Chapter 3(ang pagtatapat ni Ybrahim)

703 19 8
                                    

Nasa dakilang moog si Rehav Ybrahim kung saan tanaw nya ang kaharian ng Lireo,naisip pa rin nya ang sinabi ng Reyna tungkol sa engkantadong dayo na kasalukuyan nitong ikinulong...

Biglang dumating si Wantuk...

Biglang dumating si Wantuk

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Mahal na prinsipe.. alam mo na ba ang balita...

"Balitang ano....saan ka naman nagsusuot,

"Nagmanman ako sa paligid at naririnig kong usap usapan ng mga diwata ang bagong kapanalig nilang engkantado..

"Bagong kapanalig???

"Oo,pinakulong daw ito ng mahal na Reyna at pinalabas din...

"Hindi yan bago wantuk,nabanggit na yan ng mahal kong Reyna...

"Ang bago mahal na prinsipe,ay yong kanyang wangis,hindi ba naikwento ni Reyna Amihan kung gaano sya kakisig at ka gwapo...

Natigilan si Prinsipe Ybrahim...ipinagtaka nya kung bakit pinalaya ng ganon kabilis ng Reyna.

"Ang sinabi ng mahal kong Reyna ay nakita nya sa kanyang panaginip ang nasabing engkantado..

"Mahal mong Reyna??sinasabi ko sayo mahal na prinsipe,panahon na upang panindigan mo ang salitang mahal kong Reyna....

"Anong ibig mong ipakahulugan...

"Ipagtapat mo na ang tunay mong naramdaman..bago pa mahuli ang lahat...

"Ssheda Wantuk..

"Nagpaalala lang mahal na prinsipe,di bat sa panaginip din kayo unang nagkakilala ng mahal na Reyna...
Hindi kaya nakadaupang palad din ni Reyna Amihan sa panaginip ang nasabing Engkantado...

"Hindi ganyan ang pagkaintindi ko sa sinabi ng Reyna kaya pwede ba hwag mo akong gambalain at umalis ka sa harap ko...

"Sinabi mo eh...at umalis na rin si Wantuk...

Napaisip din si Ybrahim sa mga sinasabi ni Wantuk...kakayanin nga ba nya kung makikitang may ibang engkantadong magmamahal sa Reyna

Tama nga kaya itong kailangan na nyang ipaalam ang tunay nyang naramdaman

Maaring tama nga si Wantuk kaya naisip nyang puntahan si Amihan ...

Ngunit habang naglalakbay sya paroon ay nakita nya ang hara sa kagubatan...napapalibutan ito ng mga nilalang na ngayon pa lang nya nasilayan sa mundo nila...

Tinulungan ni Ybrahim ang hara...at sabay silang nakipaglaban ..hanggang sa kanilang madaig ang mga nilalang na yon...

"Nasaktan ka ba mahal kong Hara...

Umiling si Amihan..

"Alam ko naman pag nandyan ka hindi ako masasaktan ,pagkat ikaw ang aking lakas mahal kong Rehav..

Ngumiti si Ybrahim ng marinig ang mga katagang yon..

Akala nila tapos na ang laban ngunit isang dambuhalang Agila ang nag anyong tao sa harapan nila....

Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon