Papunta na sa Sapiro si Nathan ng mararamdaman nyang tila nasa panganib ang kanyang Ila..
At hindi nga sya nagkakamali...
Nasa gitna ng karagatan ng Sapiro,ang sinaunang Rama at ang sinaunang hara ng mga diwata...
At batid ni Nathan na lahat ng ito ay kagagawan ni Bathalumang Ether...
Natanaw na nya ang isang kwadradong yelo na kasing hugis ng tao na nasa gitna ng karagatan...
Lumapit na sya sa dalampasigan ng biglang may kulay berdeng nakalutang sa hangin at papalapit sa kinatatayuan nya...
Napapangiti ang sanggre,nangangahulugan lamang yon na nakakalaya na ang dalawang Rehav...
Ang kapirasong brilyante ng
Tubig..
Inilabas nya ang hawak na brilyante ng diwa...at agad na umanib ang kapirasong brilyante ng tubig sa kanyang pinagmulan...Muli ay nagiging buo at makapangyarihan ang brilyante ng diwa...
At pagkat taglay nito ang kapangyarihan ng apat na elemento..
Ay nagagawang utusan ni Nathan ang tubig sa karagatan at ito ay nagiging yelo mula sa kanyang kinatatayuan hanggang sa kinaroroonan nina Cassiopea at Rhodoro...
Nagamit nya ang kapangyarihan ng evictus at nailigtas ang dalawa...
"Avisala Eshma Nathan...apo ko...wika ni Cassiopea...
"Magtungo muna kayo sa kuta ninyo Ila...at kayo din mahal na Rama..hindi kayo maaring bumalik ng Sapiro pagkat kasalukuyan itong nasa kamay nina Hagorn at ng aking Ama...
" Ngunit paano ito nangyari gayong batid nating lahat na napaslang muna ang hari ng Ardenia...
"Nagbalik ang kanyang Ivtre kasama ang iba pang hadezzar na nasa balaak...at magkakampi sila ng hagorn ngayon...
"Nangangahulugan din ba ito na bihag nila ang mga Sapiryan...
"Hindi po,naitakas sila nina hara Amihan at ng mga sanggre,at nasa isang kweba sila sa bundok ng Sapiro na hindi nalalayo dito...
"Kung ganon komusta ang hara?ang mga sanggre...ang dalawang Rehav ?ang dalawang diwani..(sunod sunod na tanong ni Cassiopea)
Hinawakan ni Nathan ang kamay ng Ila nya...
"Hwag kayong mag alala Ila..(.at pinakita ni Nathan ang buong brilyante ng diwa.)
Lumutang ang kapirasong brilyante ng tubig noong papunta ako rito upang iligtas kayo...nangangahulugan lamang yon na muling nabawi ni Casper ang maliit na brilyante ng tubig mula sa bathaluman...at inutusan nya itong umanib sa kanyang pinagmulan...at kasama din po nila ang dalawang diwani at ang aking kapatid..."Yong kapatid?,di nga ba't isa syang kaaway...
"Mahal na Rama,kakampi napo natin si Merethea at malaking tulong po nya lalo pa at sya lamang ang nakakapaslang sa mga hadezzar...
BINABASA MO ANG
Mahiwagang Puso
FanfictionThis is my own version of Enca, unexpectedly I became an Ybramihan,sa pagsisimula ng Engkantadia I admit na kinikilig talaga ako sa Alebarro ngunit sa paglipas ng mga araw at habang nagkakaeksena ang Ybramihan bigla nag iba ang aking gusto, mas nai...