Part 3

375 13 15
                                    

Nagising si Lira na buong akala nya nasa Devas na sya,lalo pa't himalang naghilom ang mga sugat nya...

Bumangon sya at tiningnan ang mga braso nya,ngunit wala ni bakas ng sugat syang nasilayan...

Nakita nya ang ashti nyang nasa sulok

"Ashti nasa Devas na ba tayo,patay na tayo di ba?

Nilibot nya ang mga mata nya,

"Teka bat napapalibutan tayo ng apoy,ibig bang sabihin nito nasa Balaak tayo...

"Ssheda Lira,wala tayo sa Devas,wala rin tayo sa balaak...

"Kung ganon,anong lugar to,hwag mong sabihin pareho sa pinaniniwalaan ng mga tao,nasa purgatory tayo...

"Anong purgatory na sinasabi mo,hindi kita nauunawaan ...hindi mo ba naalala ang kwartong to,nasa piitan pa rin tayo sa kaharian ng Ardenia.,mas marami nga lang apoy,siniguro nilang hindi tayo makatakas...

"At least buhay tayo may pag asa pang makaligtas tayo..(tuwang sabi ni Lira habang niyakap sa likuran ang kanyang ashti...

"Ikaw lang tong bihag na nakangiti pa rin,kung sabagay hindi ka ordinaryong diwata Lira..

"Ashti talaga...patawa...syempre hindi ako ordinaryong diwata dahil isa akong diwani...anak ako ng Reyna ng Lireo at Rehav ng Sapiro...

"Hindi yon ang ibig kong sabihin...

"Eh..ano....wala namang espesyal sa akin,pati pag gamit ng Espada,hindi nga ako bihasa.

"Ngunit nagliwanag yong mga mata mo ,noong tumingala ka at tinitigan sa mata yong engkantadong may hawak ng instrumento...

"Na remember ko yon ashti,yong gwapong white hair na yon,

"Magseryoso ka nga, kung anong pinagsasabi mo...

"Ito naman oh...ano ba kasi ang sinasabi mong liwanag...wala akong alam sa magic magic na yan eh...

"Matapos mo kasing titigan ang engkantadong yon ,at bumagsak ka,tumugtog syang muli at ang enerhiya ng himig na mula dun ay hindi na masakit sa tenga,kitang kita ko na yon din ang dahilan ng paghilom ng mga sugat mo..

"Weeh di nga...ibig sabihin may powers ako na baguhin ang puso ng masamang nilalang..eh...di sana noon ko pa ginamit at ng hindi sana umabot pa sa ganito ang hidwaan ninyong magkapatid..

"Anong sabi mo?

"Ay wala ashti,malay mo tinulungan tayo ng bathalang Emre,taimtim kaya akong nagdasal noong panahon yon.,at yong liwanag na sinasabi mo ,galing yon sa kanya...

Napaisip din si Pirena sa sinabi ng kanyang hadia...

"Mabuti pa,magpahinga ka na..

Ipinikit ni Pirena ang mga mata nya,nais nyang kalimutan pansamantala ang kalagayan nila,umaasa syang bukas ay makaisip sya ng paraan upang silay makatakas...

Samantalang si Lira ay hindi makatulog,naisip pa rin nya ang inay at itay nya...

"Sandali ko pa nga lang sila nakakasama ngunit heto na naman ako,mahal na Emre ako na yata ang pambansang bihag ng Encantadia,ito ba talaga kapalaran ko?

Hindi nya mapigilang umiyak ....nakakaramdam din sya ng takot na baka ito na ang huling pagkabihag nya at maaring ito na ang katapusan nya.

"Nay.....Tay....miss ko na kayo....

Naisip ni Lira ang umawit,umaasang dalhin ng hangin ang himig nya upang yakapin ang pinakamamahal nyang ina..

"Hindi ko alam ina kung magkikita pa pa ba tayo,hindi ko alam kung makakaligtas pa kami ni Ashti Pirena sa nag aapoy na piitang to...
   

Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon