Chapter 34(Finale part 1)

272 3 0
                                    

Ito ang araw ng pagbuklurin ng ayon sa batas ng Sapiro,ang itinakdang maging susunod na Hari at Reyna.

Masaya dapat ang dalawa,selebrasyon dapat ito na puno ng galak,ngunit para kina Alena at Ybrahim ito ang kamatayan ng kanilang mga puso.

Ito ang araw kung saan pinili nilang kalimutan ang sariling kapakanan,at isantabi ang kaligayahan para sa kapakanan ng nakararami.

Ang ganda ni Alena sa kanya kasuotan,tunay ngang isa syang Dyosang maituturing.

"Pumasok si Danaya sa silid kung saan inaayusan ang kapatid.

Nakikita nya ang repleksyon ng kanyang apwe sa malaking salamin.

Magara man ang panlabas nitong anyo ngunit mabanaag mo pa rin sa mata nya ang lungkot,tuluyan ng nilamon ng kalungkutan ang dati rating kumikislap na mata ng kapatid.

"Hindi ko batid kung mas tama bang bigkasin ko ang salitang "binabati kita aking apwe,o mas akma ang salitang ikinalulungkot ko ang yong sinapit Alena."

Mula sa likuran ay niyakap ni Danaya ang kapatid.

Pinigilan ni Alena ang luhang muli  na namang dumungaw sa sulok ng mata nya.

"Huwag mo akong alalahanin Danaya,ito ay nakatadhana sa akin,.

"Kung may magagawa lang ako para sayo.

"Ano ka ba,susubukan kong maging masaya(pilit syang ngumiti)

Napayapa naman si Danaya kaya iniwan na nya ang kapatid

Samantalang si Casper sa mundo ng mga mortal ay kasalukuyang nasa karagatan,kaya naman nyang utusan ang tubig na ipakita sa kanya ang kalagayan ni Alena ngunit pinigilan nya ang sarili na hwag yong gawin,dahil natakot syang maging dahilan lamang yon na labagin nya ang itinakda ng bathala para sa kanila.

"Avisala mahal na Rehav

Napalingon si Casper at kanyang nakita ang isang nilalang na may puting kasuotan.

"Sino po kayo??

"Ipinadala po ako ng Bathala para ipaalam sayo na kailangan mong magbalik ng Encantadia ngayon din.

"Paumanhin ngunit nais ko bang malaman ang dahilan.?

"Pagkat ikaw ang nakatakdang umupo sa trono at hindi si Ybrahim.

Lumulundag sa galak ang puso ni Casper ngunit ayaw nyang umaasa ng dahil lamang sa sinabi ng di kilalang nilalang sa harap nya.

"Tila yata hindi ka naniniwala sa aking tinuran.

Biglang lumitaw ang kanyang ina.

Isang napakagandang Dyosa na si Adora.

"Ina,(tumakbo si Casper at niyakap ang ina,)

"Magbalik na tayo sa mundo ng hiwaga,sasamahan ka namin ng yong Ama.

"Ama?

"Syang tunay anak,sya ang yong Ama.

"Walang dugong mortal na nananalaytay sa akin.?(di makapaniwalang turan nya)
Paanong nangyaring....

"Noong una pa man ay batid ko ng wala kang dugong mortal,natakot akong pati ikaw ay pandirihan ng iyong kinikilalang Ama,nanalangin ako kay Bathalang Emre na manatili ka sa aking sinapupunan sa loob ng siyam ng buwan kagaya ng mga tao at pinagbigyan nya ako.

"Ibig bang sabihin ay kahit nasa ilalim ka ng sumpa ay nakakapasok pa rin sa panaginip mo ang nilalang na to.

"Pagkat iniingatan pa rin ako ng bathala sa kabila ng aking pagkakasala.Alam kong nakakagulat ang katotohanang to para sayo ngunit anak naway tanggapin mo sya pagkat matagal ng nais ka nyang mayakap.

Nangilid ang luha ni Casper habang dahan dahang lumapit sa Ama,

"Ama,ikinagagalak kitang makilala.
(Sa wakas nasambit rin nya habang mahigpit na niyakap ang evtre)

"Kailangan na nating maglakbay bago paman maganap ang seremonya.,anak ipaalala ko lang sayo na sanay ilagay mo sa puso mo ang pagiging Rama,paglilingkuran mo ang mga Sapiryan ng buong buo,magiging Rama ka hindi lamang kay Alena kundi ng buong nasasakupan ng kaharian ng Sapiro

"Makakaasa po kayo Ama.

Itutuloy........

A/N
  Salamat sa matiyagang paghihintay ng update kahit medyo matagal

Sino ang Evtre na Ama pala ni Casper,mga Encantadiks makihula pagkat kilalang kilala sya sa Enca.?

Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon