Chapter 17(Panlilinlang)

297 5 1
                                    

Sa kaharian ng Ardenia

"Narito ka lang pala...mukhang malalim ang yong iniisip..."turan ng hari ng Ardenia)

"Himala yatang bigla kayong naging maalalahanin,akoy kinikilabutan.."(sagot ni Nathan sa kinikilalang ama)

"Ako ang nagpalaki sayo kaya't itinuturing pa rin kitang anak,batid kong gaya ko ay iisa tayo ng layunin...

"Iisa ang layunin?nagpapatawa ka ba?"

"Hindi mo man sa akin bigkasin,batid kong nais mong ipaghiganti ang yong kapatid..."

Tiningnan lamang ni Nathan ang hari at pagkatapos nag iwas muli ng tingin at tumingin sa malayo...

Pinatong ni Gustavo ang kamay sa balikat ni Nathan...at umaasa syang malinlang si Nathan sa kanyang kasinungalingan..kailangan lang naman nyang magkunwari na nagsisisi sa pang aapi kay Nathan simula noong napunta ito sa kanyang poder..

May namuo ng luha sa mata ng hari ng magtagpo muli ang mata nilang dalawa ni Nathan...

"Tulungan mo ako,anak ko(kasabay ng pagyakap kay Nathan..

"Ano ang plano mo Ama?

Nagdiwang ang isip ng hari pagkat pakiramdam nya pumasok na sa bitag nya si Nathan...

Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi nya sundin ang plano ni  bathalumang Ether...gagawa sya ng sarili nyang plano... kaya naman ay dinala nya si Nathan sa piitan kung saan itinago nya ang kanyang bihag...

"Sino sya Ama?(naguguluhang tanong ni Nathan ng makita ang isang matandang nakapiit sa piitang napapalibutan ng apoy...

"Sya ang sinaunang hari ng Sapiro,"

"Sino kayo....anong kailangan mo sa akin?(tanong ng matanda)

"Ako ang ampon mo na pinagkaitan mo ng yong trono bagkus ay mas pinili mo itong ipagkaloob sa yong mashna,"

Tumawa si Rhodoro

"Trono?ako'y isang hamak na matandang walang tahanan,nahihibang ka na yata...

Walang awang sinakal ito ng hari

"Ipagpasalamat mong nasa ilalim ka ng sumpa ng yong sinasambang bathala dahil sa kasalanan ng pinakamamahal mong anak dahil kung alam mo lang na ako ang magpapabagsak sa pinakaingatan mong kaharian,tiyak dugo ang yong iluluha.."

"Isa kang nilalang na may maitim na budhi,hwag ka munang pakakasiguro sapagkat binura na ng luha ng pagmamahal ang bakas ng kasalanan ng isang makapangyarihan nilalang...at noong panahong yon ay naisalin na nya ang kanyang kapangyarihan...hindi ka magtagumpay...sapagkat itinakda ang dalawang Rehav na syang tatapos sa sumpa ng bathala...

Naalala ni Gustavo kung paano makikipaglaban si Casper...at kung paano nito nautusan ang tubig gayong wala itong hawak na brilyante...

"Kung ganon,maaring sya ang apo ng hari...(sa loob ni Gustavo)at maaring naisalin ni Adora ang kanyang kapangyarihan ngunit bakit si Casper lamang ang nagbalik(mga katanungan sa isip ni Gustavo)

"Si Casper ba ang tinutukoy mo?ang bagong kapanalig ng mga diwata...patay na rin sya ngayon...

"Muli syang babangon....

Humalakhak si Gustavo

"Tama ka,nanalaytay sa dugo nya ang lason mula sa mahika ni bathalumang Ether at pag nakarating ito sa kanyang utak ay makakalimutan nya ang lahat,mabubuhay syang muli upang wakasan ang buhay ng kanyang mga kapanalig..

"Nagkakamali ka pagkat may isa pa syang tagapagligtas na kasalukuyang nasa mundo ng mga tao,ipinaabot ko na sa pamamagitan ng alaga kong ibon ang aking mensahe sa hara ng Lireo...at tiyak kong sa oras na mapasakamay nya yon ay agad syang maglakbay patungo sa sinasabi kong bundok na matatagpuan sa mundo ng mga mortal...

Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon