Chapter 29 ( pamamaalam part 2.)

216 3 1
                                    

Paglapat muli ng mga paa nila sa lupa ay nag iba ang wangis ni Nathan..

Pagtingala ni Lira ay hindi sya makapaniwala,

Ipinikit nya ang mga mata at muling dumilat katulad ng ginawa nya noong una nyang nasilayan ang ganitong wangis ni Nathan ngunit hindi ito bumabalik sa dati..

Kinusut kusot nya ang mata..

At dumilat muli ngunit wala pa ring nagbago..

"Hindi...niloloko lang ako ng paningin ko...

"Tingnan mo ako Lira..."(utos ni Nathan)

Ngunit hindi ito sinunod ng huli.

"Hindi...hin..di..kita kayang tingnan.."

Hinawakan ni Nathan ang magkabilang balikat nya...at pinilit na pagmasdan ang wangis nya..

"Ito ang totoong ako,pagmasdan mo ang totoong ako..

Humagulhol si Lira at inilayo ang sarili kay Nathan..

"Si Bathalumang Ether ka,niloloko mo ako,ginaya mo ang wangis ng mahal ko,pero hindi na ako mabilis utuin kagaya ng dati..

"Lira marami ng nagbago sa mundong ito kasama na doon ang bathaluman at paano nya ako magagaya gayong wala na sya sa Encantadia.

"Paano?Bakit?"

Mga tanong na lumalabas sa bibig ni Lira.

"Hindi ko rin alam Lira,pero maniwala kang totoong minahal kita,at kung alam ko lang ang totoo sa simula ay hindi ko hahayaang mahulog ka sa akin at ganon din ako sayo.."

"Paano na tayo.."

"Ito na ang huli nating pagkikita,pagkat babalik na ako sa Devas,ang aking tahanan.at isang bawal na pag ibig ang meron tayo,kaya kailangan kong burahin ang alaalang meron tayo."

"Ang alaala mo na lang ang meron ako pati ba naman yon ay ipagkakait mo.?

"Lira habang nandyan ako sa puso't isip mo kailan man ay manatili ang sakit na nararamdam mo..

"Nathan ang sakit ay kaparte ng pagmamahal ..,pero kung pati ang magandang alaala ay mabubura mas gugustuhin kong pareho silang manatili sa aking alaala.

"Pero Lira..."

"Parang awa mo na,ito lamang ang hihilingin ko sayo.."

"Paano ka magmahal muli kung hindi mo ako makalimutan..

"Panahon lamang ang makapagpasya kung magmahal ba akong muli Nathan.."

"Kapag hindi ko tinanggal ang mga alaala nating dalawa...walang katapusang sakit ang pareho nating pagdaanan,sa bawat pagluha ko sa Devas,mararamdaman mo yon dito sa Encantadia,at hindi ko maipapangako sayong hindi ako luluha,paano ka magiging masaya..

"Natatakot ka ba?

"Hindi para akin Lira,natatakot ako para sayo,paano mo kakayanin ang lahat?

"Hwag kang magalala,kakayanin ko Nathan,sa bawat patak ng luha mo,iisipin ko ang mga sandaling masaya tayo..

"Kung ganon  ay ipagkaloob  ko ang yong kahilingan...Paalam Lira ...Paalam mahal ko..

At tuluyan na ngang naglaho si Nathan sa paningin nya...

"Paalam Nathan...(sambit ni Lira sa kawalan..)

Bumuhos ang ulan na noong una ay mga patak lamang hanggang sa itoy palakas ng palakas..

Batid ni Lira na ito na marahil ang luha ng bathalang minahal nya...

Niyakap nya ang sarili sa sobrang pangungulila habang inalala ang masayang sandaling pinagsaluhan nila..

Hanggang sa syay nawalan ng malay
Mabuti na lamang at nandoon ang ama nyang si Ybrahim upang sya ay saluhin...

Kinarga sya ng Ama at dinala sa silid nya sa kaharian ng Lireo kung saan naghihintay ang ina nyang si Hara Amihan.




Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon