nathan papunta sa kaharian ng Lireo...kung saan sa mismong bulwagan kung saan naganap ang pagpupulong sya dumiretso...

Nakita sya agad ng hara...

"Sa lahat ng mga narito nais kong ipakilala sa inyo ang kauna unahang lalaking sanggre ng Lireo,ang apo ng sinaunang Hara na si Cassiopea at anak ng pinakamakapangyarihang sanggre na si Ursula, Sanggre Nathan.."

Naglakad si Nathan papunta sa harapan...

"Avisala...bati nya"

"Magbigay pugay..."
(sigaw ng mashnang si Aquil at agad lumuhod ang mga kawal tanda ng paggalang...)

Ngumiti si Nathan

"Ikinagagalak ko kayong makilala at handa akong iaalay ang aking buhay para mapanatili ang kapayaan ng kaharian ng Lireo".

"Ivo Live Sanggre Nathan ..."
(sigaw ni Hara Amihan na sinundan naman ng mga diwata at kawal ng Lireo..)

Abot tenga ang mga ngiti ni Lira..

"Mukhang masayang masaya ka pinsan..."(puna ni Mira)

"Natutuwa lamang ako sa naging pagtanggap ng mga diwata sa kanya..."

"Bakit hindi mo sya batiin...tiyak kong ikatutuwa nya yon...hindi mo ba napansin na waring kanina ka pa hinahanap ng mga mata nya..."

Bago pa man sya nakatanggi ay nahila na sya ni Mira papunta sa gitna ng bulwagan kung saan nakatayo ang ina nyang Hara at ang lalaking nagpatibok ng puso nya...

"Binabati ka namin Nathan..."
(sabay na turan ng dalawang diwani...)

"Avisala Eshma.."
(habang nakatuon kay Lira ang mga titig nito.)

Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon