Chapter 10 part 2

426 14 5
                                    

Magaling Merethea,akoy natutuwa at matagumpay kong naisalin sayo ang kapangyarihang diktahan ang isip ng kahit na sinumang nilalang dito sa Encantadia,naway magamit mo to upang makuha ang lahat ng mga brilyante...at upang diktahan ang isipan ng yong kapatid na sa mga oras na to ay nagsisimula ng lumalambot ang puso...

"Avisala Eshma bathalumang Ether...makakaasa kang gagamitin ko ang kapangyarihang handog mo upang maangkin ko ang lahat na mga brilyante...paano po ang hari ng Hathoria..

"Ako ng bahala kay Hagorn...humayo ka na at sa mga oras na to ay hinihintay ka na ng ama mong hari...

Nag evictus si Merethea pabalik ng Ardenia...

Samantalang sa kaharian kung saan nakakulong ang dalawang diwata...

Wala pa ring malay si Lira,hindi batid ni Pirena kung anong kapangyarihang gamit ang hari at hindi parin magising gising ang hadia kahit anong gawin nya...

Hanggang sa maramdaman nyang may pumapasok sa piitang kanilang kinaroroonan.

At silay inilalabas muli,kasama ang walang malay na si Lira...

Nagising naman to ng ginamit ni Gustavo ang kapangyarihan nya...

Hindi akalain ni Pirena na ganito kamakapangyarihan ang bagong kalaban ng mga diwata...ngayon lang nya naisip na sa ganitong pagkakataon kailangan nilang magsanib pwersa...

"Ashti nandito ka din...

"Ang walang hiya kung ama,ang nagdala sa akin dito,akala nya mapagkatiwalaan ang mga yan,ngayon nasa kanila na ang dalawang brilyante...

Ano?

"At kinuha nila yon ng walang kahirap hirap....

Nasa gitna na ng bulwagan si Merethea at ipinag utos nitong tanggalin ang tanikalang nakagapos kay Lira...

Takot man sa loob ay pinili nyang magpakatatag...

Inabot sa kanya ang sandata...

At nagsimula ng maglaban ang dalawa na ikinabahala ni Pirena,batid nyang hindi pa ganon kabihasa si Lira sa paggamit ng Espada..

Panay ang naging pag atake ni Merethea na naiilagan naman ni Lira,ngunit pansin ni Pirena na hindi umaatake ang kanyang hadia,sinasalag lamang nito ang Espada ng katunggali nya...

"lumaban ka...(udyok ni Merethea)

"Bakit pa kasi kailangan nating magpatayan,pwede naman tayong mamuhay ng mapayapa kahit na may kanya kanya tayong bathala na sinasampalataya...

Dinig yon ng isip ni Nathan,lahat ng nangyayari sa bulwagan ay dinig ng kanyang isipan...

Ngunit sarado ang isip ni Merethea pagkat alipin sya ng kapangyarihan ng Ama bagamat isang mabuti at makapangyarihang sanggre ang pinanggalingan nya...

Sa muling pag atake nito ay lalo pa itong naging mabangis...at sa kasamang palad ay tinamaan sa likod si Lira...

Napasigaw si Pirena,gusto nyang tulungan ang kanyang hadia ngunit wala syang nagawa pagkat syay nakagapos...

Mga halakhak naman ni Gustavo ang umalingawngaw sa buong kaharian ng Ardenia....na sinabayan pa ng kanyang mashna at mga kawal ..

"Ivo Live Merethea...(sigaw ng lahat)

Pilit tumayo ni Lira...ngunit isa pang hampas ng Espada ang tumama sa mga braso nya...at tuluyan na nga syang bumagsak ..

"Tama na...(sigaw ni Pirena)
Ako ang harapin mo,isa kang duwag,sa tingin mo ba ikararangal mo ang pumaslang ng isang diwani na hindi pa bihasa sa paghawak ng sandata?Ako na isang sanggre ang dapat mong harapin...

Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon