Chapter 30(Misyon ni Nathan)

217 3 4
                                    

Sa Devas

Nakaupo si Nathan sa ilalim ng punong tinaguriang puno ng buhay..

"Kung kakainin ko ba ang isa sa bunga nito ay mababago ang aking tadhana?
(Tanong nya sa sarili)

Nakatingin sa di kalayuan si Bathalang Emre at ramdam nya ang pagkahabag sa anak...

Mula ng itoy magbalik sa Devas ay di na nya ito nakitaan ng sigla..

Madalas itong nasa lilim ng puno ng buhay...

Sa bawat pagluha ni Nathan ay bumubuhos din ang ulan sa mundo ng hiwaga..

At maging si Lira ay ramdam nya ang kalungkutan ng bathalang minamahal nya..

"Kung alam ko lang Nathan na  isa kang bathala,di sana hindi na ako sumubok na lapitan ka man lang.,
Agape Ave...kung ako man ang dahilan ng yong kalungkutan...(bulong ni Lira sa kawalan habang patuloy na sinasalo ang patak ng ulan gamit ang kanyang palad...)

Sa Devas

Nilapitan ng bathala ang anak

"Anak"..

Nagpahid sya ng luha bago humarap sa Amang bathala.

Gamit ang kapangyarihan ay pinakita ni Bathalang Emre si Lira na naliligo sa ulan habang sinasalo ng mga palad nito ang bawat patak..

Hindi mapigilan ni Nathan na lumuha at kita nya lalong lumalakas ang bawat patak na ulan.

"Kung binura mo ang alaala mo sa puso at isip nya hindi sya mahirapan ng ganyan..

"Patawad Ama ngunit hiniling ni Lira sa akin ang bagay na yan,ang alaala na lamang ng pag ibig namin ang meron sya hwag mo akong piliting tanggalin yon sa kanya.
"Nauunawaan ko ngunit hanggang kailan ka magiging ganyan?

"Ama hindi ko batid,ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi kayang burahin ng aking kapangyarihan.

"Hanggat hindi mo binura sa alaala ni Lira ang pagiging bahagi mo sa buhay nya ay hindi rin sya mabubura sa puso at isipan mo.

"Tulungan mo ako Ama,ito lamang ang tanging kahilingan ko sayo.,nagsusumamo ako sayo.

Nahabag si Bathalang Emre sa anak kaya naisipan nya itong bigyan ng misyon,isang misyon na kung sakaling mapagtagumpayan nya ay syang magdadala sa kanya pabalik ng Encantadia.

"Bibigyan kita ng isang misyon na kung mapagtagumpayan mo ay hahayaan kitang bumalik sa Encantadia,hindi bilang bathala kundi bilang ordinaryong diwata,mabubura ka sa isipan ni Lira at mabubura din sya sa isipan mo.

Ngunit anong saysay ng pagbalik ko kung hindi kami magkakakilala ni Lira.

Hwag kang mag alala pagkat pagtatagpuin ko kayong dalawa,dadaan kayo sa mga pagsubok bago nyo matagpuan ang wagas na pagmamahal sa piling ng isat isa.

Wala na bang ibang paraan Ama?

Isa kang bathala Nathan at kailangan  mo itong pagdaanan.

Kung ganon anong misyon ang kailangan kong gawin.

Ang subukin ang pagmamahalan ng apat na mahiwagang puso.

Apat na mahiwagang puso?
Sina Amihan at Ybrahim
Alina at Casper ba ang tinutukoy nyo.

Tama ka..

Pero Ama marami na po silang pinagdaanan,kulang pa ba lahat ng yon?

Ang tunay na pagmamahal kailanman ay di napapagod at yon ang ninais kong patunayan pa nila.


Anong mangyayari sa apat na mahiwagang puso gayong napipintong haharap na naman sila sa panibagong pagsubok.

Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon