Prologue (ang sumpa ng bathala)

1.2K 19 3
                                    

Kasabay ng pagtalikod ng dalawang nilalang sa mahiwagang daigdig na kanilang pinagmulan ay pinili ni Bathalang Emre na burahin silang dalawa sa isipan ng lahat,Bagamat kanyang pinakamamahal ang dalawang Engkantada ay nagdesisyon syang sila ay isumpa dahil sa paglabag nito sa batas na hwag umibig ng mortal ....

"Kasabay ng inyong pagtalikod Sa akin at Sa inyong lahi,mabubura ang anumang bakas na inyong iniwan....walang sinuman ang makaalala Sa inyo Sa mundong inyong pinagmulan,kayo lamang ang nakakaalam ng sarili ninyong kasaysayan.
" Sa sandaling kayo ay magsilang ng supling,magbabago ang inyong wangis,tatalikuran kayo ng taong inyong minamahal,kakamuhian kayo at pandidirian ng mundong pinili ninyong tirhan....sapagkat ang taong pinili ninyong mahalin ay huwad at mapaglinlang....

Matapos yong sambitin ay kumalat ang puting usok sa buong Encantadia ,ang lahat ay nawalan ng malay kasama si Cassiopea na balak pa sanang pigilan ang anak....

Samantalang sa kaharian ng Sapiro,kinoronahan bilang hari ang dating Mashna na si Armeo at Kasabay ng pag upo nyang hari ay kumalat din ang puting usok na dala ng sumpa ng bathala at pagkagising nila, hindi na nila kilala si haring Rhodoro,ganon din ang hari hindi nya matandaan kung sino sya....dahilan upang lisanin nya ang kaharian na minsan nyang minahal at pinaglingkuran.....

Sa kanyang paglalakbay....sya ay napagod,kaya nagpasya syang magpahinga ng pansamantala. ... at sa kanyang pagtulog isang boses ang kanyang narinig...

"Haring Rhodoro....

"Sino po kayo,magpakita po kayo sa akin. ...subalit tanging boses lamang ang kanyang narinig....

"AKO ANG SINASAMBA MONG BATHALA,LUBOS KONG KINALULUGDAN ANG IYONG PAMAMALAKAD SA KAHARIANG AKING MINAHAL,KUNG KAYA'T BILANG GANTI AY HINDI KO TULUYANG TATANGGALIN ANG IYONG LAHI SA KAHARIAN NG SAPIRO, LUHA NG PAGMAMAHAL ANG MAG AALIS NG SUMPA AT UUPO NG TRONO ANG AKING ITINAKDA... ISANG DUGO NG MATAPANG NA MANDIRIGMA ANG MAGBABALIK NG ALAALA....

Nagising si Rhodoro....

"Isa lamang po akong hamak na manlalakbay na walang tahanan at pamilya. ... ano't inyong winika na uupo sa trono ng Sapiro ang aking lahi. ... tila yata nakakatawa,akoy matanda na at nag iisa....ganun paman Avisala Eshma ....aking bathala.
..

Napagmasdan ni Bathalang Emre ang lahat ng nagaganap....

"MANGYAYARI ANG AKING SINABI....SA PANAHONG AKING ITINAKDA...

Samantalang ang ampon ng hari na si Gustavo na hinangad din ang posisyon ay hindi rin maalala kung saan sya nagmula,patungo sana syang Sapiro upang salakayin ang kaharian bitbit ang mandirigmang sapiryan na naniniwalang nararapat syang humaliling hari ay nag iba ng direksyon,naglalakbay sila ng napakalayo hanggang sa isang Dragon ang Nagpakita sa kanya.

"Bibigyan kita ng sapat na kapangyarihan,at yaman kung sasamba ka sa akin.

" Sino po ba kayo?

"Ako si Bathalang Arde"

At dahil sa ambisyon ni Gustavo ay tinalikuran din nya ang Bathalang sinasamba ng kanyang kinikilalang ama na kasalukuyang di rin nya naalala at yon nga ang pagsibol ng isa pang kaharian na pinamumunuan ni Gustavo.

Ang dalawang nilalang na isinumpa ng bathala. ..

                   Prinsesa ng Sapiro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                   Prinsesa ng Sapiro

Si Adora ang isang prinsesang Sapiryan na bago pa man umupo si haring Armeo ay syang dapat na tagapagmana dahil sa pinili ni Adora na lisanin ang Encantadia,Pinili ng ama nyang hari ang tapat na Mashna na si Armeo kaya napunta ang kaharian ng Sapiro sa pamumuno ni Haring Armeo at sa tulong ng pinsan nyang si Raquim na naging prinsipe ng umupo syang hari ay napatakbo nila ng mapayapa at masagana ang kaharian kaya naman minahal sila ng mga nasasakupan lalo pat sa isipan ng lahat si Armeo ang kauna unahang hari, at tuluyang nabura sa kasaysayan ng mundo ng hiwaga na minsan ay pinamunuan sila ng isang mapagmahal at mapagkalingang hari,nakalimutan nila na minsan nagkaroon sila ng napakagandang prinsesa na kinagigiliwan ng lahat,isang prinsesang taglay ang isang kapangyarihan na biyaya ng bathala sa kanya sapagkat lumaki syang tapat na prinsesa sa kanyang pananampalaya, naglaan sya ng panahon para ituro sa mga kabataang Sapiryan ang kahalagahan ng pananampalataya, na gaano man kadaming alituntunin at suliranin ay hwag kalimutang unahing pasalamatan ang kanilang bathala.
Sa katunayan ay nagpatayo pa sya ng templo sa loob ng kaharian...

 Sa katunayan ay nagpatayo pa sya ng templo sa loob ng kaharian

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                    Sanggre Ursula

Ang isa pang isinumpang nilalang ay ang matalik na kaibigan ng prinsesa, si Sanggre Ursula na anak ni Cassiopea,ang tagapagmana ng kaharian ng Lireo,ngunit katulad nya ay pinili din nitong talikuran ang nakatakda nyang kapalaran upang sundin ang dikta ng kanyang damdamin...

Sa sumpang sinambit ng bathala,tuluyang Nabura silang dalawa....kaya naman pinili ni Cassiopea tagapagmana si Minea ang ina ng apat na Sanggre. .

Mapapatawad pa kaya ng bathala ang dalawang engkantada.....ano ang magiging kapalaran nila Sa mundo ng mga tao.

Authors Note: Hello po mga ka Encantadiks,at kapwa ko Ybramihan pati na rin sa mga Alebarro,sana magustuhan nyo ang handog Kong kwento...sana tanggapin nyo ang bagong pag ibig ni Alena na malapit ko na rin ipakilala....at dahil Di ko pa nailagay ang MV ng kwento na pinaghirapang gawin ng pamangkin Kong si Jessa, you can watch it on my fb account,search Gumamela Lenox. .it's funny that Jessa was a k-pop fanatic but upon making those video I turn her to be an Alebarro....but most especially she became a fan of Ruru Madrid....

.
.

Mahiwagang PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon