"Ikaw na naman Nathan,sino ka ba talaga at kasinglakas naming mga bathala ang iyong kapangyarihan.?..(wika ni bathalumang Ether)
"Bakit hindi mo itanong sa minamahal mong bathala?
(Habang nakatingin si Nathan kay Bathalang Arde..)"Anong ibig ipahiwatig ng kanyang mga tinuran Arde..?(bumaling ito sa minamahal nyang bathala)
"Nililigaw lamang tayo ng Nathan na yan."
"Hindi ka ba nagtataka mahal na bathaluman kung bakit kakaiba ang kapangyarihan ni Gustavo?(muling tanong ni Nathan)
Mula pa man noon ay ipinagtaka yon ni Ether ngunit pinili nyang hwag alamin ang katotohanan.
Pero ngayong nandito na sa harapan nya ay panahon na upang kanya itong malaman.
"Magsalita ka Arde.
"Hwag mo syang pansinin,pinag away lamang nya tayo..,kung pagsanibin natin ang ating kapangyarihan ay natitiyak kong mapapaslang natin ang Nathan na yan..
Dahil mahal ni Ether si Arde kaya naman kanya itong sinunod ngunit inilabas ni Nathan ang kambal ng Inang brilyante na ikinagulat ng dalawa pagkat kanilang nabatid na itoy higit pang makapangyarihan kaysa sa inang brilyante.
Napatunayan ni Ether na may malaking sikreto sa pagkatao ni Nathan na kailangan nyang malaman.
"Nais mo bang mabatid kung sino ako?
O nais mong malaman kung sino si Gustavo?"Ssheda...(sigaw ni Arde)
Inutusan ni Nathan ang kambal ng inang brilyante na lumapit pa sa isang nilalang na nakakaalam sa pagkatao ni Gustavo.
At lumutang nga ang kumikinang na brilyante papunta sa kinaroroonan ni Hagorn.
Ramdam ni Hagorn na tila ba sya ay parang sinusunog.
"Tama na..sasabihin ko na."(sigaw ng nahihintakutang si Hagorn)
Kusang bumalik ang brilyante sa mga kamay ni Nathan,bagamat mas maliit ito ngunit katulad ng inang brilyante ay taglay pa rin nito ang kapangyarihan ng limang elemento..ang hangin,tubig,lupa,apoy at diwa.
"Tumigil ka Hagorn..(sigaw ni Arde)
Ngunit nagpatuloy si Hagorn...
"May alam ako mahal na bathaluman noong pinapunta nyo akong balaak,si Gustavo ay sinasamba doon ng kagaya ni Arde.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?
"Dala ng takot kaya pinili kong manahimik at baka hindi nyo ako paniwalaan..
"Magsalita ka Arde sino sya..
Ngunit nagmamatigas pa rin si Arde kaya naman kusang pinakita ni Nathan ang nakaraan na labis na ikina dismaya ni Ether.
Napaatras sya na tila ba nawawalan ng lakas.
"Minahal kita ngunit bakit mo ako niloko,"
Nilisan ni Ether ang lugar na yon,ayaw na nyang makipaglaban,nais nyang magpakalayo at pinagsisihan ang panahong sya ay nagmahal.
At napadpad sya sa gubat kung saan si Emre ang kanyang nakita.
"Pagtatawanan mo ba ako sa sinapit ko...
"Hindi yan ang sadya ko Ether,nais ko lamang sabihin sayo na lahat ng nagmamahal ay nasasaktan."
"Tulungan mo akong makalimot,at lumayo sa lugar na ito."
"Isa lamang ang paraan Ether, ang gawin kitang isang mortal,makakalimutan mo ang sakit at si Arde ngunit titira ka sa mundo ng mga tao at maaring makatagpo muli ng tunay na pagmamahal.
BINABASA MO ANG
Mahiwagang Puso
FanfictionThis is my own version of Enca, unexpectedly I became an Ybramihan,sa pagsisimula ng Engkantadia I admit na kinikilig talaga ako sa Alebarro ngunit sa paglipas ng mga araw at habang nagkakaeksena ang Ybramihan bigla nag iba ang aking gusto, mas nai...