Si Amihan...ang hara ng Lireo
Ramdam ng hara ang lungkot ng umalis ang dalawang nyang anak,
Kahit pa si Pirena ang totoong ina ni Mira ay minahal pa rin ito ni Amihan bilang tunay nyang anak....Nasa balkonahe sya ng kaharian ng lapitan ni sanggre Alena...
"Hara Amihan,tila yata kay lungkot mo...kung ganito rin lang ang maramdaman mo,bakit hindi mo na lang sila pabalikin dito...hayaan nating sina Muros at Aquil ang magsanay sa dalawa habang wala si Nathan,at sa oras ng pagbalik nya...ipagpatuloy nila ang pagsasanay..
"Alena hwag mo akong alalahanin,bukod sa nais ko silang maging magaling na mandirigma ng Lireo at magiging dakilang mga sanggre ay nais ko rin silang ilayo sa panganib na paparating...sila ang kinabukasan ng Encantadia...
"Anong ibig mong sabihin?
"Naramdaman ko ang nagbabadyang panganib,tila ba maraming buhay ang mawawala...
"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?bakit hindi natin itanong kay mata...
"Natatakot ako Alena,malinaw sa panaginip ko ang maaring magaganap...dadanak ang dugo sa mundo ng hiwaga...narinig ko ang boses ni Lira na sumisigaw at tumatangis...at kung ako man ang nakatakdang mamaalam,ayokong makita ni Lira ang aking sinapit,mas masakit yon para sa kanya...
"Kaya mo sila pinaglapit ni Nathan...tama ba ako Amihan...
Tumulo ang luha ng hara...
Niyakap sya ni Alena...
"Mali ba ang ginawa ko?bilang ina batid kong si Nathan ang maaring papawi sa kalungkutan ng pinakamamahal kong anak...kung sakali mang akoy mawala.
"Nauunawaan kita,pero di ba dapat ipaalam natin ito sa lahat ng sa gayon ay makapaghanda tayo...kung anong uri ng panganib ang ating harapin ay dapat natin itong paghandaan...
"Hwag mo na sa ngayon Alena nais ko munang makasiguro...at isa pa ay kokonti na lang naman ang mga kawal ni Hagorn..hintayin muna natin ang ulat ng mga kawal nating nagmanman sa hathoria...pagkatapos ay samahan mo ako sa kuta ni Cassiopea...
"Masusunod hara...
*************
Sina Mira at Lira
BINABASA MO ANG
Mahiwagang Puso
FanfictionThis is my own version of Enca, unexpectedly I became an Ybramihan,sa pagsisimula ng Engkantadia I admit na kinikilig talaga ako sa Alebarro ngunit sa paglipas ng mga araw at habang nagkakaeksena ang Ybramihan bigla nag iba ang aking gusto, mas nai...