Chapter 1 part 2(Galit ni Hagorn)

529 12 1
                                    

Author's Note: Hello sa mga nagbabasa ng kwentong ito,as i've said earlier,sinulat ko 'to for fun,,kaya anumang character na hindi nyo kilala ay bunga lamang ng aking imahinasyon maging ang bagong kaharian  na naisulat ko dito ay wala sa orihinal na kwento,
Nagsimula ang kwentong ito sa pagpasok ng isang bagong Rehav na konektado sa nakaraan ng sapiro,at pagpasok nya sa mundo ng Encantadia,marami na ang nagaganap,kagaya na lamang ng pag upo ni Minea bilang Reyna,paghati ni Cassiopea sa inang Brilyante,at sa pagpamahagi nito sa apat na kaharian,ang digmaan dahil sa agawan ng brilyante,ang pagbigay ng brilyante sa apat na sanggre bilang tagapangalaga,ang paghirang kay sanggre amihan bilang bagong Reyna kapalit ng kanilang ina at ang pagtataksil  ni Pirena sa kapatid para maagaw ang korona ng lireo,maging ang pag ibig at kasawian ni Alena,sa mga encantadiks alam kong alam nyo na lahat kaya hindi ko na isa isahin...

Maligayang pagbabasa mga apwe

Bumalik si Hagorn sa kaharian ng Hathoria....matapos nyang umatras sa laban nila ni Alena..

"Panginoon mas lalo pong nabawasan ang ating kawal dahil sa napaslang lahat ni Alena ang kasama natin kanina....(puna ni Gurna)

"Hindi ako papayag na tayo'y matatalo sa labanang to,babalikan ko sila at bibigyan ko sila ng laban na hinahanap nila...

"Ngunit paano panginoon,lalo pat may bago silang kapanalig na mukhang mas malakas ang kapangyarihan...

Sinakal ni Hagorn si Gurna

"Ako pa rin ang pinakamalakas sa buong encantadia dahil sa dalawang brilyanteng hawak ko...

Nilabas ito ni Hagorn,ngunit ....

"Anong nangyari sa ikalimang brilyante...(napansin ni Agane ang biyak ng brilyante)

"Panginoon sumabog yan kanina noong hinagisan ka ng hugis bolang
tubig  ng engkantadong dayo...

"Maaaring yon ang dahilan ng pagkabiyak ng kapirasong brilyante...

Sinubukan ni Hagorn na palabasin ang kambal diwa ngunit hindi na ito sinusunod ng brilyante...

Nagngingit sa galit si Hagorn at agad pumunta kay bathalumang Ether..

"Alam ko na kung bakit ka naparito Hagorn...

"Nililinlang ako ng mga diwata at kokonti na lang ang natitira kong kawal,paano ko pa sila malalabanan.

"Hindi lang yan ang suliranin mo Hagorn

Nilabas ni Hagorn ang ikalimang brilyante...

"Hagorn ang kapirasong brilyante mo ay hawak ng engkantadong dayo..

"At sino siya at anong taglay nyang kapangyarihan...

"Hindi sya ordinaryong kalaban hagorn dahil higit pa sa mga brilyante  ang taglay nyang kapangyarihan.,sumusunod ang tubig sa anumang ipinag uutos nya,lalo pa ngayon higit syang mas malakas dahil hawak nya ang kapiraso ng brilyante ng tubig...

"Paano ko sya matatalo..,at saan nya nakukuha ang ganong klaseng kapangyarihan...

"Mula sa ina nyang diwani ng sapiro...

"Bakit wala kaming maalala na may isang diwaning Sapirian...

"Sapagkat umibig sya sa isang mortal na ipinagbabawal ng bathalang emre,kaya syay sinumpa at tinanggal ang kasaysayan nila sa Encantadia..

"Kung ganon hindi ko dapat katakutan ang isinumpang nilalang ng sarili nilang bathala..

"Hindi maabot ng aking kapangyarihan kung paano natanggal ang sumpa Hagorn ngunit nakakatitiyak kong taglay ng engkantadong nakalaban mo ang kapangyarihan ng ina nya,ang pagkabiyak ng iyong brilyante ay isa lamang patunay ng kanyang lakas,kaya kailangan mo tong paghandaan..

"Paano ko sya matatalo..

"Kailangan mo syang makumbinseng aanib sayong pwersa.

"Paano ko yon gagawin....

"Hindi mo yon magawa ng ganon  kabilis,
Kailangan mo ng tulong ng isang malakas na pwersa ng kaharian..."

"Anong kaharian ang tinutukoy mo...

"Maliban sa apat ay may isa pang kaharian na nakatayo sa dulo ng lupain ng encantadia..

"Ngunit bakit walang nakakaalam nito..

"Sapagkat walang nangahas tawirin ang nagliliyab na apoy na nakapalibot sa nasabing kaharian...

"Kung gayon magtungo ako ngayon din upang hingin ang kanilang tulong..

"Hindi na kailangan hagorn dahil bagamat si Arde ang sinasamba nilang bathala ay kinilala pa rin nila ako bilang bathaluman...kaya anumang oras ay pwede ko syang tawagin at hindi ka pa man dumating ay tinawag ko na sya..

Mayamaya ay lumapag ang isang dambuhalang Agila at nag anyong tao pagkatapos..

"Anong maipaglilingkod ko sayo bathalumang Ether...

"Ang alagad kong si Hagorn ay nangangailangan ng yong tulong...

Yumuko si Hagorn tanda ng pagkilala nya sa bagong kapanalig.

At inabot ang kamay nya rito..

"Ako si Hagorn ang hari ng Hathoria..

"Avisala hari ng hathoria ako si Gustavo ang hari ng Ardenia,ang mga nilalang na sumasamba kay bathalang Arde...

"Akoy nagsusumamo ng yong tulong,bigyan mo ako ng pulutong ng mga kawal na maari kong magamit upang mapabagsak ko ang kaharian ng Lireo..

"Ngayon din ibibigay ko sayo ang yong hinihiling,ipapadala ko sya sa yong kaharian...

"Avisala Eshma kaibigan...

At nag anyong agila muli si Gustavo at lumipad pabalik sa kanyang kaharian..

Agad bumalik ng Hathoria si Hagorn,

Nasaan na ang tulong ng bathaluman Panginoon...

Maghintay lamang kayo dahil natitiyak kong bago pumutok ang liwanag ng araw ay nandirito na sila...

Hindi nga nagkamali si Hagorn dahil isang napakadaming kawal ng Ardenia ang dumating,at walang mga diwatang nakakaalam na nagsimula ng maghanda si Hagorn sa isang malaking digmaan...sapagkat pinaslang ng hari ng hathoria ang mga kawal ng lireo na nagmamanman sa kaharian.

Ipinag utos ni Hagorn na manahimik muna sila hanggang sa itinakdang araw ng kanilang paglusob.

Author's Note:Yong next chapter pala ay CasLena moments,sa chapter 3 na po ang Ybramihan moments at susunod ang natatakdang paghaharap ng dalawang Rehav...

Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon