Lumipas ang mga araw na naging magkalapit ang Rehav at ang Sanggre,hanggang sa isang araw ay dumating si Cassiopea sa kuta ni Alena..
"Ano't naparito ka Cassiopea...
"Hindi mo dapat ginawang itago sa iyong mga apwe ang engkantadong dayo.
"Hindi ko sya tinago Mata"..
"Ngunit ano ang yong ginawa,bakit mo sya pinagkatiwalaan gayong hindi mo batid ang kanyang pagkatao...
"Niligtas nya ang buhay ko,hindi pa ba sapat yon para magtiwala ako...
"Alena,wala akong makikita sa nakaraan nya,maging ang kanyang hinaharap kaya mas nakabubuting isuko mo sya sa yong mga kapatid...
At naglaho si Cassiopea..
Hindi naman mahanap ni Alena si Casper sa paligid kaya pinuntahan nya ang batis kung saan una silang nagkita....
"Dito lang pala kita matagpuan...
"Na miss mo ako no...
"Ayusin mo ang yong pananalita at di kita mauunawaan..
Kay ganda ng himig ng iyong kinakanta,
Turo ni Ina noong nabubuhay pa sya
Maaari mo bang ituro sa akin?
Nakatitig lang si Casper sa mga mata ng Sang gre...
"Dahil mahalaga ka sa akin...maaring ituro ko sayo...
Mahalaga ako sayo??
Oo naman,ikaw ang unang diwatang nakilala ko ..
Pero wala sa pag aaral ng awitin ang isip ni Alena kundi sa mga sinabi ni Cassiopea...bagay na napansin agad ni Casper....
"Mukhang nag alala ka,anong bumabagabag sayo mahal kong sanggre...
"Nagpunta si Cassiopea sa kuta...
"Cassiopea??
"Sya ang sinaunang Reyna ng Lireo..
Cassiopea...parang narinig ko na ang pangalan nya....
Tila nag iisip si Casper...
Alam ko na,nabanggit ni Ina si Cassiopea,anak nya si Sanggre Ursula...
"Sanggre Ursula...????
"Oo,hindi mo alam...
"Ngunit walang anak si Cassiopea,kaya nga si Ina ang nagmana sa kanyang korona...
"Hindi ko matukoy kung sa anong kadahilanan at nabura sa kasaysayan ng mundong ito ang aking ina at ang anak ni Cassiopea...
Hindi ko batid kong kailan ka maalala ng lahat pero may isa pang paraan,magtungo tayo sa Lireo ngayon din...
Sa pamamagitan ng Evictus ay nakarating agad sila sa Lireo....
Subalit hindi pinapasok ng mga kawal si Casper
"Siya'y aking kaibigan kaya ipinag uutos kong papasukin nyo kami.
"Poltre mahal na sang gre ngunit utos ng Reyna na hwag magpapasok ng kahit sinong Encantadong dayo..
"Nagpaiwan na lang si Casper sa labas at habang hinihintay ang pagbalik ni Alena...ay dumating ang mashna ng mga kawal na si Muros...
"Teka anong kasalanan ko ...
"Utos ng Reyna...
"Hindi nyo ba alam kasama ako ng inyong Sang'gre.
Hindi nagsalita si Muros bagkus pinasok si Casper sa isang silid kung saan dating nakakulong ang dating mashnang si Aquil.,pagkatapos ay nilagyan ng tanikalang bakal ..
BINABASA MO ANG
Mahiwagang Puso
FanfictionThis is my own version of Enca, unexpectedly I became an Ybramihan,sa pagsisimula ng Engkantadia I admit na kinikilig talaga ako sa Alebarro ngunit sa paglipas ng mga araw at habang nagkakaeksena ang Ybramihan bigla nag iba ang aking gusto, mas nai...