Chapter 7 part 2

346 11 8
                                    

Lumipad ang dambuhalang Agila patungo sa kinaroroonan ng sanggreng kanyang ikinulong ng mahabang panahon

Sa ikapitong bundok sa mundo ng mga tao,na kung tawagin ay bundok ng Olympus.

Ang sanggre na anak ni Cassiopea,si Sanggre Ursula...

Dito rin nya nararanasan ang kalupitan ng hari ng Ardenia,

"Avisala...makasalanang sanggre...(bati ni Gustavo)

"Anong ginagawa mo dito?

"Binisita ko lang naman ang aking bihag...

"Parang awa muna Pakawalan muna ako dito....

"At bakit ko yon gagawin...

"Wala kang mapapala sa pagkulong mo sa akin,

"Meron...at inabot nito ang instrumentong hawak...

"Paano napunta sayo yan

"Hawak ko ang anak mong si Nathan....

"Pati yong panganay ko,hinubog mo rin syang maging masama....

"Ibalik mo sya sa akin....

"Sa hitsurang mong yan,sa tingin mo kikilalanin ka ng anak mo...ako ang kinikilala nyang Ama...

"Pashneya ka Gustavo,pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa akin...

"At sinong magpaparusa sa akin ha,ang kinikilala mong bathala,tingnan mo ang sarili mo Ursula at sabihin mo sa akin kung pinapakinggan pa ba ng pinaniwalaan mong bathala ang mga panalangin mo...

"Natitiyak kong sa kabila ng lahat,hindi man ngayon ngunit natitiyak kong nakikita nya ako at isang araw mahahabag sya sa kalagayan ko.. isang mapagpatawad na bathala si Emre...

"Hwag ka ng umasa pa,isumpa mo ang bathala mo at sambahin mo si Bathalang Arde,tinitiyak ko sayo palalayain kita at makakasama mo ang panganay mong si Nathan,at ipakikilala kita sa anak nating si Merethea....

"Merethea ang kanyang ngalan?

"Tama,si Merethea ang aking tagapagmana...at tumawa ng malakas si Gustavo...

"Parang awa mo,palayain mo sila sa kasamaan mo,hwag mo silang gamitin sa sarili mong ambisyon...

"Balang araw paghaharian ko hindi lang ang Encantadia kundi ang buong daigdig at maisakatuparan ko lamang yon sa tulong ng mga anak mo...kaya ngayon alam kong may engkantasyon ang instrumentong ito kayat inuutusan kitang tanggalin mo upang magamit ko to at ni Merethea.

"Hindi,mamamatay na muna ako bago ko gawin yan,tanging ako lang o si Nathan ang makakagamit nyan at natitiyak ko sayo na sa tuwing lalambot ang puso ng anak ko ay hindi mo mapakinabangan yan sapagkat ang himig nyan ay hindi makakapinsala ng kahit na sino kung may mabuting puso ang tumutugtog nyan...

"Kung ganon ay titiyakin ko sayong mapupuno ng poot at galit ang puso ni Nathan,itatanim ko sa utak nya na pinaslang ng mga diwata ang ina nila ni Merethea,si Nathan ang papatay sa lahi mo Ursula at pati na rin sayong ina....

"Hindi ka magtatagumpay Gustavo dahil tinitiyak ko sayo na may isang mas makapangyarihang pwedeng lumaban sayo at sya ang magbabalik kay Nathan sa panig ng kabutihan...

"Sinong tinutukoy mo,ang mga sanggreng namumuno sa Lireo ngayon....

"Ang inang Brilyante na hawak ni Ina...alam kong yon ang makakatalo sa kapangyarihan mo.

"Kawawang Ursula,walang kaalam alam,biniyak ng ina mo ang inang brilyante,at tatlo lamang sa mga parte nun ang hawak ng mga sanggre...

Hindi makapaniwala si Ursula sa narinig...

"Dalawa sa mga yon ay hawak ni Hagorn,ang hari ng Hathoria...

Nabuhayan ng loob si Ursula...

"Alam kong mabuti ang puso ni Hagorn...

"Noon yon Ursula,si Hagorn ay isa ng mahigpit na kaaway ng mga diwata,at magkasangga na kaming dalawa,

Naglaho ang natitira nyang pag asa...pero naisip nya ang kaibigang si Adora...kung nagkaanak man ito,tiyak nyang malaki ang maitulong nito dahil kapanalig ng Lireo ang Sapiro...ngunit paano kung nakuha rin ni Gustavo ang anak ni Adora...
At paano kung nagdesisyon rin itong sundin ang pinayo nya nun na kumbinsihin ang asawang nitong hwag magkaanak upang hindi matulad sa kanya...

"Alam kong hindi kami pababayaan ng bathalang aming sinasamba...

"Wala ring nagawa si Gustavo,kundi iwan si Ursula...hindi pa panahon upang kanya itong paslangin...

Lumipad syang muli pabalik sa kinaroroonan nina Nathan at Merethea...

Tanging dasal lamang ang magagawa ni Ursula....

Pagdating ni Gustavo ay pinatawag nya muli ang 2 anak...

"Ngayon  na ang takdang panahon na dadalhin ko kayo sa totoo ninyong mundo,kagaya ng sinabi ko noon,ipaghiganti ninyo ang kasawian ng inyong ina na pinaslang ng mga diwata,buburahin natin sa mundo ng hiwaga ang lahi nila...

Nagkatinginan sina Nathan at Merethea...samantalang sa bundok ng Olympus ay di pa rin sumusuko sa paghingi ng tulong sa bathalang kanyang sinasamba...si Ursula...

"Mahabaging Emre,ako bay kinalimutan mo na,...sabi ni Ina noon na ang pangalan kong Ursula ay hango sa nagliliwanag na bituin ngunit tila wala na akong makikitang liwanag ng bukas....nagmamakaawa ako sayo,ako na lang ang parusahan mo sa mga kasalanan ko,hwag ang mga anak ko...

Mula sa Devas ay natatanaw ito ng bathala...at ng kaibigan nyang si Adora...

"Mahal na Emre hayaan mong tulungan ko ang kaibigan ko....

"Kailangan itong mangyari sa kanya Adora ng sa gayon ay manumbalik ang pagiging dalisay ng puso nya at magiging karapat dapat syang pumasok dito sa Devas...

"Ngunit paano ang kanyang anak,hayaan mo na lang bang papaslangin nito lahat ng mga diwatang nanalig sayo..

"Sapat na ang dalawang haliging ibinigay ko,mga matibay na haliging sasandalan ng mga sanggre....

"Sino ang tinutukoy mo mahal na Emre...

"Ang dalawang Rehav ng Sapiro,sapat na ang taglay nilang kapangyarihan upang labanan ang pwersa ng hari ng Ardenia...sa ngayon ay hindi pa batid ni Ybrahim ang kapangyarihan nyang taglay ngunit sa tulong ni Casper...tinitiyak ko sayo...magagapi nila ang kanilang kalaban...

"Paano si Nathan

"Mahahanap din nya ang daan pabalik sa kabutihan...

Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon