Chapter 26(katotohanan sa pagkatao ni Nathan)

247 7 2
                                    

Author's Note: To my readers na gustong mabatid ang pinagmulan ni Nathan...isa nga ba syang diwata o isang bathala...

Humakbang na sya papasok ng Devas ...ang banal na tahanan ni Bathalang Emre at ng mga mabubuting engkantado na namayapa...

Lumingon sya at nakita nya ang pagkaway ni Amihan...

Nagsara ang pintuan ng Devas....at natagpuan nya ang sarili kaharap ang isang nilalang na bata pa lang sya ay laman na ng kanyang panaginip...

Isang nilalang na sa panaginip nya ay tinatawag syang anak...

"Sino kayo...kayo ba ang bantay ng Devas...

"Hindi ako ang bantay sa tahanang banal..pagkat ako ang nagmamay ari nito...

Napatitig sya sa nag aapoy nitong imahen...at hindi sya makapaniwala...

Noong umapak sya ng Lireo..at nakita ang imahen ng bathalang Emre ayaw paniwalaan ng utak nya lalo pa't madalas nyang nakita ang sarili sa salamin na kawangis ng nilalang na nasa kanyang harapan...

"Kung ganon...kayo si Bathalang Emre...

"Syang tunay Nathan....nagagalak ako at sa wakas ay nandito ka na sa aking tahanan...ang lugar kung saan ka nararapat....

"Anong ibig mong sabihin..ano ang kaugnayan ko sayo?bakit bata pa lang ako ay laman ka na ng panaginip ko...

"Bata ka pa lang sinasamahan na kita,..

"Ngunit bakit?

"Pagkat ikaw ay anak ko....

Hindi makapaniwala si Nathan...tumulo ang luha nya...ngayon nya naintindihan...na kaya pala lahat ng elemento ay kaya nyang diktahan...

"Paano nangyaring anak ako ng bathala...mula sa pagiging anak ng mortal...dumating si Gustavo at inangkin akong anak...naniwala akong isa akong engkantadong buo na may pinaghalong dugo ng isang diwata at Sapiryan...tapos ngayon malalaman kong anak ako ng bathala...

"Yon ang katotohanan sa pagkatao mo...ginamit ko ang kapangyarihan ko upang buhayin ka sa sinapupunan ng yong ina,

"Ngunit bakit...pinarusahan mo na si Ina pagkat nagmahal sya ng mortal...

"Ginawa ko yon para sa kaligtasan ng engkantadia...

"Kaligtasan ng Encantadia ?pwedeng linawin nyo at mas lalo akong naguguluhan...

Noong ipinangank si Gustavo ay lubos akong nabahala sa kinabukasan ng Mundo ng hiwaga...ngunit nagawa ng ina nyang ilayo sya sa Ama nya at sa tulong ni Cassiopea ay naitago nila ang pagkakilanlan ni Gustavo....isinakripisyo ng ina nya ang sariling buhay upang itago ang anak nya....lumaki si Gustavo na naniniwalang anak sya ng Rama ng Sapiro...ngunit nalaman nya bandang huli noong nilisan ni Prinsesa Adora ang mundo ng Encantadia at piniling mamuhay sa mundo ng mga mortal...noong panahong yon napasailalim ang buong daigdig ng Encantadia sa isang sumpa mula sa akin,at sa halip na sa ampon nyang si Gustavo mapunta ang trono ay pinili ni Rhodoro na ibigay ito sa tapat nyang mashna na si Armeo...

"Anong kinalaman ko sa lahat ng mga pangyayaring yan,apo ako ng sinaunang Hara ng Lireo,at wala akong anumang kaugnayan sa kaharian ng Sapiro..

"Syang tunay,ngunit ang dalawang kaharian ay parehong nasa mundo ng hiwaga....ang encantadia na nanganganib mapasakamay sa bathala ng balaak...

Hindi pa rin maunawaan ni Nathan ang ibig ipahiwatig ng bathalang nasa harapan nya...

"Batid kong mahirap maunawaan ngunit binuo kita upang iligtas ang Encantadia...ikaw lang ang makakapaslang kay Gustavo...kailan man ay hindi sya mapapaslang ng mga diwata,kahit pa sa isang tulad ni Amihan...o maging si Cassiopea...

Naalala nga yon ni Nathan ng saksakin ng kanyang Ila si Gustavo ay bumangon lamang ito na parang walang nangyari...

Ngunit anong meron ako...at anong meron sya...

Si Gustavo ay may proteksyon mula kay bathalang Arde...ang kanyang tunay ng Ama...

At ako...

Sinabi ko na...ikaw ay anak ko,at nagmula sa kapangyarihan ko ang pagsilang mo...

Kung ganun...wala akong dugong mortal...

Syang tunay...

Gustong lumundag sa tuwa si Nathan...pero paano nya yon gagawin...

Hindi yan totoo

Gamit ang kapangyarihan ay muling dinala ni Bathalang Emre si Nathan sa nakaraan mula sa pagsilang ni Gustavo hanggang sa kasalukuyan...

"Anong mangyayari sa amin ni Lira?

"Isang bawal na pag ibig ang meron kayong dalawa...

"Mahal ko si Lira...

"Hindi mo mababago ang katotohanan na ikaw ay anak ng isang bathala....

"Parang awa mo na Ama...alam kong may magagawa ka...may binitawan akong pangako kay Lira...hindi ko sya iiwan..babalikan ko sya...

"Ikinalulungkot ko anak...ang magagawa ko lamang ay pahintulutan kang makabalik sa Encantadia sa lalong madaling panahon upang iligtas sila...

"Pero Ama...

Patawarin mo ako..kung sa simula pa lang ipinabatid ko na sayo na anak kita..baka hindi ka na sumubok magmahal pagkat ito ang batas nating mga bathala...

Naiwang umiiyak si Nathan...kailangan nyang yakapin ang totoo nyang pagkatao ..kung kapalit nito ay ang kaligtasan ni Lira..

Nasa likuran na pala nya ang Ina...

"Patawarin mo ako anak"

"Paano nangyari lahat ng to"

"Hindi ko rin alam,noong dumating ako dito sa Devas ay saka ko pa lang nalaman yong totoo...

Ipinagbuntis kita katulad ng kung paano magbuntis ang mga mortal,siyam na buwan kitang dinadala sa sinapupunan ko...

Ina,hindi kaya nagkamali si Bathalang Emre,hindi ako ang anak nya...

Kailan man ay hindi maaring magkamali ang makapangyarihang bathala,di nga bat dinala ka nya sa nakaraan..sinubaybayan nya ang paglaki mo noong tinapon ka ni Matthew,maging noong napunta ka sa poder ni Gustavo..

Ina,si Casper baka sya ang anak nyo at hindi ako...

"Batid nating dalawa na ang tubig lamang ang kayang diktahan ni Casper,isang malaking patunay na anak sya ni Adora...

"Ina sana nauunawaan mo ako kung nahihirapan akong tanggapin na isa akong bathala...

Nauunawaan ko,mahal mo si Lira ngunit kailangan mong yakapin ang yong pagiging bathala,yon lamang ang paraan na maproteksyunan mo si Lira...

Niyakap sya ng Ina

Bagamat masakit ay kailangan harapin ni Nathan ang tungkulin nya bilang bathala lalo na ngayon na higit syang kailangan ng mga diwata ...

Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon